Ang Paniniwala sa Huling Araw
Ang Kahulugan ng Paniniwala sa Huling Araw:
Ang tapat na paniniwala na bubuhaying muli ng Allah ang mga tao mula sa mga libingan, pagkaraan ay sila ay Kanyang susulitin at gagantimpalaan sa kanilang mga gawa, hanggang sa ganap nang makapanirahan ang mga mananahan sa Paraiso sa kanilang mga tahanan, gayundin ang mga mananahan sa Apoy sa kanilang mga tahanan.
At ang paniniwala sa Huling Araw ay isa sa mga haligi ng Eeman (Paniniwala), kaya hindi magiging ganap at wasto ang paniniwala maliban sa pamamagitan nito. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Bagkus ang Birr [pagiging mabuti at matwid] ay ang naniwala sa Allah at sa Huling Araw}. Surah Al-Baqarah (2): 177
Bakit binibigyang-diin ng Qur’an Ang Paniniwala sa Huling Araw?
Binigyang-diin ng Banal na Qur’an ang paniniwala sa Huling Araw, at nagbigay din dito ng babala sa lahat ng pagkakataon, at binigyang-diin ang pagkakaganap nito sa iba’t ibang paraan ng wikang arabik, at ang paniniwala rito ay iniugnay nito sa paniniwala sa Allah sa napakaraming kalagayan.
At ito ay dahil sa paniniwala sa Huling Araw ay isa sa bunga na kanais-nais sa paniniwala sa Allah at ng Kanyang pagkamakatarungan – Kaluwalhatian sa Kanya at Kataas-taasan. At ang paliwanag nito:
Katotohanang hindi kinikilala ng Allah ang kawalang katarungan, at hindi Niya hinahayaan ang mapaggawa ng kawalang katarungan nang walang karampatang kaparusahan, gayundin naman ang ginawan ng di-makatarungan nang hindi nito nakakamit ang katarungan, at hindi rin Niya hinahayaan ang mapaggawa ng kabutihan nang walang kabayaran at gantimpala, at Kanyang ibinibigay sa bawa’t may karapatan ang karapatan nito, at tayo ay nakakakita sa buhay sa mundo na tao na namumuhay bilang mapaggawa ng katarungan at namamatay na mapaggawa pa rin ng kawalang katarungan nguni’t hindi naparurusahan, at ng tao na namumuhay na ginawan ng kawalang katarungan at namamatay na ginagawan pa rin ng kawalang katarungan, nguni’t hindi niya nakukuha ang kanyang karapatan. Samakatuwid, ano ang kahulugan nito, samantalang ang Allah ay hindi tumatanggap ng kawalang katarungan? Ang ibig sabihin nito, tunay na kailangan ay may iba pang buhay liban sa buhay na ito na ating kinamumulatan, kinakailangan na may iba pang tipanan na ginagantimpalaan dito ang mapaggawa ng kabutihan at pinarurusahan dito ang mapaggawa ng kasamaan, at matamo ng bawa’t may karapatan ang kanyang karapatan.
Ano ang Napaloloob sa Paniniwala sa Huling Araw?
Ang paniniwala ng isang Muslim sa Huling Araw ay napaloloob ang ilang mga bagay-bagay, ang ilan dito:
- Ang paniniwala sa pagkabuhay na muli at pagtitipon: Ito ay ang pagkabuhay muli ng mga patay sa kanilang mga puntod, at pagbalik sa mga kaluluwa tungo sa kanilang mga katawan, kaya’t titindig ang mga tao sa (harapan ng) Panginoon ng lahat ng nilalang, at pagkatapos ay titipunin at pagsama-samahin sila sa iisang lugar na nakayapak at walang saplot, tulad ng pagkakalikha sa kanila noong una.
