Ang Iyong pagkain at inumin
Ang Halaal (mga malilinis at pinahihintulutang) pagkain ay mayroong malaking kaugnayan at katayuan sa relihiyong Islam, sapagka’t ang Halaal na pagkain ay nagsisilbing paraan upang tugunin ng Dakilang Allah ang panalangin at upang Kanyang pagpalain ang ating mga yaman at pamilya.
Ang Halal na pagkain ay pagkain na nakukuha mula sa mga paraang ipinag-uutos at ipinahihintulot na walang kinasangkutang anumang pagkakamali o pagkakasala sa pagkuha nito, at walang idinudulot na pang-aabuso sa karapatan ng iba o pandaraya mula sa sinuman. Ang mga Muslim ay lagi nang ginagamit na batayan ang pagiging Halaal ng isang pagkain upang magkaroon ng katiyakan na ito ay umaayon sa Batas ng Islam bilang pagkain.