Ang mga Rukn (haligi) ng Salaah, at ang mga Wajib (Pangangailangang Patakaran) na dapat gawin dito
Ang mga Rukn ng Salaah: Ito ang mga pangunahing bahagi ng Salaah na maaaring masira ang Salaah dahil sa pag-iwan dito, maging sinasadya man o sanhi ng pagkakamali.
At ito ay tulad ng mga sumusunod:
Ang Takbiratul Ihram (panimulang Takbir), ang pagtayo hanggang makakaya, ang pagbigkas sa Al-Fatihah sa hindi Ma’mum (sumusunod), ang pagyukod, ang pag-angat mula sa pagkakayukod, ang pagpapatirapa, ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa, ang huling Tashahhud at pag-upo para rito, ang kapanatagan at ang Taslim (pagsabi ng assalaamu `alaykum wa rahmatullaah).
Ang mga Wajib (nararapat at kailangang) gawain sa Salaah:
At ito ay ang mga kailangang bahagi sa Salaah, na maaaring makasira sa Salaah dahil sa pag-iwan dito nang sinasadya, nguni’t kung nakalimutan o nakaligtaan ito, magkagayon ipinag-uutos sa kanya kung ano ang makapagpapaganap sa kakulangan na ito sa pamamagitan ng Sujud As-Sahu (dalawang karagdagang pagpapatirapa sanhi ng pagkakamali), tulad ng mga sumusunod:
Ang mga Wajib (nararapat at kailangang) gawin sa Salaah ay tulad ng sumusunod
Ang lahat ng mga Takbir maliban sa Takbiratul Ihram, ang pagbigkas ng Subhaana rabbiyal `adheem nang isang beses, ang pagbigkas ng Sami `allaahu liman hamidah para sa nag-iisang nagdarasal o Imam, ang pagbigkas ng Rabbanaa wa lakal hamd para sa lahat, ang pagbigkas ng Subhaana rabbiyal a`alaa nang isang beses sa pagpapatirapa, ang pagbigkas ng Rabbigh fir lee nang isang beses sa pagkakaupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa, sa unang Tashahhud. Samakatuwid ito ang mga Wajib [kailangan] na maaaring palagpasin sa pamamagitan ng As-Sahu, subali’t mahigpit na itinatagubilin nito ang pagsasagawa sa Sujud As-Sahu.
Ang mga Sunnah (kaaya-aya nguni’t hindi tungkulin) sa Salaah: Ang lahat ng hindi kabilang sa mga Rukn at mga Wajib sa Salaah, maging mga salita o mga gawa, ito ay Sunnah (hindi tungkulin) na nagsisilbing pangganap sa Salaah, na dapat pangalagaan, nguni’t ang Salaah ay hindi nasisira dahil sa di-pagtupad nito.
Ang Sujud As-Sahu:
Ito ay dalawang pagpapatirapa na itinagubilin ng Allah upang mapunan [at gampanan] ang pagkukulang at pagkakamali sa Salaah.
Kailan itinagubilin?
Ipinag-utos ang Sujud As-Sahu sa mga kalagayang sumusunod:
- Kapag nakapagdagdag ang sinuman sa Salaah ng isang pagyukod, o pagpapatirapa, o pagtayo, o pag-upo bunga ng di-sinadyang pagkalimot o pagkakamali, magkagayon siya ay magsasagawa ng Sujud As-Sahu.
- Kapag nabawasan ng isa ang mga Rukn (haligi ng Salaah), sa gayon tungkuling isagawa ang nabawas na Rukn, at magsagawa ng Sujud As-Sahu sa hulihan ng kanyang Salaah.
- Kapag nakapag-iwan siya ng isa sa mga Wajib [kailangan] ng Salaah, tulad ng unang Tashahhud sanhi ng pagkakamali o pagkalimot, sa gayon kailangan niyang magsagawa ng Sujud As-Sahu.
- Kapag nag-alinlangan sa bilang ng mga Rak`ah, sa gayon siya ay magpapasiya kung ano ang pinakatiyak, at ito ay ang pinakamababang bilang [ng Rak’ah na kanyang nagawa], kaya dapat magsagawa ng Sujud As-Sahu.
Ang pamamaraan ng naturang Sujud (pagpapatirapa): Magpatirapa ng dalawang pagpapatirapa, maupo sa pagitan nito tulad ng pagpapatirapa at pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa sa Salaah.
