Ang Islam ang Relihiyon ng Katamtaman (Walang Kalabisan at Walang Kakulangan):
Ang Islam ay relihiyon ng katamtaman nang walang labis na pagpapaluwag at pagpapabaya o pagpapahirap at pagmamalabis, at ito ay matutunghayan mula sa lahat ng mga gawaing pagsamba at ritwal nito.
At dahil dito ay ipinag-utos ng Allah sa Kanyang Sugo r at sa mga kasamahan at sa mga naniniwala na panatilihin ang pagiging katamtaman na maaari lamang maipatutupad at magampanan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa dalawang bagay:
Ang Pagsunod sa Relihiyong Islam, at Paggalang [at Pagdakila, Pagpuri at Pagbibigay-dangal] sa Mga Sagradong Ritwal nito.
Ang Pag-iwas sa Pagmamalabis at Pagsuway o Paghihimagsik.
Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi: {Kaya manatili sa matwid na landas tulad ng ipinag-utos sa iyo, at gayundin yaong kasama mong nagbalik-loob sa Allah, at huwag kayong magmalabis sa hangganan. Katotohanang Siya ang ganap na Nakakakita sa anumang inyong ginagawa}. Surah Hud (11): 112
Ibig sabihin: Manindigan ka sa pagtahak sa landas ng katotohanan hanggang sa abot ng iyong kakayahan nang walang pagmamalabis at pagdaragdag.
Kaya nang habang tinuturuan ng Sugo ng Allah r ang kanyang mga kasamahan sa isa sa mga gawain ng Hajj, binalaan niya sila tungkol sa pagmamalabis at pinaalalahanan na ito ang dahilan ng pagkawasak ng mga naunang pamayanan. Siya r ay nagsabi: “Maging maingat sa pagmamalabis sa pananampalataya, sapagka’t ang dahilan ng pagkawasak ng mga nauna sa inyo ay ang pagmamalabis sa pananampalataya”. (Ibn Majah: 3029)
At dahil dito sinabi niya r: “Inyong ipatupad lamang ang mga gawaing abot ng inyong kakayahan”. (Al-Bukhari: 1100)
At katunayan, ipinaliwanag ng Sugo ng Allah r ang katotohanan ng Mensahe na siyang ipinag-utos sa kanya, [at na] ito ay hindi dumating upang patawan ng tungkulin ang mga tao nang higit sa abot ng kanilang kakayahan, bagkus ito ay dumating nang may pagtuturo, tumpak na karunungan at kaluwagan. Siya r ay nagsabi: “Katotohanang ang Allah ay hindi nagsugo sa akin upang maging marahas o magdulot ng pinsala, bagkus ako ay Kanyang isinugo bilang isang tagapagturo [ng kabutihan sa tao] at gawing magaan ang mga bagay [para sa kanila]”. (Muslim: 1478)