Ang Kataimtiman (at Pagpapakumbaba) sa Salaah
Ang kataimtiman [at pagpakumbaba sa Salaah ang siyang katotohanan ng Salaah at pinakadiwa nito, at ang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng puso sa harapan ng Allah sa Salaah sa pamamagitan ng kataimtiman at pagpapakumbaba, nadarama kung ano ang binibigkas na mga aayat (Talata ng Quran), mga Du`a (panalangin) at mga Dhikr (paggunita at pagpuri sa Allah).
At ito ay isa sa pinakamainam na Ibaadat (mga gawaing pagsamba) at pinakadakila sa mga gawaing pagsunod; at dahil dito binigyang-diin ng Allah sa Kanyang Aklat na ito ay isa sa mga katangian ng mga naniniwala. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Katotohanang ang mga naniniwala [mga Muslim] ay nagtatagumpay, sila yaong may kataimtiman at pagpapakumbaba sa kanilang Salaah (pagdarasal)}. Al-Mu’minun (23): 1-2
At sinumang mataimtim sa pagsasagawa ng Salaah, ay kanyang nalalasap ang kasiyahan ng Ibaadah (pagsamba) at Iman (paniniwala). At dahil dito ang Sugo ng Allah r ay nagsasabi: “At ginawa itong Qurratu `ayni (kasiyahan sa aking mga mata) sa Salaah”. (An-Nisai: 3940)
Ang Qurratul `ayn ay nangangahulugan ng lubos na kagalakan, kaligayahan, katahimikan at kasiyahan.
Ang mga pamamaraan na nakatutulong sa Kataimtiman ng Salaah:
May maraming pamamaraan na nakatutulong sa kataimtiman sa pagsasagawa ng Salaah, ang mga ilan dito:
- Ang paghahanda para sa Salaah ng mga nararapat na kailangan.
At magaganap ito sa pamamagitan ng maagang pagtungo rito sa Masjid para sa mga kalalakihan, at ang pagsasagawa sa mga kusang-loob na Salaah nauuna sa takdang Salaah, at pagsusuot ng magaganda at malilinis at angkop na damit, at ang paglalakad tungo rito sa pamamagitan nang mahinahon at panatag.
- Ang pag-iwas mula sa mga Gawain o bagay na nakakagambal at nakakaabala:
Samakatuwid, hindi dapat magsagawa ng Salaah habang nasa kanyang harapan ang anumang nakakaabala sa kanya tulad ng mga larawan at mga bagay na nakakagambala, o habang siya ay nakaririnig ng anumang tinig na nakakaabala sa kanya, at huwag siyang magtangkang magsagawa ng Salaah habang siya ay nangangailangan ng palikuran, o siya ay nagugutom o nauuhaw dahil sa paglapag sa pagkain at inumin, at lahat ng ito ay upang maging maliwanag ang isipan ng taong nagsasagawa ng Salaah at magpakumbaba sa isang napakadakilang bagay na kanyang haharapin, at ito ay ang kanyang pagdarasal at pagdalangin nang taimtim sa kanyang Panginoon.
- Ang Kapanatagan sa Salaah:
At sa katunayan, ang Propeta r ay lagi nang nagpapanatag sa kanyang Ruku` (pagyukod) at Sujud (pagpapatirapa) hanggang sa ang lahat ng buto ay bumalik sa kinalalagyan nito, at kanyang inuutusan ang sinumang hindi nagsasaayos ng Salaah na maging mataimtim sa lahat ng mga galaw o kilos sa pras ng Salaah, at kanyang ipinagbawal ang pagmamadali, bagkus inihalintulad niya ito sa pagtuka ng isang uwak.
At ang Propeta r ay nagsabi: “Ang pinakamasamang pagnanakaw ay ang nagnanakaw sa kanyang Salaah”, sila ay nagsabi: O Sugo ng Allah, at paano nga ba siya nakakapagnakaw sa kanyang Salaah? Siya ay nagsabi: “Ito ay bunga ng hindi niya paggaganap sa kanyang Ruku` at sa kanyang Sujud [nang walang kataimtiman]”. (Ahmad: 22642)
At ang isang hindi napapanatag sa kanyang pagdarasal ay hindi maaaring magkaroon ng kataimtiman; sapagka’t ang pagmamadali ay nag-aalis ng kapakumbabaan, at ang katulad ng pagtuka ng uwak ay nag-aalis ng gantimpala.