Ang oras ng Sujud (pagpapatirapa): Ang Sujud As-Sahu ay may dalawang oras, maaari niyang isagawa ito alinmang nais rito:
- Bago ang Salaam (Taslim) at pagkatapos ng huling Tashahhud, magpatirapa at pagkatapos ay magsagawa ng Taslim.
- Pagkatapos ay magsagawa ng Taslim sa Salaah, dapat magsagawa ng dalawang pagpapatirapa bilang Sujud As-Sahu, pagkatapos ay muling magsagawa ng Taslim.
Ang Mga Nakakasira sa Salaah:
- Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa di-pagsagawa sa isang Rukn (haligi ng Salaah) o Shart (patakaran), samantalang kaya niya itong isagawa, maging sinadya o nagkamali.
- Mawawalan din ito ng saysay dahil sa di-pagsagawa sa isa sa mga Wajib (kailangang gawain) sa Salaah nang sinasadya.
- Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa pagsasalita nang sinasadya.
- Mawawalan ng saysay ang Salaah dahil sa Qahqahah, ito ay ang pagtawa na may tinig.
- Mawawalan ng saysay ito dahil sa mga walang kabuluhang paggalaw, kapag ito ay marami na magkasunud-sunod na hindi naman kanais-nais.
Ang Mga Kinamumuhian sa [oras ng] Salaah:
Ito ay ang mga gawain na nakapagbabawas ng gantimpala ng Salaah, at pinapawi nito ang kapakumbabaan at kataimtiman nito. At ito ay tulad ng sumusunod:
- Kinamumuhian ang paglingun-lingon habang nasa Salaah; sapagka’t ang Propeta r ay tinanong tungkol sa paglingun-lingon sa Salaah? Siya ay nagsabi: “Ito ay pagnanakaw na ninanakaw ni Satanas sa Salaah ng isang alipin”. (Al-Bukhari: 718)
- Kinamumuhian ang paglalaro sa pamamagitan ng kamay at mukha, at ang paglagay ng kamay sa baywang, at pagpilipit ng kanyang mga daliri, at pagpapalagutok nito.
- Kinamumuhian ang sinumang pumapasok sa Salaah, samantalang siya ay nagagambala ng mga bagay tulad kanyang pangangailangan upang tumugon sa tawag ng pangangailangan [pagtungo sa palikuran upang umihi o dumumi], o ang kanyang pangangailangan sa pagkain. Batay sa sinabi ng Propeta r: “Walang [dapat isagawang] Salaah kapag inilalapag na ang pagkain, at gayundin kapag siya ay nasa tawag ng pangangailangan (ang ihi at dumi)”. (Muslim: 560)
Ano ang mga Salaah na kalugud-lugod ?
Ipinag-uutos para sa isang Muslim na magsagawa ng limang Salaah lamang sa bawa’t araw at gabi.
At magkagayon pa man, samakatuwid ang Islam ay humihimok din sa isang Muslim na magsagawa ng mga karagdagang Salaah, sapagka’t ito ang nagsisilbing dahilan ng pagkamit sa pagmamahal ng Allah sa isang alipin, at pagganap sa mga kakulangan ng mga obligadong Salaah.
Ang mga kusang loob na Salaah ay marami, at ang pinakamahalaga rito:
- As-Sunan Ar-Rawatib: At ito ay pinalanganan nang gayon, sapagka’t ito ay lagi nang nakaugnay sa mga obligadong Salaah, lagi nang kaakibat nito, at dahil sa ang isang Muslim ay hindi iniiwanan ito.
At sa katunayan, siya r ay nagsabi: “Walang isa mang alipin [Muslim] na nagsasagawa ng Salaah para sa Allah sa bawa’t araw ng labing dalawang Rak`ah bilang kusang loob, [hindi obligado] maliban na siya ay ipagpapatayo ng Allah ng isang bahay sa Paraiso”. (Muslim: 728)
At ito ay tulad ng sumusunod:
1 | Dalawang Rak`ah bago ang Salaah sa Fajr (madaling araw). |
2 | Apat na Rak`ah bago ang Dhuhr, magsagawa ng Taslim pagkatapos ng bawa’t dalawang Rak`ah, at pagkatapos ay dalawang Rak`ah pagkatapos ng Dhuhr. |
3 | Dalawang Rak`ah pagkatapos ng Maghrib. |
4 | Dalawang Rak`ah pagkatapos ng `Isha’. |
- Al-Witr: At ito ay pinangalanan nang gayon sapagka’t ang mga bilang ng Rak`ah nito ay gansal, at ito ang pinakamainam sa mga kusang loob na Salaah. Siya r ay nagsabi: “Magsagawa kayo ng Witr, O mga tagasunod ng Qur’an”. (At-Tirmidi: 453 – Ibn Majah: 1170)
At ang pinakamainam na oras nito ay sa huling bahagi ng gabi, at ito ay maaaring isagawa ng isang Muslim sa alinmang oras pagkatapos ng Salaah sa `Isha at hanggang sa Salatul-Fajr (madaling araw).
