Ang iyong Pag-aayuno

Ipinag-utos ng Allah [bilang tungkulin para] sa mga Muslim ang pag-aayuno ng isang buwan sa loob ng isang taon. Ito ay ang pinagpalang buwan ng Ramadhan. At ito ay Kanyang itinalaga bilang ikaapat na haligi mula sa mga haligi ng Islam. Ang Allah ay nagsabi: {O kayong mga naniwala, ang Sawm [pag-aayuno] ay itinatagubilin sa inyo tulad ng itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay matakot [sa Allah nang may tunay na pagkatakot sa Kanya]. Al-Baqarah (2): 183