Ang Islam ay Relihiyon ng Buhay
Ang Islam ay isang relihiyon na tinitimbang ang pagitan ng buhay sa mundong ito at ng buhay sa Huling Araw. Samakatuwid, ang mundo ay tila isang bukirin na pinagtataniman ng isang Muslim ng mga kabutihan sa lahat ng mga aspeto ng buhay upang kanyang matamo ang gantimpala nito sa mundo at Huling Araw. Ang pagpupunla at pagtatanim na ito ay nangangailangan nang ganap na pagharap sa buhay sa pamamagitan ng tapat at sigasig ng sarili at matibay na pagpapasiya. At mapagmamalas ito sa mga sumusunod:
Ang Pagpapatayo ng Kabihasnan sa Kalupaan:
Sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Kayo ay Kanyang ginawa (o nilikha) mula sa lupa at dito rin, kayo ay Kanyang pinatira}. Surah Hud (11): 61. Katotohanan, tayo ay nilikha ng Allah sa kalupaang ito at tayo ay Kanyang inutusan na paunlarin at pagyamanin ito sa pamamagitan ng pagsulong ng sibilisasyon upang maglingkod sa kapakanan ng tao at hindi sumalungat sa mga batas ng Islam na mapagparaya. Bagkus itinanghal ang pagtatayo at pagpapaunlad nito bilang isa sa mga layunin at gawaing pagsamba maging sa pinakamahirap at matinding mga kalagayan, at dahil dito ipinaalala ng Propeta r na kung magagawa lamang ng isang Muslim na makapagtanim ng isang halaman kahit papalapit na ang Araw ng Pagbabangong Muli, kailangan niyang magmadali sa pagtanim nito kung ito ay kanyang makakayanan upang magkaroon siya ng isang kawanggawa. (Al-Musnad 2712)
Ang Pakikihalubilo sa Mga Tao:
Ipinag-aanyaya ng Islam ang pagkikipaglahok ng tao sa pagtatayo [o pagpapaunlad] ng kabihasnan, sa pagsasaayos, sa pakikihalubilo sa kanila, at sa pakikipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pinakamataas na antas ng pag-uugali at matatayog na asal sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga agham at pananampalataya, at ipinaalala na ang paglisan at pag-iwas sa mga tao ay hindi pamamaraan ng mga da`iyah at mga matutuwid. At ito ang dahilan kung bakit itinuring ng Sugo ng Allah r na ang pakikihalubilo sa mga tao at pagtitiis sa anumang dumarating sa kanya na kapinsalaan mula sa kanila at mga pagkakamali (pasakit) ay higit na mabuti kaysa sa isang lumilisan at lumalayo sa kanila. (Ibn Majah: 4032)
Relihiyon ng Kaalaman:
Hindi isang sinadyang pangyayari na ang unang salita sa Qur’an na ipinahayag sa Propeta r ay ang Iqra’ (Basahin mo), sa katotohanan, pinahalagahan at binigyang-diin ng Islam ang pagtataguyod sa iba’t ibang uri ng karunungan na kapaki-pakinabang para sa tao hanggang sa kilalanin ang landas na tinatahak ng isang Muslim sa pagsasaliksik ng kaalaman at karunungan bilang isang daan at landas patungo sa Paraiso tulad ng sinabi ng Propeta r: “Sinuman ang tumahak sa isang landas upang magsaliksik ng kaalamam dito, gagawin para sa kanya ng Allah ang madaling landas tungo sa mga landas ng Paraiso”. (Ibn Habba n: 84)
At walang kinalaman [at kaugnayan] ang Islam sa hidwaan namamagitan sa pananampalataya at karunungan [agham] tulad ng kinasasangkutan ng ibang mga relihiyon, bagkus kabaligtaran nito, sapagka’t ang pananampalataya ay siyang ugat ng karunungan [agham], tagapagtaguyod at tagapag-anyaya rito maging sa pag-aaral at pagtuturo hanggang ito ay mayroong naidudulot na kabutihan sa tao.
Bagkus pinarangalan ng Islam ang kahalagahan ng isang taong maalam na nagtuturo sa mga tao ng kabutihan at naggagabay sa pinakamataas na antas ng pagpaparangal, sapagka’t ipinabatid ng Propeta r na ang lahat ng nilalang ay nananalangin para sa isang tagapagturo sa mga tao ng kabutihan (At-Tirmidhi: 2685)