Ang Islam ay Pandaigdigang Relihiyon
Ang Islam ay dumating bilang isang habag at patnubay sa lahat ng lipon ng mga tao sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga kultura, lahi, kaugalian at mga bansa. Tulad ng sinabi ng Kataas-taasang Allah: {At hindi ka Namin isinugo kundi bilang isang habag sa lahat ng nilalang}. Surah Al-Anbiya’ (21): 107
At dahil dito ay iginagalang ng Islam ang lahat ng kaugalian at kinagisnan ng mga tao, at hindi kinakailangang ito ay baguhin ng mga bagong muslim maliban kung ito ay sumasalungat sa isa sa mga batas ng Islam. Kaya anuman ang sumalungat sa Islam na mga kaugalian ay kinailangan na baguhin ito ayon sa kung ano ang sumasang-ayon dito, sapagka’t ang Allah na nag-utos at nagbawal, Siya ang Higit na Nakaaalam, ang Nakababatid [at Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan], at ang isa sa mga kahilingan ng pananampalataya natin sa Allah ay ang pagpapatupad natin sa Kanyang Batas.
At ipinapaalala na ang mga kaugalian ng mga Muslim na walang kaugnayan sa Islam at sa mga batas nito. Hindi ipinag-uutos [o ginawang tungkulin] sa isang bagong Muslim na tularan ito o maging masigasig rito, sapagka’t ito ay isang uri lamang ng kaugalian ng mga tao at bilang isang paraan ng kanilang pakikitungo na ipinahihintulot.
Ang lahat ng kalupaan ay pook ng pagsamba sa Allah:
At itinuturing ng Islam ang lahat ng kalupaan bilang pook na maaaring pamuhayan at pagsambahan sa Allah, at walang partikular na bayan o lugar na kailangan ng mga Muslim na sila’y lumikas dito at manirahan, sapagka’t ang pinagbabatayan ay ang pagkakaroon ng kakayahan sa pagsamba sa Allah.
At hindi kinailangan para sa isang Muslim na lumipat at lumikas sa ibang lugar maliban na lamang kung siya ay pinipigilan [o inuusig dahil] sa pagsamba sa Allah, sa gayon siya ay nararapat lumipat sa isang lugar na magagawa niyang sambahin ang Allah. Tulad ng sinabi ng Kataas-taasang Allah: {O Aking mga alipin na naniniwala. Katotohanan, ang Aking kalupaan ay malawak, kaya Ako lamang ang inyong sasambahin}. Surah Al-Ankabut (29): 56