Ang Pamamaraan ng Salaah
- Ang Niyyah (layunin): Ang Niyyah ay isa sa mga kinakailangang patakaran ng kawastuhan ng Salaah at kung wala ito, ang Salaah ay hindi tinatanggap. Ibig sabihin – ito ay dapat isapuso ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng Salaah, samakatuwid ay batid niya na ito ay Salaah sa Maghrib halimbawa o Isha’, at hindi kinakailangang bigkasin [o sambitin] ang Niyyah na ito, bagkus ang isapuso at isipan ang kailangan para rito, samakatuwid ang pagbigkas dito ay isang pagkakamali, sapagka’t hindi ito napatunayan sa Propeta r, gayundin sa kanyang mga mararangal na Sahabah (kasamahan).
- Tumindig nang matuwid para sa Salaah, at bigkasin ang: (Allaahu Akbar [Ang Allah ay Dakila]), habang itinataas ang dalawang kamay hanggang sa tapat ng mga balikat o mas mataas, na ang palad ng kamay ay nakaharap sa dakong Qiblah (direksiyon ng pagdarasal). At hindi tinatanggap ang Takbir maliban sa pamamagitan ng pagbigkas ng (Allaahu Akbar), at ang kahulugan nito ay ang pagdakila at pagluwalhati sa Allah, samakatuwid ang Allah ang pinakadakila kaysa sa lahat, higit na dakila kaysa sa mundong ito, sa lahat ng napaloloob ditong mga kasiyahan at mga karangyaan, kaya dapat nating isantabi ang lahat ng karangyaang iyon at humarap tayo sa Mahabaging Allah sa pagsasagawa ng Salaah nang buong puso at kataimtiman.
- Pagkatapos ng Takbir, ilagay [o ipatong] ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa dibdib at ito ay gawin nang palagi sa pagtindig.
- Bigkasin ang pambungad na Du`a (panalangin) bilang kaaya-ayang gawain: Subhaanakal laahumma wa bihamdik, wa tabaarakasmuk, wa ta`aalaa jadduk, wa laa ilaaha ghayruk (O Allah, sumaiyo ang kaluwalhatian at pagpupuri, maluwalhati ang Iyong pangalan, kataas-taasan ang Iyong karangalan, sapagka›t walang ibang diyos bukod pa sa Iyo).
- At isunod at bigkasin ito: A`udhu billaahi minash shaytaanir rajeem (Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban kay Satanas na isinumpa), ito ang siyang Isti`adhah (pagpapakupkop), at ang kahulugan nito: Ako ay dumudulog at humihingi ng kalinga sa Allah laban sa kasamaan ni Satanas.
- Bigkasin ang: Bismillaahir rahmaanir raheem (Sa Ngalan ng Allah, ang Maawain ang Mahabagin), at ang kahulugan ng Basmalah: Ako ay nagsisimula na humihingi ng tulong, nagpapabiyaya sa pamamagitan ng Ngalan ng Allah.
- Bigkasin ang panimulang Surah (kabanata) Al-Fatihah, at ang Fatihah ay pinakadakilang Surah sa Aklat ng Allah.
- At sa katunayan, biniyayaan ng Allah ang Kanyang Sugo sa pamamagitan ng pagpapahayag nito, at Kanyang sinabi: {At katotohanang Aming ipinagkaloob sa iyo ang pitong talata [Al-Mathani ng Surah Al-Fatihah) at ang Dakilang Qur’an}. Al-Hijr (15): 87 At ang pitong Al-Mathani, ito ang Al-Fatihah, at sa gayon pinangalanan, sapagka’t ito ay naglalaman ng pitong talata.
- Kinakailangan para sa isang Muslim ang pag-aaral nito, sapagka’t ang pagbasa nito ay isa sa haligi ng Salaah, para sa kanya na nagsasagawa ng Salaah na mag-isa, o sumusunod lamang sa Salaah na hindi pinalalakas ng Imam (namumuno sa Salaah) ang pagbabasa rito.
