Ang Iyong Pamilya

Ang Islam ay sadyang labis na masigasig sa pagtatatag at pagpapanatili ng [isang huwarang] pamilya, gayundin sa pangangalaga rito mula sa lahat ng makasisira rito at mula sa mga nagbabanta ng paglihis sa mga pundasyon nito, sapagka’t ang kabutihan ng pamilya at ang pagbuo nito ay nagsisilbing katiyakan tungo sa kabutihan ng bawat isa at ng pamayanan o lipunan sa pangkalahatang pananaw nito.