Ang Pag-aasawa sa Islam
Ang pag-aasawa ay kabilang sa pinakamatatag na ugnayan na pinahahalagahan ng Islam at ipinanghihikayat ito, at ito ay itinuturing bilang Kaparaanan ng mga Sugo (Tunghayan ang pahina 218).
At katotohanan, binigyan ng pagpapahalaga ng Islam ang mga alituntunin, ang mga kagandahang asal nito, at ang mga karapatan ng mag-asawa sa paraang mapangalagaan nito ang katatagan ng ugnayang pag-aasawa at mapanatili nito ang isang matibay at matagumpay na pamilya na kung saan ang mga anak ay pinagyayaman sa kabutihang asal at katatagan ng isip at pagkamatuwid sa pananampalataya at pagkamit ng kahusayan sa lahat ng mga aspeto ng buhay.
At ang ilan sa mga alituntuning binanggit ay ang mga sumusunod:
Nagtakda ang Islam ng mga patakaran na kinakailangan ng mag-asawa [lalaki’t babae] upang maging maayos ang kanilang pag-aasawa at ugnayan, at ito ay ang mga sumusunod:
Ang Mga Patakatan ng Islam sa Babaing Pakakasalan:
- Ang babae ay dapat isang Muslim o Angkan ng Kasulatan (Ibig sabihin ay Hudyo o Kristiyano) naniniwala sa kanyang relihiyon, nguni’t ang Islam ay hinihimok tayo sa pagpili ng babaing Muslim na may paniniwala [Eeman], sapagka’t siya ay magiging isang ina na mag-aalaga ng kanyang mga anak, makatutulong sa iyo sa kabutihan at sa pagpapakatuwid. Batay sa sinabi ng Propeta r : “Datapuwa’t piliin ang babaing may paniniwala [Eeman], at ikaw ay mapapaunlad”. (Al-Bukhari: 4802 – Muslim: 1466).
- Ang siya ay dapat na malinis na babae sapagka’t, ipinagbabawal ang pag-aasawa sa nakilalang mahalay at walang dangal. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {At gayundin (na pinahihintulutan sa inyo sa pag-aasawa) ang mga malilinis na babae mula sa mga naniniwala [Muslim] at mga malilinis na babae mula sa mga pinagkalooban ng Kasulatan [mga Hudyo at kristiyano].” (Soorat Al-Maa’idah, 5:5)
- Ang siya ay hindi dapat kabilang sa kanyang mga Mahram na ipinagbabawal sa kanya na asawahin sa habang buhay. Batay sa naunang naipaliwanag (Pahina 223), at huwag pag-isahin sa kanyang pag-aasawa ang isang babae at ang kapatid nito, o ang kanyang tiyahin maging sa panig ng kanyang ama o ina.
Ang mga Patakaran ng Islam sa Lalaking Mag-aasawa:
Ipinag-uutos [bilang tungkulin] sa lalaking mag-aasawa na siya ay isang Muslim at ipinagbabawal sa Islam na ang isang babaeng Muslim na mag-asawa ng hindi Muslim, maging anupaman ang relihiyon nito, maging Angkan man ng Kasulatan (Hudyo o Kristiyano) o hindi Angkan ng Kasulatan, at binigyang-diin ng Islam ang pagtanggap sa lalaking mag-aasawa kung nasa kanya ang dalawang patakaran:
- Ang matuwid ng pagsunod sa pananampalataya.
- Maganda ang pag-uugali.
