Ang iyong Salaah
Ang Salaah (pagdarasal) ang siyang haligi ng Pananampalatayang Islam at ang ugnayan ng isang alipin sa kanyang Panginoon at Diyos, at ang dahilan kung bakit ito ang pinakadakila sa mga Ibaadah at pinakamalaki sa katayuan, at tunay na ipinag-utos ng Allah sa isang Muslim ang pangangalaga [at pagsasakatuparan] nito sa lahat ng kanyang kalagayan, maging siya man ay nananatili sa kanyang sariling bayan o nasa paglalakbay, nasa kalusugan o siya ay nasa karamdaman.