- Ang pagpapairal ng pagdakila sa sinumang tumatayo sa Kanyang Harapan:
Kaya kanyang maaalaala ang Kadakilaan ng Tagapaglikha at Kanyang Kaluwalhatian, gayundin ang kahinaan ng kanyang sarili at kababaan nito, at na siya ay titindig sa harapan ng kanyang Panginoon, dumudulog sa Kanya at nananalangin sa Kanya bilang aliping nagpapakumbaba, nagpapahabag, at kanyang maaalaala ang anumang ipinangako ng Allah sa mga naniniwala na gantimpala at anumang ipinangako Niya sa mga Mushrik (nagtatambal sa Kanya) na kaparusahan, at maaalaala niya ang kanyang magiging katayuan sa harapan ng Allah sa Huling Araw.
Kaya kapag napairal ito ng isang naniniwala sa kanyang Salaah, siya ay magiging katulad ng mga inilarawan ng Allah sa Kanyang Aklat: mula sa lipon ng mga yaong nag-iisip na kanilang makakaharap ang kanilang Panginoon. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At tunay na ito ay sadyang mabigat at mahirap maliban sa mga (tao na) may takot (sa Allah), sila yaong lagi nang nag-iisip na tunay ngang kanilang makakaharap ang kanilang Panginoon at sa Kanya sila ay magbabalik}. Al-Baqarah (2): 45-46
At kapag marubdob ang pagsasagawa ng Salaah, ang Allah ay nakaririnig sa kanya, nagkakaloob at tumutugon sa kanya, magaganap sa kanya ang kataimtiman ayon sa sukat ng kanyang pagiging marubdob.
- Ang pagmumuni sa mga binibigkas na mga Ayat (Talata) at iba pang mga Dhikr sa Salaah at ang pagiging masigasig rito:
Ang Qur’an ay ibinaba upang mapagmuni-muni: {(Ito ang) isang Aklat (Qur’an) na Aming ibinaba sa iyo na tigib ng biyaya, upang sila ay makapagmuni-muni sa mga Talata nito, at upang makaalaala ang mga may pang-unawa}. Sad (38): 29
At hindi maisasakatuparan ang pagmumuni-muni maliban sa pamamagitan ng pagkaroon ng kaalaman sa kahulugan ng mga nababasa na mga ayaat (Talata), mga Dhikr (paggunita) at mga Du`a (panalangin), kaya sa sandaling iyon magkakaroon siya ng kakayahang mag-isip sa kanyang kalagayan at sa kanyang kasalukuyang kinakaharap sa isang dako, at sa mga kahulugan ng naturang mga ayat at mga Dhikr sa kabilang dako, kaya magdudulot ito ng kapakumbabaan, kababaang-loob at kahinaan, at maaaring aapaw ang kanyang mga mata ng luha, at walang mga talata na dadaan sa kanya nang walang ibubungang masidhing damdamin. Batay sa sinabi ng Allah: {At yaong, kapag pinaaalahanan ng ayaat [o kapahayagan] ng kanilang Panginoon, sila ay hindi humahantong sa pagbingi-bingihan at pagbulag-bulagan. Surah Al-Furqan (25): 73
Ang Salaah sa Jumu`ah (Biyernes)
Ipinag-utos ng Allah sa araw ng Biyernes sa oras ng Salaah sa Dhuhr ang isang Salaah na isa sa pinakadakilang sagisag ng Islam, at pinakamabigat sa mga pag-uutos nito, dito ay nagtitipun-tipon ang mga Muslim nang minsanan sa isang linggo, at nakakarinig sila rito ng mga aral at mga paalaala na inilalahad sa kanila ng Imam sa Jumu`ah, pagkatapos ay magsasagawa sila ng Salaah sa Jumu`ah.
