Paano Ko Malalaman [at Matutuhan] ang Mga Batas ng Relihiyong (Islam)?

 Larawan ng isang Minaret: Dapat sa isang bagong Muslim na makipag-ugnayan sa mga Islamikong Tanggapan na malapit, at sumaliksik ng mga aklat at ng mga website ng internet na mapagkakatiwalaan.

Sinuman ang dinapuan ng sakit at nais niyang magpagamot, katiyakang siya ay maghahanap ng pinakamagaling na manggagamot at dalubhasa upang makakuha mula rito ng mahusay na gamot, at kailanman ay hindi siya magpapabaya sa pagkuha ng anumang riseta mula sa kaninumang duktor sapagka’t ang buhay niya ang siyang pinakamahalaga para sa kanya.

Walang alinlangan, ang pananampalataya [relihiyon] ang siyang pinakamahalaga sa atin sa lahat ng yaman, kaya tungkulin nating magsumikap sa pag-aaral ng ating pananampalataya, at magtanong sa mga bagay na hindi natin nalalaman mula sa mga Muslim iskolar na may taglay na malawak na karunungan, tamang kaalaman at tunay na mapagkakatiwalaan.

At ang pagbabasa sa aklat na ito ay isang hakbang tungo sa tamang daan. tulad ng sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Kaya magtanong kayo sa mga may kaalaman, kung hindi ninyo nalalaman}. Surah An-Nahl (16): 43. At kailangan mong sundan ito ng iba pang mga hakbangin kapag nakakaranas ng kalituhan sa mga bagay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Islamikong Tanggapan at mga Masjid na malapit sa iyo, at maaari mong alamin ang mga website ng mga ito at mga numerong direksiyon nito sa pamamagitan ng iyong pagbisita sa website ng - www.islamicfinder.org

Gayundin na kinakailangan mong sumangguni sa mga website ng internet na mapagkakatiwalaan upang makapagbigay-linaw sa mga katotohanan ng Pananampalataya, tulad ng:

newmuslimguide.com

www.guide-muslim.com