Ang Mga Karapatan ng Mga Magulang
Itinuturing ang magandang pakikitungo sa mga magulang at pagmamagandang-loob sa kanila bilang isa sa mga pinakadakila at mabuting gawain at ito ang pinakamarami sa gantimpalang inilaan ng Kataas-taasang Allah, at tunay na ito ay iniugnay ng Allah sa pagsamba sa Kanya at sa Kanyang Kaisahan.
At itinakda Niya ang magandang pakikitungo para sa kanila at ang pagmamagandang-loob sa kanila bilang isa sa mga pinakadakilang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso, sapagka’t sinabi niya r : “Ang magulang na lalaki ang pinakagitna ng mga tarangkahan ng Paraiso, kaya kung nais mo, maaari mong hahayaang mawala ang tarangkahan na iyon o pangalagaan ito”. (At-Tirmidi: 1900)
- Ang panganib ng pagsuway sa mga magulang at pang-aabuso sa kanila:
Kabilang sa mga pinakamalaking kasalanan na pinagkaisahan ng mga Batas sa pagpipigil nito at pagbabala, ang ilan dito: ang pang-aabuso sa dalawang magulang. Batay sa sinabi ng Propeta r sa mga Sahabah (kasamahan): “Nais ba ninyong ipabatid ko sa inyo ang pinakamalaki sa mga malalaking kasalanan?” kanilang sinabi: Opo, O Sugo ng Allah. Siya ay nagsabi: “Ang pagtatambal sa Allah at ang pagsuway sa mga magulang”. (Al-Bukhari: 5918)
- Ang pagsunod sa kanila sa hindi pagkakasala sa Allah:
Ipinag-utos [bilang tungkuin] ang pagsunod sa mga magulang sa lahat ng kanilang mga ipinag-uutos maliban kung ang kanilang ipinag-uutos ay pagkakasala sa Allah, magkagayon huwag silang sundin dito; sapagka’t walang pagsunod sa isang nilalang sa pagkakasala sa Tagapaglikha. Ang Kataas-taasang Allah ay nagsabi: {At Aming ipinagtagubilin sa tao na maging mabuti sa kanyang mga magulang; datapuwa’t kung sila ay magsikap upang ikaw magtakda ng katambal sa Akin (sa pagsamba), na rito ay wala kang anumang kaalaman, kung gayon, sila ay huwag mong sundin}. Al-Ankabut (29): 8
- Ang pagiging mabuti sa kanila, lalung-lalo na sa kanilang panahon ng katandaan [at kahinaan]:
Ang Kataas-taasang Allah ay nagsabi: {At nag-utos ang iyong Panginoon na huwag kayong sumamba sa iba maliban sa Kanya, at maging mabuti sa inyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay sumapit na sa katandaan ng buhay, huwag kang mangusap sa kanila ng Uff (isang salita ng kalapastanganan), at sila ay huwag mong sigawan, bagkus mangusap sa kanila nang marangal na pangungusap}. Al-Isra’ (17): 23
Samakatuwid, ipinababatid ng Kataas-taasang Allah na ito ay tugnkulin, at ipinag-utos sa tao ang pagsunod sa kanyang mga magulang at huwag silang sigawan o hiyawan, lalung-lalo na sa panahon ng kanilang katandaan at kahinaan, at kahit pa ito ay pabulong-bulong lamang nang walang salita.
- Ang Mga Magulang na Hindi Naniniwala (Hindi Mga Muslim):
Ipinag-utos [bilang] tungkulin para sa isang Muslim ang magkaroon ng magandang pakikitungo sa kanyang mga magulang, ang pagsunod sa kanila at ang pagmamagandang-loob sa kanila, at kahit pa sila ay hindi Muslim. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Datapuwa’t kung sila ay kapwa magsikap upang ikaw ay magtambal ng iba pa sa Akin (sa pagsamba) sa mga bagay na wala kang kaalaman; sila ay huwag mong sundin, datapuwa’t pakitunguhan mo sila sa mundong ito sa mabuting paraan}. Luqman (31): 15
At ang pinakapangunahin sa paggawa ng kabutihan at pinakadakila nito ay ang pag-aanyaya at pagtatanim ng pagmamahal sa kanila sa Islam sa pamamagitan ng mahusay na pamamaraan at magandang pakikitungo.
