Ang Talaq (Diborsiyo)
Ang Islam ay nag-aanyaya ang kasunduan ng pag-aasawa ay maging panghabang buhay, na ang pag-aasawa ay dapat manatiling itinataguyod sa pagitan ng mag-asawa, hanggang sila ay paghiwalayin ng kamatayan, at sa katunayan, tinagurian ng Allah ang pag-aasawa bilang isang mabigat na panunumpa, at hindi ipinahihintulot sa Islam ang pagtatakda ng oras ng pagtatapos ng ugnayang asawa.
Bagaman binigyang-diin ng Islam ang lahat ng ito, isinasaalang-alang din ang mga alituntunin at patakaran para sa ao na mayroong kahinaan na sadyang likas sa tao, kaya naman naglatag din ng mga alituntunin kung paano isagawa nag diborsiyo [paghihiwalay] pagkaraan ng maraming tangkaang pakikipagkasundo sa pagitan ng mag-asawa at wala nang iba pang paraan . Sa ganitong kalagayan, inaayos ang dalawa sa makatarungan at praktikal na pamamaraan. Kapag ang di-pagkakasunduan at hidwaan ay patuloy na nagiging malubha, ang diborsiyo ay nagiging pangangailagan para sa katiwasayan ng pamilya at katatagan ng bawat panig. Kaya ang kapasiyahan ng diborsiyo ay nagpapahiwtig ng kabiguan ng pag-aasawa na higit naman mabuti kaysa sa kasamaang higit pang idudulot ng pagsasama.
Ito ang dahilan kung bakit ipinahintulot ang diborsiyo bilang paraang ng pagputol ng di-matagumpay na pag-aasawa at bigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa kanila na makatagpo ng iba para sa isang higit na mabuting ugnayan na hindi madama sa unang pag-aasawa.Kaya binigyan ng katotohanan ang sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Datapuwa’t kung sila ay maghiwalay, ang Allah ay maglalaan ng kasaganaan sa bawa’t isa sa kanila mula sa Kanyang Biyaya (makakapag-asawa rin ang bawa’t isa sa kanila ng iba). At ang Allah ay Lagi nang Malawak (ang Biyaya), Tigib ng Karunungan}. Surah An-Nisa’ (4): 130
Nguni’t nagtakda ito ng maraming alituntunin at mga batakaran hinggil sa diborsiyo, at ang ilan dito:
- Bilagn pangkalahatang alituntunin, ang diborsiyo ay nasa kamay ng lalaki at hindi sa kamay ng babae.
- Nguni’t maaaring hilingin ng babae ang paghihiwalay mula sa hukuman kapag hindi niya kayang mamuhay sa piling ng kanyang asawa at ang asawang lalaki ay tumututol na siya ay hiwalayan nito., Sa gayong kalagayan, ang hukuman ay magsasagawa ng pagsusuri upang ipawalang-saysay ang kasunduang kasal kung ang sanhi ng paghihiwalay ay makatuwiran at katanggap-tanggap.
- Maaaring balikan ang babae pagkatapos ng kanyang diborsiyo sa dalawang ulit, samantalang kapag siya ay diniborsiyo sa ikatlong pagkakataon, magkagayon hindi niya maaaring pakasalanng muli ito hanggang hindi siya nakakapag-asawa ng ibang lalaki na ganap na pag-aasawa.