- Ipinag-uutos para sa kanya matapos na basahin ang Fatihah o mapakinggan ito sa pagbabasa ng Imam na kanyang sasabihin: (Ameen) na ang kahulugan nito: O Allah! Nawa’y dinggin Mo.
- Bumigkas ng ibang Surah o talata [ng Qur’an] pagkatapos mabigkas ang Fatihah sa unang dalawang Rak`ah (yunit), samantalang sa ikatlong Rak`ah at ikaapat ay bigkasin lamang ang Al-Fatihah.
- At ang pagbigkas sa Fatihah at ang mga kasunod na talata [ng Qur’an] dito ay karaniwang binibigkas nang malakas sa Salaah sa Fajr (sa madaling araw), Maghrib (sa takip-silim) at Isha’ (sa gabi), samantalang sa Dhuhr (sa tanghali) at Asr (sa hapon) ay pinahihina [ang pagbigkas].
- At ang mga Dua at Dhikr (panalangin at paggunita) sa Salaah ay binibigkas nang mahina.
-
- Pagkatapos ay magsagawa ng Takbir (pagbigkas ng Allaahu Akbar) para sa Ruku` (pagyukod) habang itinataas ang mga kamay sa magkabilang balikat o mas mataas pa rito, na ang palad ng mga kamay ay nakaharap sa dakong Qiblah (direksiyon sa Salaah), tulad ng ginawa sa unang Takbir.
- Magsagawa ng Ruku` (pagyuko) sa pamamagitan ng pagbaluktot ng likod sa dakong Qiblah, na ang likod at ulo ay magkapantay, at ilagay ang mga kamay sa mga tuhod, at bigkasin ang: Subhaana rabbiyal `adheem (Kaluwalhatian sa aking Panginoon na Pinakadakila), at nakabubuting gawin nang tatlong ulit ang naturang Tasbih (pagluwalhati). Datapuwa›t ang ipiang-uutos ay isang ulit lamang, at ang Ruku` (pagyuko) ay isang kalagayan ng pagdakila at pagpipitagan sa Allah. Ang kahulugan ng (Subhaana rabbiyal `adheem): Ang ibig sabihin ay ipinahahayag ko sa Allah, na Siya ay Malaya sa mga kakulangan [o kapintasan] at aking kinikilala ang Kanyang kaganapan habang ako ay nakayuko, nagpapakumbaba sa Allah na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan.
- Mula sa pagkayuko ay muling bumalik sa pagkakatayo habang itinataas ang mga kamay sa tapat ng mga balikat at ang mga palad nito ay nakaharap sa dakong Qiblah (direksiyon sa Salaah) tulad ng una at bigkasin ang: Sami allaahu liman hamidah (Dinidinig ng Allah ang sinuman na nagpupuri sa Kanya), kung siya ang Imam (namumuno sa Salaah) o mag-isa, at pagkatapos [ang lahat] ay bigkasin ang: Rabbanaa walakal hamd (Aming Panginoon, at sa Iyo po lamang nauukol ang pagpupuri), at nakabubuti na bigkasin bilang dagdag pagkatapos nito ang: Hamdan kathiran tayyiban mubaarakan feeh mil as samaa› wa mil al ardi wa mil a maa shi›ta min shay in ba`d (pagpupuring marami, masagana, tigib ng pagpapala, pumupuno sa kalangitan at pumupuno sa kalupaan at pumupuno sa anumang bagay na naisin Mo).
- Magpatirapa sa lupa na ang pitong bahagi ng katawan - ang nuo kasama ng ilong, ang dalawang kamay (palad), ang dalawang tuhod, at ang dalawang paa ay nakasayad sa lapag [o lupa]. At nakabubuti sa kanya na ilayo [at huwag idikit] ang kanyang mga kamay sa magkabilang tagiliran, at ilayo [o huwag idikit] ang tiyan sa mga hita, at ilayo ang mga hita sa mga paa sa kanyang pagpapatirapa, at itaas ang mga braso sa lupa.