Ang bilang ng mga Rak`ah nito ay walang takda, at ang pinakamababa nito ay isang Rak`ah, datapuwa’t ang pinakamainam ay tatlong Rak`ah, at maaaring dagdagan ito kahit ilan ang nais, at ang Sugo ng Allah r ay lagi nang isinasagawa ito ng labing isang Rak`ah.
At ang mga yunit ng kusang-loob na Salaah ay binubuo ng tigdadalawang Rak`ah, kaya magsasagawa ng dalawang Rak`ah at sinusundan ng Taslim, at gayundin ang Salaah sa Witr, nguni’t kapag nais ng tapusin ang kanyang Salaah, siya ay magsasagawa ng isang Rak`ah sa huli, itinatagubilin sa kanya rito matapos ang kanyang pag-angat mula sa pagkayuko at bago ang pagpatirapa: na bumigkas ng natatanging du’a habang nakataas ang mga kamay, nakabukas ang mga palad sa kanyang harapan, at ito ang tinatawag na Du`a Al-Qunut.
Ang mga oras na ipinagbabawal dito ang pagsasagawa ng kusang-loob na Salaah:
Ang lahat ng mga oras ay ipinahihintulot para sa tao na magsagawa rito ng kusang-loob na Salaah nang walang pasubali maliban sa mga oras na ipinagbabawal ng Islam na magsagawa rito ng Salaah; sapagka’t ito ang oras ng pagsambang itinataguyod at ginagawa ng mga di-naniniwala ]di-Muslim], kaya hindi maaaring magsagawa rito ng Salaah maliban sa mga nakaligtaang Salaah na dapat pagbayaran mula sa mga obligadong Salaah o kusang-loob, tulad ng Tahiyyatul Masjid (pagbigay galang sa Masjid), at ito ay sa Salaah lamang natatangi, samantalang ang paggunita (Dhikr) sa Allah at ang pagdalangin sa Kanya ay sa lahat ng oras at sandali.
At ang mga oras na ipinagbabawal ay tulad ng sumusunod:
1 | Mula sa oras na sinundan ng Salaah sa Fajr hanggang sa pagsikat ng araw sa bahaging itaas ng alapaap na ang sukat ay isang dipa ng sibat, isang maikling sandali na itinakda ng Batas ng Islam na halos katumbas ng 20 minuto sa mga bansa na mayroong katamtamang klima. |
2 | Mula sa oras na ang araw ay nasa kaitaasan [o taluktok] hanggang ito ay bumabang kumiling na pakanluran mula sa kalagitnaan ng himpapawid, at ito ay napakaigsing sandali na sinusundan ng pagpasok ng oras ng Dhuhr. |
3 | Simula sa pagkatapos ng Salaah sa `Asr hanggang sa paglubog ng araw. |
Ang Salaah na Jama`ah (sama-sama)
Ipinag-uutos ng Allah sa mga kalalakihan ang sama-samang pagdarasal sa limang takdang Salaah, at sa katunayan, Siya ay nangako ng malaking gantimpala sa sinumang magsasagawa nito. Siya r ay nagsabi: “Ang Salaah na Jama`ah (sama-samang pagdarasal) ay higit na mainam kaysa sa Salaah ng nag-iisa nang dalawampu’t pitong antas”. (Al-Bukhari: 619 – Muslim: 650)
At ang pinakamababang bilang nito ay dalawa: ang isa sa kanila ay tatayo bilang isang Imam (namumuno sa Salaah) at isang Ma’mum (sumusunod), magkagayonman sa pagdami ng bilang ng Jama`ah, ito ay higit na kalugud-lugod para sa Allah.
Ang kahulugan ng pagsunod sa Imam:
Yaong mga nagsisipagdasal sa likuran ng Imam ay nararapat sumunod sa anumang ginagawa nito sa oras ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng paggalaw at katayuan nito, kaya dapat sumunod sa kanyang pagyukod, sa kanyang pagpapatirapa, at makikinig sa kanyang pagbigkas, at huwag siyang pangunahan o salungatin sa isa man sa mga ito, bagkus isagawa ang gawain pagkatapos kaagad ng kanyang Imam.