At ang paniniwala sa Pagkabuhay na Muli ay isa lamang sa mga ipinahiwatig ng Aklat (Qur’an) at Sunnah, ng isip at likas na taglay, kaya tayo ay naniniwala nang may katiyakan na bubuhaying muli ng Allah ang sinumang nasa mga libingan, at ibabalik ang mga kaluluwa sa mga katawan at magsisitindig ang mga tao sa (harapan ng) Panginoon ng lahat.
Ang Allah ay nagsabi: {At pagkatapos nito, katiyakang kayo ay mamamatay, at pagkatapos, katotohanang kayo ay ibabangon sa Araw ng Pagkabuhay na Muli (sa Kabilang Buhay)}. Al-Mu’minun (23): 15-16
At katotohanang nagkaisa rito ang lahat ng pangkalangitang kasulatan, sapagka’t ito ang siyang kahilingan ng makabuluhang layunin; na kung saan sa pagkakalikha ng Allah sa nilalang na ito ay nangangailangan ng isang tipanan na rito ay Kanyang gagantimpalaan sila sa lahat na tungkulin na ipinataw sa kanila sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang mga Sugo. Ang Allah ay nagsabi: {Kayo ba ay nag-aakala na kayo ay Aming nilikha lamang bilang paglalaro (nang walang layunin), at kayo ay hindi muling ibabalik sa Amin?}. Surah Al-Mu’minun (23): 115
Ang ilan sa mga katibayan ng Qur’an sa pagpapatunay sa Pagkabuhay na muli:
- Katotohanang nilikha ng Allah ang tao na may pasimula, samakatuwid ang Isang may kakayahan na magpasimula sa paglikha ay hindi manghihina sa paglikha ulit nito. Ang Allah ay nagsabi: {At Siya ang Tagapagsimula sa paglikha, at [Siya rin] ang magpapanumbalik nito (matapos ang kamatayan nito)}. Surah Ar-Rum (30): 27
At nagsabi pa ang Kataas-taasang Allah na nag-uutos sa pagsagot sa sinumang nagtatakwil sa pagkabuhay ng mga buto [o kalansay] kapag ito ay naging abo na: {Sabihin mo [O Muhammad]: “Siya (Allah) ang magbibigay-buhay sa kanila na lumikha sa kanila noong una! At Siya ang Ganap na Nakakaalam sa lahat ng mga nilikha}. Surah Ya-Sin (36): 79
- • Katotohanang ang lupa ay tigang, walang buhay, walang sariwang punong-kahoy, at pagkaraan ay ibubuhos ng Allah dito ang ulan, kaya magbubukadkad ito nang luntian na may buhay. Ang Isa na makapagpalilitaw ng bawa’t uri ng naggandahang halaman ay katiyakan na Kanyang ring magagawang magbigay buhay sa dati ay tigang [o patay]. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At Aming ibinaba ang pinagpalang ulan mula sa langit, at Aming pinangyaring tumubo sa pamamagitan nito ang mga halamanan at mga butil na pag-aanihan. At ang mga nagtataasang puno ng datiles na [hitik sa] mga bungang nagkakalipumpunan, [bilang] panustos para sa mga alipin [ng Allah]. At Aming binigyang buhay sa pamamagitan nito ang [dati ay] tigang na lupa. Ganyan [nahahalintulad] ang paglabas [ng mga patay mula sa mga libingan sa Araw ng Pagkabuhay na Muli]}. Surah Qaf (50): 9-11
- Bawat makatuwirang tao ay tumatanggap na sinumang may kakayahang gumawa ng isang mahirap na gawain, may kakayahan din makagawa ng isang gawaing higit na magaan [o madali], at kung ang Allah ay may kakayahang magpasimula sa paglikha ng mga kalangitan, kalupaan at mga orbita sa kabila ng laki at lawak ng kalagayan nito at ang kahanga-hangang pagkakalikha nito, magkagayon Siya ay higit na may kakayahan sa pagbigay-buhay ng mga kalansay o butong naging abo na. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Hindi ba Siya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan ay may kakayahan din na makalikha ng katulad nila? Oo nga! Bagkus, Siya ang Tagapaglikha, ang Ganap na Maalam}. Surah Ya-Sin (36): 81
- Ang paniniwala sa pagsusulit [pagtutuos ng gawa] at pagtitimbang: Susulitin ng Allah ang mga nilalang sa kanilang mga gawa na kanialng nagawa sa buhya sa mundo, kaya sinuman ang mapabibilang sa lipon ng mga nagtataguyod ng Tawhid (Kaisahan ng Allah) at naging masunurin sa Allah at sa Kanyang Sugo, katotohanang ang kanyang pagsusulit ay magiging madali, datapuwa’t sinuman ang mapabibilang sa lipon ng mga nagtataguyod ng Shirk (pagtatambal sa Allah) at pagsuway, samakatuwid ang kanyang pagsusulit ay magiging mahirap.