- At bigkasin sa pagpapatirapa ang: Subhaana rabbiyal a`alaa (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan) nang isang ulit [ayon sa iping-utos] nguni’t nakabubuti rin namang ulitin ito nang tatlong ulit. Ang Sujud (pagpapatirapa) ay isa sa pinakamarangal na kalagayan na kung saan ang pagdalangin ay ipinagkakaloob sa Allah, kaya pagkaraang bigkasin ang nararapat na dua [panalangin] na binanggit sa itaas, itinatagubilin na magsumamo sa Alllah at pakumbabang humingi sa Kanya ng anumang ninanais na kabutihan sa mundong ito at sa Huling Araw. Sinabi niya r : «Ang pinakamalapit na kinalalagyan ng isang alipin sa kanyang Panginoon ay habang siya ay nakapatirapa, kaya inyong dalasan ang inyong Du`a (panalangin)». (Muslim: 482) Ang kahulugan ng Subhaana rabbiyal a`laa (Luwalhati sa aking Panginoon ang Kataas-taasan): Pinupuri ko ang Kabanal-banalan ng Allah na Pinakamataas, sa Kanyang Kadakilaan at Kanyang Kataas-taasang Katayuan sa ibabaw ng Kanyang mga kalangitan mula sa lahat ng mga kakulangan at mga kapintasan, at dito ay mayroong palala sa nagpapatirapa na nakadiit sa lupa bilang pagpapakumbaba at pagkaaba, upang kanyang maalaala ang kaibahan sa kanyang pagitan at ng kanyang Tagapaglikha na Kataas-taasan, kaya siya ay mangangayupapa sa kanyang Panginoon at magpapakumbaba sa Kanya bilang Mawla (ang Allah bilang Tagapagtangkilik).
- Pagkatapos ay bigkasin ang Takbir (Allaahu Akbar), at maupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa, at nakabubuti na upuan ang kaliwang paa • at habang pinananatili naman ang kanan nito na ang mga daliri nito ay nakatukod, at ilagay ang mga kamay sa dulong bahagi ng kanyang mga hita malapit sa mga tuhod • At ang lahat ng mga pag-upo sa oras ng Salaah ay nararapat na gawin sa ganitong pamamaraan sa pag-upo, maliban sa huling Tashahhud, sapagka’t nakabubuti na itukod din ang kanan, nguni’t ilalabas niya ang kaliwa sa ilalim nito at ang pagkakaupo niya ay sa lupa. • Sinuman ang walang kakayahan na umupo sa Salaah sa paraan na nabanggit sa unang Tashahhud o sa ikalawa, sanhi ng karamdaman sa kanyang mga tuhod o dahil sa hindi na nasanayan ito, magkagayon, maupo ayon sa pinakamalapit na katayuan nito na kung saan ay maginhawa ang pag-upo rito.
- Bigkasin sa pagkaka-upo sa pagitan ng dalawang Sujud (pagpapatirapa): Rabbigh firlee war hamnee wahdinee war zuqnee waj bur nee wa `aafinee (Panginoon ko, ako po ay Iyong patawarin, ako po ay Iyong kaawaan, ako po ay Iyong patnubayan, ako po ay Iyong tustusan sa aking mga pangangailangan, ako po ay Iyong aliwin, at ako po ay Iyong pagalingin)
- Pagkatapos ay magpatirapa sa ikalawang ulit, tulad ng unang pagpapatirapa. .
-
- Pagkatapos ay tumayo mula sa ikalawang pagkakapatirapa tungo sa kalagayang pagkakatindig na nagsasabi: Allaahu Akbar (Ang Allah ay Dakila).
- At isagawa ang Salaah na ikalawang Rak`ah (yunit), tulad ng sa una nang walang pagkaiba.