Siya r ay nagsabi: “Itinalaga lamang ang Imam upang sumunod sa kanya, kaya kapag siya ay nagsagawa ng Takbir, magsasagawa rin kayo ng Takbir, at huwag kayong magsasagawa ng Takbir hanggang siya ay magsasagawa ng Takbir, at huwag kayong magsisiyuko hanggang siya ay yuyuko, at kapag siya ay nagsabi: Sami `allaahu liman hamidah, kayo ay magsasabi: Rabbanaa wa lakal hamd, at kapag siya ay magpapatirapa, magpapatirapa rin kayo at huwag kayong magpapatirapa hanggang siya ay magpatirapa…” (Al-Bukhari: 701 – Muslim: 414 – Abu Daud: 603).
Sino ang Dapat Piliin na maging Imam?
Ang karapat-dapat na maging Imam ay ang pinakamahusay sa kanila sa pagkakasaulo sa Aklat ng Allah, pagkatapos ay ang higit na karapat-dapat at sumunod ang karapat-dapat. Batay sa sinabi niya r : “Ang namumuno (bilang Imam sa Salaah) para sa mga tao ay yaong pinakamahusay sa kanila sa pagbigkas [o pagbasa] sa Aklat ng Allah, at kung sila ay magkapantay sa pagbigkas [o pagbasa], magkagayon [inyong piliin] ang pinakamaalam sa kanila sa Sunnah.” (Muslim: 673)
Saan tatayo ang Imam (namumuno sa Salaah) at yaong mga Ma’mum (sumusunod sa Imam sa pagdarasal)?
Dapat na tumayo sa harapan ang Imam, at magsisipaghanay ang mga Ma’mum ng isang linya sa kanyang likuran, at dapat nilang punuin ang unang linya, pagkatapos ay ang susunod na linya, at kung ang Ma’mum ay iisa, siya ay tatayo sa bahaging kanan ng Imam.
Paano Isagawa ang mga di-inabutang yunit [o bahaging di-naabutan] sa Salaah ng Imam?
Kapag ang Salaah ay nagsimula na, ang huling mga nagsirating ay dapat nakisabay sa Salaah ng Imam, sa kalagayang kanyang naratnan hanggang ang Imam ay magsagawa ng Taslim, at pagkatapos ay kanyang punan ang anumang bahaging hindi niya naabutan sa kanyang Salaah.
At ibilang ang anumang naabutang bahagi ng pagdarasal ng Imam sa unahan ng kanyang Salaah at anumang kanyang nagawa matapos niyon sa hulihan ng kanyang Salaah.
Sa paano naaabutan ang Rak`ah?
Dapat bilangin ang bilang ng mga Rak`ah, at sinuman ang umabot sa Ruku` ng Imam, ay tunay na kanyang inabot ang naturang Rak`ah bilang isang buong Ra’kah, datapuwa’t sinuman ang lumagpas [at hindi naaabutan] ang Ruku`, magkagayon maaari siyang sumabay sa Imam, nguni’t ang mga natitirang mga bahagi [ng Salaah na di nabutan] at mga salita sa Rak`ah na iyon na lumagpas sa kanya ay hindi ibibilang sa kanyang mga Rak`ah.
Ang halimbawa ng pagbuo [o pagkumpleto] ng sinumang nakalagpas sa kanya ang unang Salaah ng Imam
Ang sinumang inabutan ang Imam sa ikalawang Rak`ah ng Salaah sa Fajr, matapos na makapagsagawa ng Salam ang Imam, ay dapat siyang tumindig upang buuin ang natitirang Rak`ah at hindi siya magsasagawa ng Salam hanggang kanyang mabuo at matapos rito; sapagka’t ang Salaah sa Fajr ay binubuo ng dalawang Rak`ah, samantalang wala siyang inabutan kundi isa.
Ang sinumang inabutan ang Imam habang siya ay nasa huling Tashahhud sa Salaah sa Maghrib, matapos na makapagsagawa ng Salam ang Imam, dapat magsagawa ng tatlong buong Rak`ah; sapagka’t inabutan niya ang Imam sa huling Tashahhud, samantalang maituturing lamang na naabutan ang Rak`ah kung kanyang inabutan ang Ruku` (pagkayukod) ng Imam.