At titimbangin ang mga gawain sa dakilang timbangan, kaya ilalagay ang mga mabubuting gawa sa isang palad, at ang mga masasamang gawa ay sa isa namang palad, at sinumang ang kanyang mga kabutihan ay nakalamang sa kanyang mga kasamaan, siya ay mapabibilang sa mga mananahan sa Paraiso, datapuwa’t sinuman ang kanyang mga kasamaan ay nakalamang sa kanyang mga kabutihan, siya ay mapabibilang sa mga maninirahan sa Apoy, at ang iyong Panginoon (Allah) ay hindi gumagawa ng kawalang katarungan sa kaninuman.
Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At Aming itatatag ang mga timbangan ng katarungan sa Araw ng Paghuhukom, kaya walang sinuman ang pakikitunguhan ng kawalang-katarungan maging sa napakaliit na bagay. At kung mayroon mang (gawa na) katumbas ng bigat ng isang buto ng mustasa, ito ay Aming itatambad, at Kami ay sapat na bilang Tagapagtuos}. Surah Al-Anbiya’ (21): 47
- Ang Paraiso at ang Apoy: ang Paraiso ay ang tahanan ng walang hanggang kaligayahan, inilaan ito ng Allah para sa mga naniniwala at mga Muttaqi (may takot sa Allah), sumusunud sa Allah at sa Kanyang Sugo, naririto ang lahat ng iba’t ibang uri ng walang hanggang kaligayahan na siyang pinagnanasaan ng mga puso at ikinasisiya ng mga mata mula sa lahat ng iba’t ibang uri ng mga kinahuhumalingan.
Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi bilang panghihikayat sa pagsamba sa Kanya upang maging maagap sa pag-uunahan sa mga gawaing pagsunod at pagpasok sa Paraiso na ang lawak nito ay kasing lawak ng langit at lupa: {At maging maagap sa pag-uunahan tungo sa kapatawaran ng inyong Panginoon, at sa Paraiso na ang lawak nito ay kasing lawak ng mga kalangitan at kalupaan, na inihanda sa mga Muttaqun (may tunay na takot sa Allah)}.Surah Al-`Imran (3): 133
At ang Apoy naman ay ang tahanan ng walang katapusan na kaparusahan, ito’y inilaan ng Allah sa mga hindi sumasampalataya na nagsitakwil sa Allah at sumuway sa Kanyang mga Sugo, naririto ang iba’t ibang uri ng kaparusahan, mga pasakit at pagdurusa na hindi pa sumagi sa isipan.
Ang Tigib ng Kaluwalhatian (Allah) ay nagsabi bilang pagbigay-babala sa Kanyang mga alipin laban sa Apoy na inilaan Niya sa mga hindi sumasampalataya: {Kung gayon, matakot kayo sa Apoy na ang mga panggatong nito ay mga tao at bato ay inihanda para sa mga hindi naniniwala}.Surah Al-Baqarah (2): 24
O Allah! Katotohanang aming hinihiling sa Iyo na igawad mo ang Paraiso sa amin at ang anumang [gawaing] magpapalapit tungo rito sa salita at gawa, at kami ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa Apoy at ang anumang nagpapalapit tungo rito sa salita at gawa.