- Pagkatapos ng ikalawang pagpapatirapa sa ikalawang Rak`ah (yunit), maupo para sa unang Tashahhud at bigkasin: Attahiyyaatu lillaahi was salawaatu wat tayyibaatu assalaamu alayka ayyuhan nabeyyu wa rahmatul laahi wa barakaatuh. Assalaamu alaynaa wa alaa ibaadillaahis saaliheen. Ashhadu allaa ilaaha illallaah wa ashhadu anna Muhammadan abduho wa rasooluh (Ang mga pagbati, mga dasal, at mga mabubuting bagay sa buhay ay sa Allah. Sumaiyo ang kapayapaan, O Propeta at gayon din ang habag at mga pagpapala ng Allah. Ang kapayapaan ay mapasaamin at mapasakanila na mga matutuwid na lingkod ng Allah. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos maliban pa sa Allah, natatanging Siya lamang, wala Siyang katambal. At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Sugo at lingkod).
- Pagkatapos ay tumayo para sa natitira pang Salaah, kung ang Salaah ay binubuo ng tatlo o apat na Rak`ah (yunit), nguni’t sapat na bigkasin lamang sa ikatlo at ikaapat na Rak`ah ang Al-Fatihah.
- Samantalang kung ang Salaah ay binubuo ng dalawang Rak`ah (yunit) tulad ng Fajr (sa madaling araw), magkagayon isagawa ang huling Tashahhud (pagsasaksi), tulad ng sumusunod.
- Pagkatapos, sa huling Rak`ah (yunit) matapos ang ikalawang Sujud (pagpapatirapa), maupo para sa huling Tashahhud, at ang pamamaraan nito ay tulad ng sa unang Tashahhud, nguni’t idaragdag ang paghiling ng pagpapala sa Propeta, batay sa pamamaraan na susunod: Allaahumma salli `alaa Muhammad wa `alaa aali Muhammad kamaa sallayta `alaa Ibraaheema wa `alaa aali Ibraheema innaka hameedun majeed, wa baarik `alaa Muhammad wa `alaa aali Muhammad kamaa baarakta `alaa Ibraheema wa `alaa aali Ibraheema innaka hameedun majeed (O Allah, pagpalain Mo po si Muhammad at ang kanyang mag-anak tulad ng pagpala Mo kay Ibrahim at sa kanyang mag-anak, tunay po na Ikaw ay kapuri-puri at maluwalhati. Biyayaan Mo po si Muhammad at ang kanyang mag-anak, tulad ng pagbiyaya Mo kay Ibrahim at kanyang mag-anak, tunay po na Ikaw ay kapuri-puri at maluwalhati). At nakabubuting bigkasin pagkatapos nito: A`udhu billaahi min `adhaabi jahannam wa min `adhaabil qabri wa min fitnatil mahyaa wal mamaat wa min fitnatil maseeh addajjaal (Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban sa kaparusahan ng Impiyerno, at sa kaparusahan sa libingan, at sa tukso ng buhay at kamatayan, at sa tukso ng bulaang Kristo), at manalangin sa kung ano ang ninanais.
- Pagkatapos ay ibaling ang ulo sa dakong kanan na nagsasabi: Assalaamu `alaykum wa rahmatullaah (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang Habag ng Allah), pagkaraan ay sa dakong kaliwa na katulad din nito. At sa pamamagitan ng Taslim (Assalaamu `alaykum wa rahmatullaah) ay magtatapos ang isang Muslim sa kanyang Salaah. Batay sa sinabi niya r : «Ang panimula nito ay ang Takbir (Allaahu Akbar) at ang pagtatapos nito ay ang Taslim (Assalaamu `alaykum wa rahmatullaah). (Abu Daud: 61 – At-Tirmidi: 3) Ibig sabihin ay magsisimula ang pagpasok sa Salaah sa pamamagitan ng unang Takbir at magtatapos ito sa pamamagitan ng Taslim.
