Ang Iyong Pananamit

Ang pananamit [o kasuutan] ay isa sa mga di-mabilang na pagpapala ng Dakilang Allah sa mga tao. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah:
{O mga anak ni Adan, katiyakan na Aming ibinaba sa inyo ang saplot [o ang kasuutan] upang takpan ang inyong mga maseselang bahagi [ng katawan] at bilang palamuti; nguni’t ang saplot ng taqwa [takot sa Allah] – iyan ang pinakamabuti. Iyan ay kabilang sa mga ayaat [aral, kapahayagan] ng Allah, upang sakali sila ay [matutong] makaalala}. Surah Al-A`raf (7): 26