Ang Iyong Pag- uugali

Ang pag-uugali sa Islam ay hindi isang karangyaan at hindi rin isang kalabisan [o karagdagan] nguni’t ito ay isang pangunahing bahagi na nakaugnay sa lahat ng aspeto ng relihiyon [ng Islam], kaya ang pag-uugali sa Islam ay nagtataglay ng mga pinakadakilang antas at pinakamataas na katayuan, at ito ay natutunghayan ng malinaw sa lahat ng mga alituntunin at mga batas ng Islam. Katunayan, ang Propeta  ay isinugo upang buuing ganap [at ilarawan] ang marangal na katangian ng pagkakaroon ng mabuting pag-uugali.