Ang kabutihan ng araw ng Jumu`ah (Biyernes):
Ang araw ng Jumu`ah ang pinakadakila sa mga araw ng linggo at ito ay nagtataglay ng pinakamatayog na karangalan, at sa katotohanan, ito ay pinili ng Allah nang higit sa iba pang mga araw bukod dito, at binigyan pa Niya ng kabutihan [o katangian] sa iba pang mga oras bukod dito ng ilang mga kabutihan [o katangian], ang ilan dito:
- Katotohanang nagbigay ng pagtangi ang Allah sa pamayanan ni Muhammad na hindi matatagpuan sa ibang mga pamayanan. Batay sa sinabi ng Sugo ng Allah r: «Hinayaan ng Allah na maligaw ang Jumu`ah ng mga nauna sa atin, kaya ang araw ng Sabado ang naging para sa mga Hudyo, at ang araw naman ng Linggo ang naging para sa mga Kristiyano, at pagkatapos ay dinala sa atin, kaya tayo ay Kanyang pinatnubayan sa araw ng Jumu`ah». (Muslim: 856)
- Katotohanang sa Araw na ito nilikha si Adam (Adan), at sa araw ding ito magsisimula ang Oras (ng Paghuhukom). Batay sa sinabi niya r : «Ang pinakamainam na araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes, sa araw na ito nilikha si Adam, at sa araw ding ito siya pinapasok sa Paraiso, at sa araw ding ito siya pinagtabuyan mula rito, at hindi magsisimula ang Oras maliban sa araw ng Biyernes”. (Muslim: 854)
Sino ang Dapat Magsagawa ng Jumu`ah?
Ipinag-uutos [bilang tungkulin] ang Salaah sa Jumu`ah para sa sinumang may kakayahang sumunod:
- Sa lalaki: Samakatuwid, hindi ipinag-uutos [bilang tungkulin] para sa babae.
- May pananagutan: Samakatuwid, hindi ipinag-uutos [bilang tungkulin] para sa isang baliw, gayundin sa isang paslit na wala pa sa tamang gulang. .
- Ang nakatira (tumatahan): Samakatuwid, hindi ipinag-uutos [bilang tungkulin] para sa isang naglalakbay, gayundin sa sinumang naninirahan sa mga malalayong labas ng mga lungsod at baryo.
Ang Pamamaraan at Mga Alituntunin sa Salaah sa Jumu`ah:
- Nakabubuti para sa isang Muslim ang paliligo bago ang Salaah sa Jumu`ah, at ang pagiging maaga sa pagtungo sa Masjid bago magsimula ang Khutbah (sermon), gayundin, itinatagubilin ang pagsusuot ng pinakamagandang damit.
- Nagtitipon ang mga Muslim sa isang Jaami` (pangkalahatang Masjid) at sila ay pinamumunuan ng isang Imam, siya ay aakyat sa Mimbar [lugar ng pagkukhutbah] at haharap sa mga nagsasagawa ng Salaah, at siya magbibigay sa kanila ng dalawang bahagi ng Khutbah (sermon), ito ay papagitnaan ng dalawang panandaliang pag-upo, magpapaalaala sa kanila tungkol sa Taqwah (pagiging may takot) sa Allah, at magbibigay sa kanila ng mga gabay, mga aral at mga ayaat (talata ng Qur’an bilang paalala).
- Ipinag-uutos para sa mga nagsasagawa ng Salaah ang makinig sa Khutbah, at ipinagbabawal sa kanila ang pagsasalita o ang paggambala sa di pagpapakinabang dito, maging kahit ito’y sa pamamagitan ng paglalaro ng karpet o bato, at lupa.
- Pagkatapos ay bababa ang Imam mula sa Mimbar, at uumpisahan ang pagsasagawa sa Salaah, at pangungunahan niya ang mga tao sa Salaah na binubuo ng dalawang Rak`ah, palalakasin niya rito ang pagbigkas.
- Ang Salaah sa Jumu`ah ay ipinag-uutos lamang sa pamamagitan ng pagtitipon ng ilang bilang ng mga tao, kaya sinuman ang lumagpas sa kanya ito o di dumalo rito, magkagayon siya ay magsasagawa ng Salaah sa Dhuhr bilang kapalit nito, at hindi tatanggapin sa kanya ang Jumu`ah.
- Sinuman ang nahuli sa Salaah sa Jumu`ah, at walang inabutan sa Imam kundi mas mababa kaysa [o kulang] sa isang Rak`ah, magkagayon nararapat niyang buuin ang Salaah bilang Salatul-Dhuhr.
- Lahat ng binigyang-laya upang lumiban [at huwag dumalo] ng Jumu`ah [dahil sa mahalagang dahilan], tulad ng babae at ng mga naglalakbay ay hindi dapat magsagawa ng Salatul-Dhuhr kung sila ay nakadalo sa Jumu’ah sa Masjid.