Ang sinumang inabutan ang Imam habang siya ay nasa Ruku` sa ikatlong Rak`ah sa Salaah sa Dhuhr, katotohanang inabutan niya ang dalawang Rak`ah sa Imam (at ito para sa Ma’mum [sumusunod] ang siyang itinuturing na una at ikalawang Rak`ah sa Dhuhr), kaya kapag nakapagsagawa ng Salam ang Imam, dapat sa kanya na tumindig at buuin ang mga natitira sa kanya, at ito ang itinuturing dito na ikatlo at ikaapat na Rak`ah, sapagka’t ang Dhuhr ay Salaah na binubuo ng apat na Rak`ah.
Ang Adhan (panawagan para sa Salaah)
Isinabatas ng Allah sa mga Muslim ang Adhan para sa pagtawag sa mga tao sa Salaah at pagbigay alam sa kanila sa pagpasok ng oras nito, at isinabatas din ang Iqamah para sa pagbibigay alam sa kanila sa oras ng simula ng Salaah at umpisa nito. At sa katotohanan, ang mga Muslim noon ay nagtitipun-tipon at naghihintay para sa Salaah, nguni’t walang nananawagan nito sa kanila ni isa man, kaya’t sila ay nag-usap-usap sa isang araw tungkol dito, ang ilan sa kanila ay nagsabi: Gumawa kayo ng kampanilya ng katulad ng kampanilya ng mga Kristiyano, at ang iba naman ay nagsabi:
Bagkus isang tambuli na katulad ng tambuli ng mga Hudyo. Si Umar ay nagsabi: Hindi ba kayo magpapadala ng isang lalaki na mananawagan sa Salaah, kaya’t ang Sugo ng Allah r ay nagsabi: “O Bilal! Tumayo ka’t manawagan sa Salaah”. (Al-Bukhari: 579 – Muslim: 377)
Ang pamamaraan ng Adhan at Iqamah:
- Isinasatungkulin ang Adhan at Iqamah sa Jama`ah (sama-samang pagdarasal) hindi sa indibiduwal na nag-iisa, at kapag tinalikuran nila ito nang sadya, ang kanilang Salaah ay wasto pa rin, datapuwa’t may kalakip na pagkakasala.
- At isinasabatas ang pagtawag sa Adhan sa pamamagitan nang malakas na boses, maganda upang marinig ng mga tao, at sila ay magsisipagdatingan para sa Salaah.
- At sa katunayan, naisaad sa Adhan at Iqamah ang ilang pamamaraan na napatunayan sa Propeta r . Ang pinakatanyag nito ay ang mga sumusunod:
Ang Iqamah:
- Allaahu akbar, Allaahu akbar.
- Ashhadu allaa ilaaha illallaah.
- Ashhadu anna muhammadar rasoolullaah.
- Hay `alas salaah.
- Hay `alal falaah.
- Qad qaamatis salaah, Qad qaamatis salaah
- Allaahu akbar, Allaahu akbar.
- Laa ilaaha illallaah.
Ang Adhan:
- Allaahu akbar, Allaahu akbar, Allaahu akbar, Allaahu akbar.
- Ashhadu allaa ilaaha illallaah, Ashhadu allaa ilaaha illallaah.
- Ashhadu anna muhammadar rasoolullaah, Ashhadu anna muhammadar rasoolullaah.
- Hay `alas salaah, Hay `alas salaah.
- Hay `alal falaah, Hay `alal falaah.
- Allaahu akbar, Allaahu akbar.
- Laa ilaaha illallaah.
Ang Pag-ulit ng Anumang Binibigkas ng Muaddhin sa pagtatawag [Adhan] nito:
At nakabubuti sa sinumang nakaririnig ng Adhan na ulitin ang anumang binibigkas pagkatapos ng Muaddhin, kaya siya ay dapat bumigkas ng katulad ng anumang binibigkas ng Muaddhin nang ganap, maliban kapag sinabi ng Muaddhin: Hay `alas salaah, o Hay `alal falaah, siya ay dapat bumigkas ng: Laa hawla wa laa quwwata illaa billaah.
Pagkaraan ng Adhan, itinatagubilin para sa sinumang nakarinig ng Adhan na bigkasin ang panalanging ito: Allaahumma rabba haadhi-hid da`watit taamah, was salaatil qaa-imah, aati muhammadan al-waseelata wal fadheelata wab `ath-hul maqaamal mahmood alladhee wa `adtah.