Siya r ay nagsabi: “Kapag hiningi sa inyo ang kamay ng inyong anak na babae [upang pakasalan] ng isang lalaking [Muslim] na inyong kinalulugdan ang kanyang Eeman [paniniwala] at mabuting pag-uugali, magkagayon inyong tanggapin ang kanyang kahilingan, sapagkat kung hindi ninyo ito magawa, magkakaroon ng katiwalian sa ibabaw ng lupa”. (At-Tirmidi: 1084 – Sunan Ibn Majah: 1967)
Ang mga karapatan ng asawang lalaki at asawang babae
Ipinag-uutos ng Allah sa bawa’t isa sa asawang lalaki at babae ang ilang mga karapatan, at sila ay Kanyang hinihikayat sa lahat ng bagay na magpapaunlad ng ugnayang pag-aasawa at ang pangangalaga rito, samakatuwid ang pananagutan ay nakapataw sa magkabilang panig, at tungkulin ng bawa’t isa sa dalawang mag-asawa na lalaki at babae na huwag hilingin sa isa ang mga bagay na hindi abot kaya. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {At sila (mga kababaihan) ay mayroong mga karapatan na katulad ng karapatan (ng kanilang mga asawang lalaki) sa paraang makatuwiran}. Surah Al-Baqarah (2): 228. Kaya’t kailangan ang pagpapaubaya at pagbibigayan upang mapagaan ang takbo ng buhay at maitaguyod ang marangal na pamilya.
Ang mga karapatan ng asawang babae:
- Ang paggugol at ang tahanan:
- Samakatuwid, tungkulin ng asawang lalaki na tustusan ang kanyang asawa sa pagkain nito, inumin, kasuutan at mga kaukulang bagay sa kanya, at nararapat na ihanda para sa kanya ang isang maayos na tahanan upang siya ay mamuhay rito, kahit pa man siya [ang babae] ay isang mayaman.
- Ang halaga ng paggugol: Tuusin [at bilangin] ang paggugol batay sa kakayahan nito [ng lalaki] nang walang pagmamalabis at walang pagkukulang. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Hayaang ang isang lalaking nakaririwasa na gumugol nang ayon sa kanyang kakayahan. At sa sinuman na ang panustos ay lubhang kapos - hayaan siyang gumugol nang ayon sa anumang ipinagkaloob sa kanya ng Allah. Hindi nagbibigay ng pasanin ang Allah sa isang tao maliban [nang ayon] sa anumang Kanyang ipinagkaloob dito. Ang Allah ay magkakaloob ng ginhawa pagkaraan ng kahirapan}. Surah At-Talaq (65): 7
- Siya ay nararapat na gumugol sa kanyang asawang babe nang may lakip na kabaitan, na walang panunumbat at panghahamak sa kanya ng anupaman, bagkus tulad ng inilarawan ng Allah – na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan. Katotohanan, ang pangangalaga sa kanya ay hindi isang pabor, bagkus isang tungkulin na dapat niyang tuparin para sa kanyang asawang babae.
- Ang paggugol sa asawang babae at pamilya sa Islam ay may dakilang gantimpala. Ang Propeta r ay nagsabi: “Kapag naggugol ang isang Muslim ng isang panustos sa kanyang pamilya habang siya ay naghahangad ng gantimpala rito, sasakanya ito bilang isang kawanggawa”. (Al-Bukhari: 5036 – Muslim: 1002), at sinabi pa niya r : “At tunay na wala kang naigugugol na isang panustos na iyong hinahangad dito ang Mukha (Kaluguran) ng Allah kundi ikaw ay gagantimpalaan dito maging ang isang subo ng pagkain na iyong isinusubo sa bibig ng iyong asawa”. (Al-Bukhari: 56 – Muslim: 1628), kaya sinuman ang tumanggi sa paggugol o nagkulang dito samantalang may kakayahan siya rito, tunay na siya ay nagkasala ng malaking kasalanan. Batay sa sinabi niya r : “Sapat na sa isang tao ang isang pagkakasala na magpabaya sa sinumang kanyang karapat-dapat tustusan [ang kanyang pamilya]”. (Abu Daud: 1692)
- Ang magandang pakikitungo:
Ang tinutukoy sa magandang pakikisama: Ang kagandahang pag-uugali, ang pagiging magiliw, pagkamalumanay na pananalita, pagpapaumanhin (mahabang pagpapasensya) sa mga pagkakamali at pagkukulang na walang sinumang nakakaalpas nito. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At kayo ay [dapat] mamuhay sa kanila nang may kabaitan. Sapagka’t kung sila ay inyong kinamumuhian marahil inyong kinamumuhian ang isang bagay. At ginagawa ng Allah dito ang maraming [kaakibat na] kabutihan}. Surah An-Nisa’ (4): 19
Ang Sugo ng Allah r ay nagsabi: “Ang nagtataglay nang may pinakaganap na Eeman [paniniwala] sa mga Muslim ay ang isang nagtataglay ng pinakamahusay na pag-uugali sa kanilang mga kababaihan (asawa)”. (At-Tirmidi: 1162)
Ang Sugo ng Allah r ay nagsabi pa: “Katotohanang ang nagtataglay nang may pinakaganap na Eeman [paniniwala] sa mga Muslim ay ang isang nagtataglay ng pinakamahusay na pag-uugali, at ang isang pinakamagiliw sa kanyang pamilya”. (At-Tirmidhi: 2612 – Ahmad: 24677).