- Nakabubuti sa isang Muslim pagkatapos ng Salam mula sa Takdang Salaah, na siya ay magsabi [bilang panalangin]: 1. Astaghfirullaah (Ako’y humihingi ng kapatawaran sa Allah), nang tatlong ulit. 2. At bigkasin ang Du’a na : Allaahumma antas salaamu wa minkas salaamu tabaarakta yaa dhal jalaali wal ikraam (O Allah, Ikaw po ang Kapayapaan at sa Iyo rin po nagmumula ang kapayapaan, Ikaw po ay Banal, Ikaw na nagtataglay ng Kadakilaan at Karangalan) Allaahumma laa maani`a lima a`atayta wa laa mu`tiya limaa mana`ta wa laa yanfa-u dhal jaddi minkal jad (O Allah, wala pong makapipigil sa Iyong pagkakalooban at wala pong makapagbibigay kapag pinigilan Mo. At hindi po makapagbibigay ng kapakinabangan sa taong may magandang kapalaran ang magandang kapalaran sapagka’t sa Iyo po ito nagmumula). 3. Pagkatapos ay bigkasin ang: Subhaanallaah (Kaluwalhatian sa Allah), gawin ito nang 33 ulit, at Alhamdulillaah (Ang pagpupuri ay sa Allah) 33 ulit, at Allaahu Akbar (Ang Allah ay Dakila) 33 ulit, at buuin ito ng isang daan sa pamamagitan ng pagbigkas ng: Laa ilaaha illallaahu wahdahu laa shareeka lah, lahul mulku wa lahul hamdu wa huwa `alaa kulli shay-in qadeer (Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, tanging Siya lamang, wala Siyang katambal, sa Kanya lamang ang paghahari at sa Kanya lamang ang pagpupuri. At Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay)
At ang kahulugan ng Surat (kabanata) Al-Fatihah ay ang sumusunod:
Alhamdu lillaahi rabbil `aalameen {Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah, ang Rabb (Panginoon) ng lahat ng mga nilalang}: Ako ay pumupuri sa Allah sa lahat ng Kanyang mga Katangian, mga gawain at mga biyaya, maging lantad man ito o nakalingid kalakip ng pagmamahal at labis na pagdakila sa Kanya. Ang Rabb (Panginoon): Siya ang Tagapaglikha, ang Hari, ang May Kapangyarihan, ang Tagapagkaloob ng mga biyaya. At ang `Aalameen (lahat ng mga nilalang): Tinutukoy nito ang lahat ng bagay maliban sa Allah na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan, mula sa mga daigdig ng tao, ng jiinn, ng mga Anghel at mga hayop at iba pa. Ar-Rahmaanir raheem {Ang Mahabagin, Ang Maawain}: Dalawang pangalan mula sa mga Pangalan ng Allah. Ang Ar-Rahman ay nangangahulugan na Siya ay nagtataglay ng pangkalahatang habag na sumasaklaw sa lahat ng bagay. Samantalang ang Ar-Raheem ay ang nagtataglay ng katangiang habag na nakalaan lamang para sa Kanyang mga alipin na naniniwala. Maaliki yawmiddeen {Ang Hari ng Araw ng Paghuhukom}: Ibig sabihin ay ang Hari, ang May Kapasiyahan sa Araw ng Paggawad ng gantimpala at Pagsusulit, samakatuwid naririto bilang paalaala sa isang Muslim tungkol sa Huling Araw, at paghihikayat sa kanya sa paggawa ng kabutihan. Iyyaaka na`budu wa iyyaaka nasta`in {Ikaw (lamang) ang aming sinasamba at Ikaw (lamang) ang aming hinihingan ng tulong}: Sa Iyo lamang kami naglalaan ng pagsamba, O aming Panginoon, kami ay hindi nagbibigay sa Iyo ng katambal bukod sa Iyo sa anumang uri ng Ibaadah (pagsamba), at sa Iyo lamang kami humihingi