Ang Paniniwala sa Al-Qadr (Tadhana)
Ang Kahulugan ng Paniniwala sa Al-Qadr (Tadhana):
Ito ay ang tapat na paniniwala na pagpapatotoo na ang lahat ng mabuti at masama ay nakasalalay sa Pagpapasiya ng Allah at sa Kanyang Pagtatakda, na Siya ay gumagawa ng anumang ang Kanyang ninanais, hindi magaganap ang isang bagay maliban kung Kanyang ninais, at walang nakalalabas na anumang bagay sa Kanyang kapasiyahan, at walang isa mang bagay sa daigdig na nakalalabas sa Kanyang pagtatakda, at walang nailalahad malibang ayon sa Kanyang pangangasiwa, at magkagayon pa man tunay na Kanyang inutusan ang Kanyang mga alipin at binawalan, at sila ay Kanyang ginawang may sariling pagpipilian sa kanilang mga gawain, hindi napipilitan lamang dito, bagkus ito ay nagaganap ayon sa sarili nilang kakayahan at kagustuhan, datapuwa’t ang Allah ang lumikha sa kanila at lumikha sa kanilang kakayahan, Kanyang pinapatnubayan sa Kanyang habag ang sinumang Kanyang naisin, at hinahayaang maligaw batay sa Kanyang walang hanggang Karunungan ang sinumang Kanyang naisin, hindi Siya maaaring tanungin ng sinuman kung ano ang Kanyang ginagawa, bagkus sila ang tinatanong.
Ano ang napaloloob sa paniniwala sa Qadr (Tadhana)?:
Ang paniniwala sa Qadr (Tadhana) ay napaloloob ang apat na bagay:
- Ang paniniwala na ang Allah ang tanging nakababatid ng lahat ng bagay maging sa kabuuan o detalye nito, at Siya ang ganap na nakababatid sa lahat ng Kanyang mga nilikha bago pa man Niya ito likhain, at batid Niya ang kanilang mga ikinabubuhay, at ang mga taning ng kanilang buhay, at ang kanilang mga salita, at ang kanilang mga gawa, ang lahat ng kanilang mga galaw at pananahimik, ang kanilang mga itinatago at inilalantad, at kung sino sa kanila ang mapabibilang sa mga maninirahan sa Paraiso, at kung sino sa kanila ang mapabibilang sa mga maninirahan sa Apoy (Impiyerno). Ang Allah ay nagsabi: {Siya ang Allah, wala nang iba pang Diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya, ang Ganap na Nakakaalam sa bagay na lingid at lantad}. Surah Al-Hashr (59): 22
- Ang paniniwala na Siya na Tigib ng Kaluwalhatian ay tunay na Kanyang naitala na una pa man sa Al-Lawhil Mahfuz (Talaan ng mga Gawa) ang lahat ng Kanyang Kaalaman. At ang patunay nito ay ang sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Walang sakuna na nagaganap sa kalupaan at sa inyong mga sarili maliban na ito ay nasa Talaan (ng mga gawa [Lawhil Mahfuz]) bago pa Namin [papangyarihing] ito ay ipatupad}. Surah Al-Hadid (57): 22 At ang sinabi ng Propeta r : “Itinala ng Allah ang mga tadhana ng Kanyang mga nilalang bago pa Niya nilikha ang mga kalangitan at kalupaan ng limampung libong taon”. (Muslim: 2653)
- Ang paniniwala sa walang hanggang Kapasiyahan ng Allah, na walang anumang bagay ang maaaring pumigil nito, gayundin sa Kanyang kapangyarihan na walang anumang bagay ang maaaring makapanghihina nito, samakatuwid ang lahat ng mga pangyayari ay nagaganap nang ayon sa Kapasiyahan at Kapangyarihan ng Allah, anuman ang Kanyang naisin ay magaganap, at anuman ang Kanyang di-naisin ay hindi magaganap. Ang Kataas-taasang Allah ay nagsabi: At [ito ay] hindi ninyo magagawang naisin malibang pahintulutan ng Allah - ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha]. At-Takwir (81): 29
- Ang paniniwala na Siya ang nagpapairal [upang magkaroon ng buhay] ang lahat ng bagay, at Siya ang Nag-iisang Tagapaglikha, samakatuwid maliban sa Kanya ang lahat ng bagay ay Kanyang mga nilikha, at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay. Siya ang Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan ay nagsabi: [At Kanyang nilikha ang lahat ng bagay, pagkaraan ito ay pinagpasiyahan nang may [wastong] pagpapasiya.]» Surah Al-Furqan (25): 2
Ang tao ay may sariling pagpipilian, kakayahan at kagustuhan:
Ang paniniwala sa Tadhana ay hindi itinatakwil ang pagkakaroon ng sariling pagpapasiya ang isang tao sa kanyang mga gawain na maaaring pagpipilian, at sariling kakayahan dito, sapagka’t ang Batas ng Islam at ang aktuwal na kaganapan ay kapwang nagpapahiwatig sa pagpapatunay nito sa kanya.
