Ang Mga Wastong Pamamaran ng Kalakalan na Binigyang-diin ng Islam
Tulad ng pagbigay-linaw ng Islam sa mga alituntunin ng mga usaping pananalapi at kalakalan. Ito ay nagpapatibay rin sa mga kalakalan ang ilan sa mga kagandahang ugali at asal, ang mga ilan ditto ay:
Al-Amanah (ang Tiwala):
Ang Amanah (tiwala) sa pangangalakal sa ibang tao, maging sila ay mga Muslim o di-muslim. Kabilang sa pinakadakilang katangian [at kaugalian] ng isang Muslim ay ang pagsunod sa Batas ng Allah, at matutunghayan ang pagpapahalaga na ito nang ayon sa mga sumusunod:
- Ang Kataas-taasang Allah ay nagsabi: {Katotohanan, ang Allah ay nag-uutos sa inyo na inyong ibalik ang mga ipinagkatiwalang bagay sa nagmamay-ari nito}. Surah An-Nisa’ (4): 58
- Ibinilang ng Sugo ng Allah r ang kawalan ng Amanah [tiwala] at ang pagtalu-sira at pagtaksil dito ay isa sa mga palatandaan ng pagkukunwari na kung saan ay kanyang sinabing: «Ang palatandaan ng isang mapagkunwari ay tatlo; kapag siya ay nagsasalita, siya ay nagsisinungaling, at kapag siya ay nangako, siya ay hindi tumutupad, at kapag siya ay pinagkatiwalaan, siya ay nagtatalu-sira [at nagtataksil]». (Al-Bukhari: 33 – Muslim: 59)
- Ang Amanah (tiwala) ay isa sa pinakamahalagang katangian ng mga naniniwala [mga Muslim]. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Katotohanang ang mga naniniwala ay nagkamit ng tagumpay}, hanggang sa sinabi Niyang {At sila yaong nangangalaga sa mga ipinagkatiwala sa kanila at (tumutupad) sa kanilang kasunduan}. Al-Mu’minun (23): 1-8 At dahil dito, pinawalang-saysay ng Sugo ng Allah r ang Eeman [paniniwala] ng sinumang nagtataksil [at nagtalu-sira] sa Amanah [o tiwalang ipinagkaloob sa kanya]. Siya r ay nagsabi: «Walang Eeman [paniniwala] ang sinumang walang angking Amanah». (Ahmad: 12567)
- úAt sa katunayan, bago pa man siya itinakda bilang Sugo ng Allah r, siya ay binansagan sa Makkah bilang isang matapat na mapagkakatiwalaan, sapagka’t siya ay naging isang sagisag ng amanah [pagiging mapagkatiwalaan] sa kanyang pakikipag-ugnayan at mga kalakalan.
Ang Katapatan:
Ang katapatan at kalinawan ay kabilang sa mga katangiang pinahahalagahan ng Islam:
- Siya r ay nagsabi tungkol sa nagbibili at namimili: «At kung sila ay naging kapwang tapat at inilahad ang kakulangan at kabutihan ng mga gamit, ang kanilang kalakalan ay pagpapalain; datapuwa’t kung sila ay nagsabi ng kasinungalingan o itinago ang bagay [na kakulangan nito] ang kanilang kalakal ay pagkakaitan ng biyaya». (Al-Bukhari: 1973 – Muslim: 1532)
- Siya (Muhammad r) ay nagsabi: «Kayo ay maging matapat, sapagka’t ang katapatan ay nag-aakay tungo sa kabutihan, at ang kabutihan ay nag-aakay tungo sa Paraiso, at ang isang tao ay patuloy at nananatiling matapat hanggang siya makilala bilang isang taong matapat». (Muslim: 2607)
- Ang ilang mangangalakal ay kadalasan ay humahantong sa panunumpang may lakip na kasinungalingan na nagsasabing ang kanilang mga ipinagbibiling gamit ay mabuting uri upang mapilitan ang mamimili na bumili sa kanila. At itinuturing ng Islam ang gayong gawain bilang isang malaking kasalanan, batay sa sinabi niya (Muhammadr.): «Tatlo uri ng tao ang hindi kakausapin ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli, at sila ay hindi Niya lilingunin o susulyapin, at sila ay hindi Niya padadalisayin, bagkus mapapasakanila ang isang napakasakit na kaparusahan, at nagbigay halimbawa ng isa sa kanila: At ang nagbibili ng kanyang gamit sa pamamagitan ng huwad na panunumpa [o ng kasinungalingan]». (Muslim: 106)
Ang Kahusayan sa Paggawa:
Maging anuman ang gawain ng isang Muslim, kinakailangan na ito ay gampanan niya nang buong husay sa abot ng kanyang kakayahan, maging mahusay sa kanyang tinatahak na simulain sa lahat ng kanyang pagsisikap at pagpupunyagi.
- Sapagka’t ang Allah [Tigib ng Kaluwalhatian] ay ipinag-utos ang paggawa ng kahusayan sa lahat ng bagay, at Kanyang ipinag-utos sa lahat ng mga kalakaran ng buhay, maging sa mga bagay na tila sa unang tingin ay hindi lubhang mahalaga tulad ng pangangaso at pagkakatay. Siya (Muhammad r) ay nagsabi: «Katotohanang ipinag-utos ng Allah ang paggawa nang mahusay sa lahat ng bagay, kaya kapag kayo ay papaslang, inyong pagbutihin ang inyong pagpaslang, at kapag kayo ay magkakatay, inyong pagbutihin ang pagkatay, at marapat na hasain ng isa sa inyo ang kanyang patalim upang maging mapayapa ang kanyang kakatayin [o hindi lubhang masaktan]». (Muslim: 1955)
- Minsan ang Propeta r ay dumalo sa isang libing ng isang tao, at ang kanyang iminungkahi sa kanyang mga Sahabah (kasamahan niya) ang pagsasaayos ng libingan at ang pagpapasan nito nang mahusay, at pagkaraan, siya ay bumaling sa kanila, at nagsabi: «Ito ay walang maidulot na kabutihan para sa namatay at hindi rin ito makapipinsala para sa kanya, datapuwa’t kinalulugdan ng Allah sa isang manggagawa na kapag siya ay gumawa, ito ay kanyang pinaghuhusay [o pinagbubuti]». (Al-Baihaqi Fi Shu`abil Iman: 5315), at sa isang salaysay: «Katotohanang nais ng Allah na kapag ang isa sa inyo ay gumawa ng isang gawain, ito ay kanyang pinaghuhusay nang mabuti». (Abu Ya`la: 4386 – Shu`abil Iman: 5312). (Tunghayan ang iba pang mga kaugalian sa pahina 243)