Ang Islam ay nararapat husgahan sa pamamagitan ng mga mararangal na prinsipiyo at hindi batay sa mga masasamang asal ng ilang iresponsableng Muslim :
Kapag nakakita ka ng isang duktor na nagbibigay ng nakapipinsalang riseta o isang guro na mayroong taglay na masamang ugali; katiyakang ito ay iyong tututulan at hindi sasang-ayunan sa mga ganitong uri ng gawain na sadyang salungat sa panlipunang kalagayan at sa kaalamang kanilang natutunan. Nguni’t sa kabila nito ay hindi mo babaguhin ang iyong pananaw tungkol sa kahalagahan ng kaalamang panggagamot para sa mga tao o ang kabutihan ng edukasyon na mayroong malaking pangkalahatang kapakinabangang idinudulot sa lipunan at kabihasnan.
At walang alinlangan na iyong mapag-aalaman na ang gayong duktor o guro ay maling paglalarawan ng tunay na kaalaman at kadalubhasaan o kakayahan na kanyang kinabibilangan [at propesyong kinasasapian].
At sa gayong halimbawa, kapag tayo ay nakakita ng ilang Muslim na gumagawa ng hindi kaaya-ayang asal o pag-uugali, maaaring ito ay mapagkamalan mo na ang gayong maling ugali ay pagpapahiwatig ng katuruan ng Islam na ang katotohanan naman ay hindi totoo at sadyang taliwas. Ang maling asal o masamang gawain ng isang duktor o ng isang guro, ay hindi dapat iugnay o iparatang sa propesyon ng panggagamot o sa larangan ng pagtuturo.