matatalinong] tao at karaniwang mga tao sa pagsagot sa pinakamahalagang tanong 

sa buhay nating ito: Bakit ba tayo naririto (sa mundo)? Ano ang layunin ng ating&nbsp buhay? At sa katotohanan, binigyang-linaw ng Qur’an ang hangarin at layunin ng&nbsp pagkakaroon ng tao sa buhay na nang may lubusang pagpapaliwanag ayon sa sinabi&nbsp ng Allah: {At hindi Ko nilikha ang Jinn at tao kundi upang Ako ay kanilang&nbsp sambahin lamang}. Surah Az-Zariyat (51): 56. Samakatuwid, ang Ibaadah (pagsamba)&nbsp ang siyang layunin ng pananatili natin dito sa daigdig na ito at maliban dito ay&nbsp mga karagdagang bagay lamang na ating ginagamit para sa pagsasakatuparan ng&nbsp Ibaadah. Nguni’t ang Ibaadah ayon sa Islamikong konsepto (pananaw at kahulugan)&nbsp ay hindi pagkakait at pagtatakwil sa mga karangyaan at kasiyahan ng buhay,&nbsp bagkus ito ay sumasaklaw din sa pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal), pag-aayuno&nbsp at pagkakawanggawa, at lahat ng gawain ng tao, pakikipag-ugnayan, maging ang  kanyang paglalaro at pagpapakaligaya, hangga’t may kalakip itong mabuting&nbsp layunin at mahusay na hangarin. At dahil dito ang Propeta r ay nagsabi: “Sa&nbsp bawa’t bahagi ng katawan ng isa sa inyo ay Sadaqah (kawanggawa)”. Ang ibig  sabihin nito, ang isang Muslim ay nagtatamo ng kabayaran at gantimpala maging sa&nbsp kanyang pakikipagtalik sa kanyang asawa. At sa gayon, ito ay nagiging [mga&nbsp gawaing pagsamba] ang Ibaadah na siyang layunin ng buhay; mga katotohanang&nbsp bahagi ng buhay , kaya ang isang Muslim ay palipat-lipat sa iba’t ibang uri ng&nbsp mga Ibaadah [pagsamba]. Tulad ng sinabi ng Allah: {Sabihin mo (O Muhammad):&nbsp Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking pagkatay ng hayop (bilang&nbsp sakripisyo), ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah lamang, ang&nbsp Panginoon ng lahat ng mga nilalang}. Surah Al-An`am (6): 162