Sino ang pinapahintulutan na di dumalo sa Jumu`ah?:
Binigyang-diin ng Batas ng Islam ang pagdalo sa Salaah sa Jumu`ah bilang tungkulin para sa sinumang sa kanila, at nagbigay-babala sa pagpapakaabala dahil sa karangyaan ng mundong ito. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {O kayong mga naniwala, kapag [ang Adhan ay] tinawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumu’ah [Biyernes], inyong simulan ang pag-alaala sa Allah at [pansamantalang] lisanin ang pamilihan [o palitan ng kalakalan]. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid!}. Al-Jumu`ah (62): 9
At binigyang babala ang sinumang lumiliban at hindi dumadalo rito na wala namang lehitimong dahilan na ang kanyang puso ay tatakpan [o lalagyan ng takip]. Sapagka’t sinabi niya r : “Sinuman ang tumalikod [o lumiban] nang tatlong Jumu`ah nang walang sapat na dahilan ay papasakan [ tatakpan] ng Allah ang kanyang puso”. (Abu Daud: 1052 – Ahmad: 15498).
Ang kahulugan ng papasakan ng Allah ang kanyang puso: Ibig sabihin ay tatatakan ito at tatakpan sa kanya, at itatalaga rito ang pagkamangmang at kasiraan, katulad ng puso ng mga mapagkunwari at mga suwail. At ang kadahilanan na ipinahihintulot sa hindi pagdalo sa Jumu`ah: Lahat ng maaaring magdulot sa iyo rito ng matinding pagpapahirap na hindi pangkaraniwan, o kinatatakutan dito ang malubhang pinsala sa kanyang kabuhayan at kalusugan.
Ang tuloy-tuloy ba na gawain o tungkulin ay isang dahilan ng pagliban at hindi pagdalo sa Jumu`ah?
Sa pangkalahatang pananaw ng Islam, ang mga gawain at hanap-buhay na nangangailangan ng tuloy-tuloy na paggawa maging sa oras ng Jumu’ah ay hindi isang dahilan para sa isang Muslim upang siya ay lumiban sa Salaah ng Jumu`ah. Sapagka’t ipinag-uutos sa atin ng Allah na talikdan natin ang ating mga gawain at ituon natin ang sandaling oras nito sa Salaah. Siya ay nagsasabi: {O kayong mga naniwala, kapag [ang Adhan ay] tinawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumu’ah [Biyernes], inyong simulan ang pag-alaala sa Allah at [pansamantalang] lisanin ang pamilihan [o palitan ng kalakalan]. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid!}. Surah Al-Jumu`ah (62): 9
At dapat piliin ng isang Muslim ang mga gawain o mga hanap-buhay upang siya ay magkaroon ng kakayahang tuparin ang mga kautusan [sagisag] ng Allah at kahit pa ang materyal na bagay na nakukuha niya mula rito [tulad ng sahod] ay mas mababa kaysa sa iba bukod dito.
Sapagka’t ang Allah ay nagsasabi: {At sinuman ang may takot sa Allah – Kanyang gagawin para sa kanya ang daang papalabas [mula sa hirap]. At Kanyang ipagkakaloob para sa kanya [ang biyaya] na kung saan ay hindi niya inaasahan [na darating]. At sinuman ang magbigay ng kanyang tiwala sa Allah, samakatwid, Siya [ang Allah] ay sapat na para sa kanya. Surah At-Talaq [65]:2-3
Kailan ipinahihintulot sa isang gawain o hanap-buhay ang pagliban sa Salatul-Jumu`ah?:
Ang mga gawain o hanap-buhay na nangangailangan ng patuloy na paggawa maging sa oras ng Jumu’ah ay maaari lamang isaalang-alang ang pagliban dito maliban sa dalawang kalagayan:
- Na ang gawain ay nasa malaking kapakanan, hindi ito maipatutupad maliban sa kanyang pamamalagi o pananatili sa gawain at hindi pagdalo sa Jumu`ah, at ang kanyang pagtalikod sa kanyang gawain ay magdudulot ng malaking kapinsalaan o kasiraan, at wala ring matatagpuang isang papalit sa kanya sa gawain na iyon.
- Ang isang doktor sa ambulansya na nanggagamot ng iba’t ibang mga kalagayan at pinsala na pangmadalian.
- Ang isang tagapagbantay o pulis na nangangalaga sa mga ari-arian ng mga tao at sa kanilang mga bahay laban sa pagnanakaw at mga gawaing krimen.
- Sinumang mayroong katungkulang hinahawakang mga tauhan sa mga mamalaking kompanya na nangangailangan ng palagiang pagsubaybay o pagbabantay sa bawa’t sandali.