- Ang kaparusahan sa libingan at ang lubos na kaligayahan dito: Tayo ay naniniwala na ang kamatayan ay totoo. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Sabihin mo (sa kanila): “Ang anghel ng kamatayan na nakatalaga sa inyo ay (katiyakang) magtatangan ng inyong kaluluwa; at pagkatapos, kayong (lahat) ay muling ibabalik sa inyong Panginoon}. Surah As-Sajdah (32): 11
At ito ay isang bagay na nasasaksihan, walang pag-aalinlangan ang tungkol dito, at tayo ay naniniwala na ang lahat ng namamatay o napatay maging sa anupamang dahilan ng kanyang pagkamatay, na ito ay dahil sa kanyang kamatayan walang nabawas dito na anuman. Ang Allah ay nagsabi: {At ang bawa’t pamayanan ay may taning na panahon (sa pagkawasak nito), kaya kapag sumapit na ang kanilang takdang panahon, hindi nila magagawang antalahin ito kahit na sa isang oras at gayundin ay hindi nila magagawang magpatiuna dito}.Surah Al-A`raf (7): 34
- At na ang sinumang namatay ay tunay na nagsimula nang tumayo ang kanyang muling pagbabangon at lumipat na sa Huling Tahanan.
- At katotohanang maraming mga mapananaligang Hadith (salaysay) ng Sugo ng Allah r nagpapatunay hinggil sa katotohanan ng kaparusahan sa libingan para sa mga hindi naniniwala at sumusuway, at sa katotohanan ng kaligayahan dito para sa mga naniniwala at gumagawa ng kabutihan, kaya tayo ay nararapat maniwala rito, datapuwa’t huwag nating talakayin ang tungkol sa kung paano ang kaganapan nito, sapagka’t ang ating isip ay walang angking kakayahan upang alamin kung paano ang kaganapan nito at ang realidad nito, sapagka’t ito’y kabilang sa bagay na nalilingid, tulad ng Paraiso at ng Apoy, at hindi kabilang sa bagay na nakikita, samakatuwid ang isip ng tao ay may kakayahan lamang maunawaan ang makatuwirang talakayan at magbigay ng paghatol tungkol sa mga bagay na mayroong magkakatulad na ugnayan at may batas na kinikilala sa hayag na mundo.
- Gayundin naman na ang mga kalagayang nagaganap sa libingan ay kabilang sa mga bagay na nalilingid na hindi kayang arukin ng pandama (o pang-unawa), at kung ito ay magagawang maarok sa pamamagitan ng pandama (o pang-unawa), tunay na mawawalan ng halaga ang paniniwala sa Ghaib (mga bagay o pangyayaring hindi nakikita at lingid), at mawawala ang layunin sa pag-aatas ng tungkulin na ilibing na mga tao ang kanilang mga patay. Batay sa sinabi niya (Muhammad r.): “Kung hindi lamang kayo inililibing, tunay na aking hihilingin sa Allah na iparinig sa inyo ang ilang pagdurusa sa libingan tulad ng aking naririnig”. (Muslim: 2868 – An-Nisai: 2058). At dahil sa layuning ito, ang mga hayop lamang ang may karapatan at kakayahang makarinig nito.