At ang Sugo ng Allah r ay nagsabi pa: “Ang pinakamainam sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa kanyang pamilya, at ako ang pinakamabuti sa aking pamilya”. (At-Tirmidi: 3895)
Ang isang Sahabah (kasamahan ng Propeta) ay nagtanong sa Sugo ng Allah, at kanyang sinabi: O Sugo ng Allah! Ano ang karapatan ng asawang babae sa isa sa amin na kailangang tupdin? Siya ay nagsabi: “Ang pakainin mo siya kapag ikaw ay nakakakain, at damitan siya kapag ikaw ay nakakapagdamit, at huwag mo siyang paluin sa mukha, at huwag mo siyang pagsalitaan ng masasama, at huwag mo siyang iwanan maliban sa bahay [maaari mo siyang huwag tabihan o sipingan]”. (Abu Daud: 2142)
- Ang pinamamahalaan at pagbabata (pagpapasan ng mga responsibilidad:
Kaya kinakailangan na pangalagaan ang likas na katangian ng babae na kaiba sa likas na katangian ng lalaki, at ang paghahanap upang suriin ang buhay sa lahat ng anggulo nito, sapagka’t walang sinuman ang nakakaligtas sa mga kamalian, kaya kailangan natin ang pagtitiyaga at pagsusuri sa positibong paraan, at ang Kataas-taasang Allah ay nagbigay-babala sa dalawang mag-asawa sa pagsusuri sa mga positibong anggulo. Kaya Siya ay nagsasabi: {At huwag ninyong kalimutan na pairalin ang kabutihang-loob sa pagitan ninyo}. Surah Al-Baqarah (2): 237
At siya r ay nagsabi: “Huwag mapoot ang isang naniniwalang lalaki sa isang naniniwalang na babae, kung kinamumuhian man niya ang isang pag-uugali nito, siya naman ay nalulugod sa kanya sa iba pa nitong pag-uugali”. (Muslim: 1469)
At binibigyang-diin ng Propeta r ang pangangalaga sa mga kababaihan at ang pakikisama sa kanila sa kabutihan at kahusayan kabilang na rito ang babala na ang likas na katangian ng babae sa sikolohiya at damdamin ay kakaiba sa lalaki, at ang pagkakaiba na ito ay isang kaganapan para sa pamilya, at kailangan na ang pagkakaiba na ito ay hindi maging dahilan ng pagkasira at paghihiwalay. Batay sa sinabi niya r : “Pagpayuhan ninyo ang mga kababaihan, katotohanan, ang babae ay nilikha mula sa tadyang, kailanman ay hindi siya maging matuwid sa iyo sa anupamang paraan, kaya kung ikaw man ay magpakaligaya sa kanya, ikaw ay makapagpapaligaya sa kanya datapuwa’t nasa kanya pa rin ang pagkabaluktot, at kung ikaw ay humayo upang ituwid ito, siya ay iyong masisira, at ang pagsira sa kanya ay ang paghihiwalay sa kanya”. (Al-Bukhari: 3153 – Muslim: 1468)
- Ang pamamalagi [at pananatili sa kanya] sa gabi:
Kailangan para sa isang lalaki na mamalagi sa kanyang asawa, at ipinag-uutos sa kanya na hindi bababa sa isang araw sa bawa’t apat na araw, gayundin na ipinag-uutos para sa kanya ang paghahati sa pagitan ng kanyang mga asawa ang ayon sa katarungan, kung siya ay may asawa na higit sa isa.