- Kapag ang isang hanap-buhay o gawain ay siyang tanging inaasahan at pinagkukuhanan ng kanyang ikinabubuhay upang pasanin ang mga gastusin tulad ng pagkain, inumin at iba pang pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya, at wala siyang anumang maaaring makapupuno sa kanyang mahalagang panustos ng bukod pa rito, sa gayon maaari siyang manatili sa gawain, at huwag dumalo para sa Salaah sa Jumu`ah hanggang sa makatagpo siya ng ibang gawain, o makatagpo ng anumang makapupuno sa kanyang pangangailangan mula sa pagkain at inumin at mga mahahalagang bagay na sasapat sa kanya at sa sinumang kanyang ginagastusan, magkagayon pa man, ipinag-uutos pa rin sa kanya [bilang tungkulin] ang walang tigil na paghahanap ng isang gawain o pinagkukuhanan ng ibang kabuhayan.
Ang Salaah ng isang Musafir (naglalakbay)
- Nakabubuti bilang kaaya-ayang gawain para sa isang Musafir sa mga sandali ng kanyang paglilipat-lipat o sa kanyang pansamantang pagtigil na bababa sa apat na araw, na kanyang paigsihin ang Salaah na may apat na mga Rak`ah na ito ay gawing dalawang Rak`ah lamang. Samakatuwid isagawa ang Salaah sa Dhuhr, `Asr at `Isha’ na tig-dadalawang Rak`ah sa halip na apat na Rak`ah, maliban kung kanyang isasagawa ito kasama ng Imam na hindi Musafir, sa gayon kailangan niyang sumunod sa Salaah nito at isasagawa niya ang Salaah nang apat na Rak`ah na katulad niya.
- Itinatagubilin para sa kanya na huwag nang isagawa ang As-Sunan Ar-Rawatib (labing dalawa na kusang-loob na pagdarasal) maliban sa Sunnah ng Fajr.
- Ipinahihintulot para sa kanya na pag-isahin ang Dhuhr at ang `Asr, ang Maghrib at ang `Isha’ sa oras ng isa sa mga ito, lalung-lalo na kung ito ay sa mga sandali ng kanyang paglilipat-lipat at paglalakbay bilang kaluwagan, habag at pagpawi ng kahirapan.
Ang Salaah (pagdarasal) ng maysakit o may karamdaman
Ang Salaah ay tungkulin ng isang Muslim sa lahat ng kanyang mga kalagayan habang siya ay nasa kanyang tamang pag-iisip at kamalayan, subalit pinangalagaan ng Islam ang bagay na nauukol sa pagkakaiba-iba ng mga kalagayan ng tao at ang kanilang mga pangangailangan, ang ilan dito ay ang kalagayan ng maysakit o may karamdaman.
At upang mabigyan ng linaw ito, sinasabi:
- Ipinapahintulot ang hindi pagtindig sa Salaah ng isang may karamdaman na walang kakayahang tumindig, o ang pagtindig ay magbibigay-hirap para sa kanya, o magpapabagal sa kanyang paggaling, kaya siya ay dapat na magsagawa ng Salaah nang nakaupo, nguni’t kung wala siyang kakayahang gawin ito, magkagayon sa kanyang tagiliran. Siya r ay nagsabi: “Isagawa mo ang Salaah nang nakatindig, at kung wala kang kakayahan para rito, kung gayon ay paupo, at kung hindi wala kang kakayahan para rito, kung gayon ay gawin mong patagilid”. (Al-Bukhari: 1066)
- Sinuman ang walang kakayahang magsagawa ng Ruku` (pagyukod) o Sujud (pagpapatirapa), magkagayon siya ay maaaring humilig sa abot nang kanyang kakayahan.
- Sinuman ang nahihirapan sa pag-upo sa lapag o lupa, siya a pinahihintulutang maupo sa silya o sa nakakatulad nito.
- Sinuman ang nahihirapan sa paglilinis sa bawa’t Salaah dahil sa kanyang karamdaman, magkagayon ipinahihintulot sa kanya na pagsamahin ang Dhuhr at ang `Asr, ang Maghrib at ang `Isha’.
- Sinuman ang nahihirapan sa paggamit ng tubig dahilan sa karamdaman, ipinahihintulot sa kanya ang Tayammum (paghuhugas sa pamamagitan ng buhangin o alikabok bilang kapalit ng Wudu’) upang makapagsagawa ng Salaah.