Ang Mga Bunga ng Paniniwala sa Huling Araw:
-
Ang paniniwala sa Huling Araw ay mayroong napakatinding idinudulot bilang pangangaral sa tao, disiplina sa kanya at sa pananatili niya sa paggawa ng mabuting gawain, sa pagkatakot niya sa Allah at sa paglayo niya sa pagiging makasarili at pagpapakitang-tao. At dahil dito, nagiging ganap ang ugnayan sa pagitan ng paniniwala sa Huling Araw at paggawa ng kabutihan sa maraming mga pagkakataon. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Ang tanging may karapatan na mangasiwa sa mga Masjid (bahay-dalanginan) ng Allah ay ang sinumang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw}. Surah At-Taubah (9): 18 At sa Kanyang sinabi: {At sila na naniniwala sa Huling Araw ay naniniwala rin dito (sa Qur’an), at sila ay nananatili sa pangangalaga ng kanilang pagdarasal}. Surah Al-An`am (6): 92
-
Ang pagbibigay-babala sa mga nakakalimot [at nagpapabaya], mga abala sa mga bagay na nauukol sa buhay na ito at sa kabutihan ng pakikipagpaligsahan sa mga gawaing pagsunod sa kabutihan upang mapalapit sa Allah sa pamamagitan ng mga pagsunod tungo sa katotohanan ng buhay na ito at kaiklian nito, at na ang Huling Araw ang siyang tahanan na magtatagal at walang hanggang buhay. At nang purihin ng Allah ang mga Sugo sa Qur’an at binanggit ang kanilang mga gawain, pinuri din sila sa dahilan na Siya ang nagtulak sa kanila para sa gayong mga gawain at mga kainaman, kaya Siya ay nagsabi: {Katotohanang sila ay Aming pinili nang dahil sa (kanilang) isang natatanging kabutihan, (ito ay) ang pag-aalaala sa Tahanan (ng Kabilang-Buhay)}. Sad (38): 46 Ibig sabihin, ang dahilan ng kainaman ng naturang mga gawain ay dahil sa sila ay natatangi sa pag-alaala sa Huling Araw, kaya ang pag-aalaala na ito ang nagtulak sa kanila sa mga gayong gawain at mga kalagayan. At nang maging mabigat sa ilan sa mga Muslim ang pagpapatupad sa Kautusan ng Allah at Kanyang Sugo. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Kayo baga ay higit na nalulugod sa buhay sa mundong ito kaysa sa Kabilang Buhay? Samantalang ang kasiyahan ng buhay sa mundong ito ay kakaunti lamang kung ihahambing sa Kabilang Buhay}. Surah At-Taubah (9): 38 Kaya sa oras na ang isang tao ay naniwala sa Huling Araw, katotohanang siya ay maniniwala nang may katiyakan na ang lahat ng kasiyahan sa mundong ito ay hindi maisusukat [o maihahambing] sa kasiyahan sa Huling Araw. At sa kabilang dako ay hindi maipapantay ang parusa sa Huling Araw kung ihahambing sa lahat ng pagdurusa sa mundong ito nang dahil sa pakikipaglaban Landas ng Allah.
-
Ang kapanatagan na tunay ngang matatagpuan ng tao ang kanyang bahagi, kaya’t kapag lumagpas sa kanya ang isang bagay mula sa karangyaan ng buhay sa mundong ito, siya ay hindi nawawalan ng pag-asa at kinikitil ang kanyang sarili sa kapighatian, bagkus kailangan niyang magsikap at maniwala nang tiyak na ang Allah ay hindi winawala ang gantimpala ng sinumang nagpakabuti sa gawa, na kahit pa kinuha sa kanya ang kasing timbang ng isang mais sa pamamagitan ng di-makatarungan o pagdaraya, ito ay kanyang matatamo sa Araw ng Muling Pagbabangon sa mga sandaling higit na kakailanganin niya ito. Kaya’t paano panghinaan ng loob ang sinumang nakakaalam na ang kanyang bahagi ay tiyak na daratal sa kanya nang walang pag-aalinlangan sa pinakamahalagang mga sandali at pinakamapanganib? At paano malulungkot ang sinumang nakakaalam na ang maghahatol sa pagitan niya at ng kanyang katunggali ay ang Pinakamakatarungan sa lahat ng mga makatarungan?