- Ang pagtatanggol sa kanya, sapagka’t siya ay tunay na iyong dangal at karangalan:
Kapag napangasawa ng isang lalaki ang babae, siya ay naging dangal na niya, kaya ipiang-uutos sa kanya ang pagtatanggol sa dangal na ito at karangalan, kahit pa humantong ito sa pagpatay sa kanya. Batay sa sinabi niya r : “Sinuman ang napatay sa pagtatanggol sa kanyang pamilya, magkagayon siya ay isang Shahid (martir)”. (At-Tirmidi: 1421 – Abu Daud: 4772)
- Hindi Nararapat na Ipinagkakalat ang mga Lihim ng Asawang Babae:
Samakatuwid, hindi ipinahihintulot sa isang lalaki na magsalaysay tungkol sa mga personal ng kanyang asawa at sa anumang nagaganap sa pagitan ng mag-asawa at ipagkalat ito sa mga tao. Batay sa sinabi ng Sugo ng Allah r : “Katotohanang ang pinakamasamang tao sa paningin ng Allah sa Araw ng Pagbabangon Muli ay ang lalaki na nakikipagniig sa kanyang asawa at siya [ang asawang babae] ay nakikipagniig sa kanya, at pagkatapos ay kanyang ipinagkakalat ang lihim nito”. (Muslim: 1437).
- Hindi Ipinahihintulot ang Marahas at Pagmamalabis sa Babae:
At sa katotohanan, ang Islam ay naglagay ng ilang mga patakaran upang lunasan ang mga suliranin, ang ilan dito.
- Dapat ang lunas ay sa pamamagitan ng talakayan, payuhan at pangangaral upang maituwid ang mga pagkakamali.
- Sa kaso ng paghihimagsik, kawalan galang at masamang ugali, ang asawang lalaki ang maaaring huminto sa pakikipag-usap sa kanya sa kondisyon na hindi lalagpas ng tatlong araw, at kung ito ay hindi pa rin nagbunga ng maayos, maaari niyang talikdan o huwag tabihan sa higaan at iwasang makipagtalik nguni’t hindi dapat iwanan sa pamamahay.
- Si Aishah – sumakanya nawa ang lugod ng Allah, ay nagsabi: “Kailanman ay hindi nanakit ang Sugo ng Allah r mula sa kanyang mga kamay at hidni rin nanakit ng isang alipin at isang babae. Siya ay nanakit lamang kung siya ay nakikipaglaban sa Landas ng Allah”.
- Ang pagtuturo sa kanya at ang pagpapayo sa kanya:
Tungkulin ng isang lalaki na pag-utusan niya ang kanyang pamilya at pagbawalan, at maging masigasig siya sa lahat ng maghahatid sa kanila upang matamo ang karangyaan ng Paraiso, at iligtas sila mula sa Apoy sa pamamagitan ng pagpapagaan sa paggawa ng mga kautusan at paghihimok dito, gayundin ang pagbabawal sa mga kasamaan at paglayo rito. At tungkulin din ng babae na pangalagaan ang pagpapayo sa kanyang asawa at patnubayan sa kung ano ang mayroong kabutihan, at pag-aalaga sa mga anak nang mahusay na pag-aalaga. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {O kayong mga naniniwala [Muslim]! Iligtas ang inyong sarili at ang inyong pamilya mula sa Apoy}. At-Tahrim (66): 6
At sinabi niya r : “At ang lalaki ay tagapag-alaga sa kanyang pamilya, at may pananagutan sa kanyang inaalagaan”. (Al-Bukhari: 2416 – Muslim: 1829)
- Ang pagiging masigasig sa mga patakaran [o pangangailangan] ng asawang babae:
Kapag hinilingin ng isang babae bilang kasunduan ng kasal para sa kanyang sarili ang isang bagay na ipinahihintulot habang itinatatag ang kasunduan, tulad ng isang partikular na uri ng tirahan at gastusin, at tinanggap ito ng lalaki, magkagayon tungkulin niyang tuparin ito, at ito ay ilan lamang sa pinakamahalagang mga kondisyon na kailangan ang pagtupad at pagiging masigasig dito, at ito ay sa dahilang ang kasunduan sa pag-aasawa ay kabilang sa mga sagradong kasunduan at pananagutan. Batay sa sinabi niya r : “At sa lahat ng patakaran na inyong nararapat tuparin, ang higit na karapat-dapat na inyong tuparin ay anumang [kasunduang ng kasalan] na nagbibigay sa inyo ng kapahintulutang upang makipagtalik sa kanya”. (Al-Bukhari: 4856 – Muslim: 1418)
Ang Mga Karapatan ng Asawang Lalaki:
- Ang tungkulin ng pagsunod sa kabutihan:
Itinakda ng Allah ang lalaki bilang tagapagtaguyod para sa babae, siya ay may pananagutan sa kalagayan ng babae, sa pagpapatnubay sa kanya at pangangalaga sa kanya, tulad ng pagtataguyod sa lahat ng kanyang kinasasakupan, at sa anumang ang ipinag-utos sa kanya [bilang tungkulin] ukol sa mga pananalaping pananagutan. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Ang mga kalalakihan ang tagapangalaga ng kababaihan, sa dahilang ang ilan sa kanila ay pinagkalooban ng Allah ng kahigtan sa iba, at sa dahilang sila ang nagtataguyod sa paggugol sa kanila (ng panustos) mula sa kanilang yaman}. An-Nisa’ (4): 34
- Ang Kakayahan ng Asawang Lalaki sa Pakikipag-ugnayang-sekswal sa Kanyang Asawa:
Kabilang sa karapatan ng lalaki sa kanyang asawa ang kakayahan nito sa pagpapakaligaya at pakikipagtalik, at nakabubuti sa kanya ang magpaganda at maghanda para sa kanya, at kapag tumanggi ang babae sa pagtugon sa kanyang asawa sa pakikipagtalik, siya ay nasadlak sa ipinagbabawal at nagkasala ng malaking kasalanan, maliban kung siya ay may makatuwirang dahilan tulad ng Hayd (regla), pag-aayuno na obligado, karamdaman at ng mga nakakatulad nito.
Sinabi ng Sugo ng Allah r : “Kapag inanyahan ng lalaki ang kanyang asawa tungo sa kanyang higaan [upang magtalik], at siya ay tumanggi, pagkatapos ay nakatulog ito na napopoot sa kanya, siya ay isinumpa ng mga anghel hanggang sa kinaumagahan”. (Al-Bukhari: 3065 – Muslim: 1436)
- Ang huwag pahintulutan ang sinumang kinasusuklaman ng asawang lalaki na pumasok sa bahay:
Kaya isa sa karapatan ng lalaki sa kanyang asawa na huwag papasukin sa kanyang tahanan ang sinumang kinasusuklaman niya.
Sinabi ng Sugo ng Allah r : “Hindi marapat sa isang babae na mag-ayuno at ang kanyang asawa ay kapiling niya maliban sa kanyang pahintulot, at huwag siya (babae) magpapahintulot sa kanyang tahanan maliban sa kanyang pahintulot”. (Al-Bukhari: 4899)
- Ang huwag lumabas ng bahay maliban sa kapahintulutan ng asawang lalaki:
Kabilang sa mga karapatan ng lalaki sa kanyang asawa ay ang tungkuling huwag lumisan ng bahay nang wala siyang pahintulot, maging ito man ay pansarili o isang pangkalahatang pangangailangan [tulad halimbawa ng paghahanap-buhay ng babae].
- Ang paglilingkod ng babae sa kanyang asawa:
Nakabubuti sa babae ang paglilingkod sa kanyang asawa sa kabutihan, tulad ng paghahanda ng pagkain at mga kaukulang gawain sa bahay.