ng tulong sa lahat ng mga bagay na ukol sa amin. Samakatuwid, ang lahat ng bagay ay nasa Iyong Kamay, walang sinumang nagmamay-ari nito kahit kasing bigat ng isang butil ng mais. Ihdinas siraatal mustaqim {Patnubayan Mo po kami sa matuwid na landas}: Ituro Mo sa amin, ipatnubay at igabay sa matuwid na landas at panatilihin dito hanggang sa aming pagharap sa Iyo. Ang matuwid na landas, ito ang maliwanag na pananampalatayang Islam na naghahatid tungo sa lugod ng Allah at sa Kanyang Paraiso, na siyang itinuro ng pinakahuli sa mga Propeta at Sugo na si Muhammad r, at walang daan tungo sa kasiyahan ng isang alipin kundi sa pamamagitan ng pagiging matwid dito. Siraatal ladhina an `amta `alayhim {Ang Landas ng Iyong mga pinagpala}: Ibig sabihin ay landas ng sinumang Iyong pinagpala sa kanila sa pamamagitan ng pamamatnubay at pagpapakatuwid mula sa lipon ng mga Propeta at matutuwid na nakababatid ng katotohanan at kanilang sinunod. Ghayril magh dhubi `alayhim wa lad dhaallin {Hindi (ang landas ng) mga nagkamit ng (Iyong) matinding poot at ng mga nangaligaw}: Ibig sabihin ay ilayo Mo po kami at iligtas mula sa landas ng sinumang Iyong kinapootan at kinasusuklaman sa kanila, sapagka’t kanilang nababatid ang katotohanan, nguni’t ito ay kanilang piawalang-bahala, at sila yaong mga Hudyo at ang sinumang mga katulad nila, at ilayo Mo kami sa landas ng mga nangaligaw, at sila yaong mga hindi napatnubayan tungo sa katotohanan dahil sa kanilang kamangmangan, at sila yaong mga Kristiyano at ang sinumang gumagaya sa kanila. ong}:
Ano ang gagawin ng isang hindi nakasasaulo ng Al-Fatihah at mga Dhikr (paggunita sa Allah) sa [oras ng] Salaah?
Sinuman ang bagong yakap sa Islam at hindi nakasaulo ng Al-Fatihah at mga Dhikr (paggunita) sa Salaah, magkagayon iti natagubilin para sa kanya ang mga sumusunod:
- Tungkulin niyang magsikap sa pagsasa-ulo ng mga kinakailagang Adhkar (paggunita) sa Salaah, at ito ay hindi matatanggap maliban sa pamamagitan ng wikang Arabik. At ito ay: Ang Al-Fatihah, ang Takbir, ang Subhaana rabbiyal `adheem, ang Sami`allaahu liman hamidah, ang Rabbanaa lakal hamd, ang Subhaana rabbiyal a`laa, ang Rabbigh fir lee, ang Tashahhud at ang Salaat `alan Nabi, ang Assalaamu `alaykum wa rahmatullaah.
- Kinakailangan para sa isang Muslim sa kanyang mga pagdarasal (Salaah) – bago maging ganap ang pagsasaulo – na uulitin niya ang anumang nalalaman niya rito na Tasbih (Subhaanallaah), Tahmid (Alhamdulillaah) at Takbir (Allaahu Akbar) habang kasalukuyang isinasagawa ang Salaah, o uulitin niya ang naturang ayah (talata ng Qur’an) na kanyang isinaulo habang nasa kalagayan ng pagtindig. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Kaya matakot kayo sa Allah sa abot ng inyong makakaya}. At-Taghabun (64): 16
- Dapat sa kanya sa pagkakataong ito na maging ganap na masigasig sa Salaah sa sama-samang pagsasagawa nito, upang ang kanyang Salaah ay ganap niyang maisaayos, at dahil na rin sa ang Imam (namumuno sa Salaah) ang mananagot sa ilang pagkukulang ng mga Ma’mum (sumusunod).