Ang limang Haligi ng Islam :
Ang Propeta r ay nagsabi: “Itinayo ang Islam sa lima: Ang pagsasaksi na walang Diyos (na dapat sambahin) maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah, ang pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal), ang pagbibigay ng Zakaah (kawanggawa), ang pagsasagawa ng Hajj (pilgrimahe) sa Tahanan (Ka`bah) at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan”. (Al-Bukhari: 8 – Muslim: 16)
At ang limang haligi na ito ang siyang mga saligan ng Relihiyon at mga dakilang batayan nito. Marahil ay sa susunod na mga kabanata na natin lilinawin ang mga ito at bibigyan ng paliwanag ang mga alituntunin nito.
At ang pangunahin nito ay ang paniniwala at ang Tawheed (Kaisahan ng Allah) na siyang susunod na kabanata na pinamagatang (Ang iyong paniniwala).
At susunod dito ay ang Salaah (pagdarasal) na siyang pinakadakila at pinakamarangal sa mga Ibaadah (gawaing pagsamba). Sinabi niya r : “At ang haligi nito ay ang Salaah (pagdarasal)”. (At-Tirmidhi: 2749) ang ibig sabihin: Ang haligi ng Islam na siyang sandigan ng pagkakatayo at pagkabuo nito at wala ang Islam kung walang Salaah (pagdarasal).
Nguni’t ang Salaah (pagdarasal) upang ito ay tatanggapin [bilang tungkulin ay] kinakailangang isagawa ng isang Muslim habang siya ay nasa ganap na kalinisan. At dahil dito, ang mga paksang-aralin ng (Ang iyong Eeman [paniniwala]), ay makatuwirang sundan ng paksang-aralin tungkol sa iyong kalinisan at pagkatapos ay (Ang iyong pagdarasal) at ang iba pa.
Ang limang Haligi ng Islam : |
1 | 2 | ||||||
Ang pagsasaksi na katotohanang walang Diyos (na dapat sambahin) maliban sa Allah, at na si Muhammad ay tunay na Sugo ng Allah | Ang Pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal) | ||||||
3 | 4 | 5 | |||||
Ang Pagbibigay ng Zakaah (kawangggawa) | Ang Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan | Ang Pagsasagawa ng Hajj (pilgrimahe) sa Tahanan (Kaabah) |