Ang iyong Hajj
Ang pagsasagawa ng Hajj (Pilgrimahe) sa Makkah ay ika-limang haligi mula sa mga haligi ng Islam, at ito ay isang Ibaadah (gawaing pagsamba) na kung saan ay pinagsama-sama rito ang iba’t-ibang pang uri ng Ibaadah, pisikal [kalusugan], ispirituwal [puso at isip] at mga pananalaping kakayahan, at ipinag-utos ang pagsasagawa nito sa sinumang may angking kakayahang pangkalusugan at pananalapi minsan sa tanang buhay.
Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At tungkulin sa Allah ng sangkatauhan ang pagsasagawa ng Hajj sa sagradong Tahanan (Kaabah) sa sinumang may kakayahang tumungo rito, kaya sinuman ang magtakwil nito. Katotohanan, ang Allah ay tigib ng pagpapala mula sa lahat ng nilalang}. Al-Imran (3): 97