Sa Batas ng Islam, katotohanang ang Allah ay nagsabi tungkol sa sariling pagpapasiya: {Ito ang Araw ng Katotohanan (na walang alinlangan). Kaya sinuman ang magnais ay maaaring tumahak sa landas patungo sa kanyang Panginoon (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya sa buhay sa mundong ito)!}. An-Naba’ (78): 39
At ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi tungkol sa sariling Kakayahan: {Ang Allah ay hindi nagbibigay ng anumang pasanin sa isang kaluluwa maliban sa abot ng kanyang makakaya. Makakamit niya ang anumang (kabutihan na) kanyang pinagsumikapan at kanyang papasanin ang anumang (kasamaan na) kanyang pinagsumikapan}. Al-Baqarah (2): 286. Ang Wus`a (sa abot ng kanyang makakaya), ang ibig sabihin nito ay ang pansariling kakayahan.
At tungkol naman sa mga pangyayaring nagaganap, tunay na ang bawa’t tao ay nakababatid na siya ay may kalayaang magpasiya at kakayahang gawin ang anumang kanyang nais, at sa pamamagitan nito, siya ay malayang mamili sa pagitan ng mga bagay. Magagawa niya ang ibang mga bagay nang may pagkukusa tulad ng paglalakad, ngunit hindi niya maaaring gawin nang may sariling pagkukusa ang ibang bagay tulad ng panginginig at biglaang pagkahulog, nguni’t maaari nating sabihin na ang pagpapasiya at kakayahan ay maaari lamang maganap nang ayon sa pagpapasiya ng Allah. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Para sa sinuman sa inyo na magnais tumahak sa matwid [na landas], At [ito ay] hindi ninyo nanaisin malibang pahintulutan ng Allah - ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha]. Surah At-Takwir (81): 28-29 Samakatuwid, pinatunayan Niya na may sariling pagpapasiya ang tao, at pagkatapos ay binigyang-diin na ito ay napapailalim sa Kanyang pagpapasiya, at sa dahilan ding na ang buong sansinukob ay pagmamay-ari ng Allah, kaya walang magaganap na anuman sa Kanyang Kaharian nang hindi naaayon sa Kanyang Kaalaman at Kapasiyahan.
Ang Paggamit ng Qadar [Tadhana] Bilang Dahilan Upang Gumawa ng Kasamaan.
Katotohanan, ang mga pananagutan sa pagsasakatuparan ng mga tungkulin, sa pagsunod sa mga banal na kautusan at sa pag-iwas sa mga ipinagbabawal ay karapatang nakaatang sa kalayaan ng tao at sa kakayahang isagawa ang anumang kanyang nais. Sa gayon nga, ang kanyang gawaing mabuti ay gagantimpalaan nang dahil sa kanyang pagpili [upang tumahak] sa landas ng kabutihan at ang kasamaan ay parurusahan nang dahil sa kanyang pagpili [upang tumahak] sa landas ng kamalian.
Samakatuwid, ang Allah na Tigib ng Kaluwalhatian ay hindi nagpapataw sa atin ng isang tungkulin nang higit sa ating makakayanan, at hindi Niya nais ang sinuman sa atin na magpabaya ng kanyang mga tungkulin sa pamamagitan ng paggamit ng Takdang Tadhana bilang dahilan o katuwiran.
Bukod dito, tayo ay pinagkalooban ng Dakilang Allah ng malayang kaisipan at kakayahang pumili ng [batay sa] ating mga sariling pagpapasiya at malinaw na itinuro sa atin ang landas ng kabutihan at ng kasamaan. Kaya kapag tayo ay sumuway sa mga sandaling iyon, samakatuwid tayo ang sariling pumili at ating papasanin ang anumang bunga ng pagpiling ito.