Ang Mga Karapatan ng Mga Anak
- Ang pagpili ng mabuting asawa upang maging isang huwaran at mabuting ina, at ito ang pinakamalaking pamana na inihahandog ng ama sa kanyang mga anak.
- Ang pagbigay sa kanila ng magagandang pangalan, sapagka’t ito ay magiging isang nananatiling palatandaan ng anak na lalaki
- Ang pagbutihin ang pagdisiplina sa kanila at pagtuturo sa kanila sa mga prinsipyo ng pananampalataya at ibunsod sa kanila ang pagmamahal dito. Sinabi niya r : “Lahat kayo ay tagapag-alaga, may pananagutan sa kanyang inaalagaan, samakatuwid ang pinuno na may katungkulan na mag-alaga sa mga tao, siya ay may pananagutan sa kanila, at ang lalaki ay tagapag-alaga sa mga naninirahan sa kanyang tahanan at siya ay may pananagutan sa kanila, at ang babae ay tagapag-alaga sa tahanan ng kanyang asawa at ng anak nito at siya ay may pananagutan sa kanila, at ang isang alipin ay tagapag-alaga sa kayamanan ng kanyang amo at siya ay may pananagutan sa kanya, katotohanan kung gayon, kayong lahat ay tagapag-alaga at kayong lahat ay may pananagutan sa kanyang inaalagaan”. (Al-Bukhari: 2416 – Muslim: 1829)
Samaktuwid, dapat magsimula ang mga magulang sa pagdidisiplina nang ayon sa pinakamahalaga, at ang pinakamahalagang panimula ng pagdidisiplina sa kanila sa wastong pananalig na walang halong Shirk (pagtatambal sa Allah) at walang mga Bid`ah (wala sa katuruan), at pagkatapos ay ang tungkol sa mga Ibaadat (gawaing pagsamba) lalung-lalo na ang Salah (pagdarasal), pagkatapos ay sila ay turuan at disiplinahin mula sa mga magagandang kaugalian at mga kapuri-puring asal, at sa lahat ng gawaing mararangal at mabuti, at ito ang pinakadakilang gawain sa paningin ng Allah.
- Ang paggugol:Ipinag-utos [bilang tungkulin] para sa ama ang paggugol sa kanyang mga anak, maging sa mga lalaki man o mga babe, at siya ay hindi maaaring magkulang dito at magpabaya, bagkus kailangan niyang itaguyod ito sa abot ng kanyang kakayahan at sinabi ng Sugo ng Allah : “Sapat na pagkakasala para sa isang tao ang magpabaya sa sinumang tungkulin niyang tustusan [o itaguyod]”. (Abu Daud: 1692) At sinabi pa niya r tungkol sa kaukulan ng pag-aalaga at paggugol sa mga batang babae lamang: “Sinuman ang dumaan ng pagsubok sa isang bagay hinggil sa mga batang babae na ito, at kanyang pinagbuti ang pag-aruga sa kanila, sila ay kanayng magiging panangga laban sa Apoy [ng Impiyerno]”. (Al-Bukhari: 5649 – Muslim: 2629)
- Ang pagiging makatarungan sa pagitan ng mga anak, maging mga lalaki man o mga babae. Batay sa sinabi niya r : “Matakot kayo sa Allah at maging makatarungan kayo [at kayo ay makitungo ng pantay] sa pagitan ng inyong mga anak”. (Al-Bukhari: 2447 – Muslim: 1623) Samakatuwid, hindi maaaring nakalalamang ang mga babae sa mga lalaki, gayundin naman na hindi maaaring nakalalamang ang mga lalaki sa mga babae, sapagka’t ito ay magdudulot ng mga kasiraan na tanging ang Allah lamang ang nakakaalam.