Ang Mga Kabutihan ng Paniniwala sa Qadar [Tadhana]:
Ang Mga [mabubuting] bunga ng Paniniwala sa Qadar [Kapalaran at Tadhana] ay sadyang napakadakila sa buhay ng tao, ang mga ilan dito ay ang mga sumusunod:
-
Ang Tadhana ay isa sa pinakamalaking kapakinabangan [o Kabutihan] upang mamuhay [at tumahak sa landas ng pagiging matuwid] sa paraang makapagbibigay ng kasiyahan [at lugod] sa Dakilang Allah sa mundong ito. Kaya ang mga naniniwala [mga Muslim] ay pinag-uutusan na gumawa ng anumang kanilang makakayanan, kalakip ng pagtitiwala sa Allah, at paniwalaan na ang anumang kanilang magagawa ay hindi magdudulot ng anumang bunga maliban sa kapahintulutan ng Allah, sapagka’t ang Allah ang lumikha ng mga kaparaanan [magdudulot nito] at Siya rin ang lumikha sa mga ibubungang [kinahinatnan na dulot ng inyong mga gawain]. Ang Propeta r ay nagsabi: “Pahalagahan mo [at maging magpagpasalamat] para sa anumang nagbibigay ng kabutihan sa iyo, at humingi ka ng tulong sa Allah, at huwag kang mawalan ng pag-asa [huwag kang sumuko], at kung dumating man sa iyo ang di kaaya-ayang pangyayari, huwag kang magsabi: Kung ginawa ko lamang sana ito, naging ganito sana ito at gayon. Bagkus [makabubuting] sabihin ang: Qadarullaahi wa maa shaa’a fa‛ala [Ito ay] Takda ng Allah, at kung ano ang Kanyang ninais ay Kanyang ginagawa, sapagka’t ang (salitang) “Kung sana” ay simula [ng pag-uudyok na] gawain ng Satanas”. (Saheeh Muslim: 2664)
-
Ang paniniwala sa Qadar [Tadhana] ay nagdudulot sa tao upang kanyang malaman ang kanyang sariling kahalagahan [o kabuluhan], kaya hindi niya magawang makapagmalaki at magyabang, sapagka’t nababatid niya na wala siyang kakayahang malaman ang naitakda sa kanya at ang kanyang kahihinatnan maliban kung ano lamang ang magaganap, at dahil dito ay natutunan ng tao ang kikilalanin ang kanyang sariling mga kahinaan at ang kanyang walang hanggang pangangailangang tulong [at pagdamay] mula sa kanyang Panginoon. Samakatuwid, ang tao kapag dumating sa kanya ang mga mabubuting bagay ay nagiging mapagyabang at nalinlang dahil dito, at kapag dumating naman sa kanya ang masamang bagay at matinding kapighatian, siya ay nawawalan ng pag-asa [at sigla] at nalulungkot. Kaya ang paniniwala lamang sa Qadara [Tadhana] ang makapangangalaga sa tao mula sa pagmamalaki sa panahon ng kasaganaan at kawalan ng pag-asa sa panahon ng kahirapan, sapagkat nalalaman niya na ang lahat ng bagay ay nagaganap [at nangyayari] nang ayon sa tadhanang itinakda at ito ay napangungunahan ng Kanyang Kaalaman.
-
Ang paniniwala sa Qadar [Tadhana] ay tumutulong upang malagpasan ang bunga ng masasamang asal ng inggit, sapagka’t ang isang naniniwala ay hindi naiinggit sa mga tao sa anumang biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Allah sapagka’t kanyang nababatid na ang Allah ang Siyang nagkakaloob ng mga biyaya sa kanila at Siya ring nagtakda sa kanila niyon. At ang pagiging mainggitin sa ibang tao ay nagpapahiwatig ng kanyang pagtatakwil sa Tadhanang itinakda at ipinasiya ng Allah.
-
Ang paniniwala sa Qadar [Tadhana] ay naghahatid ng katapangan ng puso sa pagharap ng mga suliranin [o kagipitan], at pinalalakas nito ang mga kahanga-hangang pagpapasiya, sapagka’t ito ay tapat na naniniwala na mga panustos at ang taning [ng paglisan sa mundo o ang kamatayan] ay naitakda na, at kailanman ay walang darating sa tao maliban kung ano ang naitakda para sa kanya.
-
Ang paniniwala sa Qadar [Tadhana] ay nagtatanim sa puso ng isang naniniwala [Muslim] ng iba’t ibang katotohanan ng pananampalataya, sapagka’t siya ay lagi nang humihingi ng tulong sa Allah, umaasa sa Allah at nagtitiwala sa Kanya pagkaraan isagawa niya ang anumang hinihiling sa kanya [bilang isang tungkulin na dapat tuparin], at siya rin ay lagi nang umaasam [ng pangangailangan] sa kanyang Panginoon, humihingi ng karagdagang tulong mula sa Kanya upang siya ay maging matatag.
-
Ang paniniwala sa Qadar [Tadhana] ay naghahatid ng katiyakan at itinatanim sa kanyang puso ang kapayapaan at kapanatagan, sapagka’t batid ng isang naniniwala [Muslim] na anumang hindi itinakda para sa kanya ay hindi darating sa kanya, at anumang dumating sa kanya ay itinakda para sa kanya.