Ang Iyong Mga Ugnayang Pangkalakalan at Pananalapi
Ipinag-uutos at ipinag-aanyaya ng Allah ang paghahanap-buhay sa mundong ito at ito ay binigyan ng paliwanag sa iba’t ibang aspeto:
- Katotohanang Kanyang ipinagbabawal ang panghingi ng yaman [o kabuhayan] sa mga tao hangga’t ang tao ay may kakayahang gumawa at maghanap-buhay nang ayon sa kanyang sarili pagsisikap at paggawa, at Kanyang ipinaalam na ang sinumang humihingi ng yaman [o kabuhayan] sa mga tao, samantalang may kakayahan namang gumawa at maghanap-buhay, ay kanyang isinasadlak sa kawalan ng dangal ang kanyang sarili sa paningin ng Allah at maging sa paningin ng mga taong kanyang nakakasalamuha sa lipunan.
Sapagka’t sinabi niya ﷺ: «Ang isang tao na patuloy na namamalimos nang walang dahilan ay kanyang makakaharap ang Dakilang Allah [sa Araw ng Paghuhukom] na walang laman ang [pisngi ng] kanyang mukha». (Al-Bukhari: 1405 – Muslim: 1040)
At sinabi ng Sugo ng Allah ﷻ : «Sinuman ang dinapuan ng matinding karukhaan [o kahirapan] at ito ay kanyang iniasa sa mga tao, ang kanyang karukhaan [o kahirapan] ay walang katapusan, nguni’t kung ito ay kanyang iniasa [at idinaing] sa Allah, mamadaliin ng Allah para sa kanya ang kasaganaan (kasapatan at kaluwagan)». (Ahmad: 3869 – Abu Daud: 1645)
- Kinikilala ng Islam ang lahat ng paghahanap-buhay [o mga gawaing pangkabuhayan] sa alinmang larangan, kalakal at industriya, mga paninilbihang-kalakal [general services] o pamumuhunan [o investment] bilang mararangal na gawain hangga’t ito ay pinahihintulutan at hindi nasasangkot sa mga maling ugnayan. Sa katunayan, ipinaalam ng Islam na ang mga Propeta ay nagsipaghanap-buhay sa paraang marangal na laganap sa kanilang mga pamayanan. Batay sa sinabi ng Propeta ﷺ : «Walang propetang isinugo ang Allah maliban siya ay isang tagapag-alaga ng kambing». (Al-Bukhari: 2143), at si Propeta Zakariyya ay isang anluwage (Muslim: 2379). At gayundin naman ang iba pang mga Propeta, sila ay naghanap-buhay tulad ng gayong simple at marangal na hanap-buhay.
- unay na sinuman ang naghanap-buhay nang may layuning itaguyod ang sarili at pamilya at tumulong sa mga taong nangangailangan, ay gagantimpalan ng Allah nang kasaganaan nang dahil sa kanyang pagpupunyagi [at pagsisikap na mabuhay nang marangal]
Sa Pangkalahatang Pananaw ng Islam, ang Lahat ng Kalakalan [at Pananalapi] ay Ipinahihintulot:
Sa pangkalahatang pananaw ng Islam, ang lahat ng kalakalan [at pananalapi] ay ipinahihintulot. Kabilang na rito ang pagtitinda, pamimili, pagpapaupa at ang lahat ng uri ng paninilbihang-kalakalan na kinakailangan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay maliban na lamang sa mga bagay na ipinagbawal sanhi ng likas na karumihan nito o mga bagay na nakuha sa di-makatwiran o maling pamamaraan [tulad ng panlilinlang, pandaraya at pagkamkam].
Ang Mga Bagay na Bawal Sanhi ng Likas na Karumihan Nito:
Ito ay ang mga bagay na ipinahayag ng Allah na bawal, sanhi ng likas na karumihan nito at sa gayon ay hindi dapat ipagbili, o bilhin, ipaupa, ipagawa [bilang isang produkto] at hindi rin nararapat na ipamahagi sa pagitan ng mga tao.
Ang Mga Halimbawa ng Mga Bagay na Ipinagbabawal Sanhi ng Kanilang Karumihan:
- Ang Laman ng Aso at Baboy.
- Ang Mga Patay na Hayop at Ang Alinmang Bahagi Nito.
- Ang Mga Alak at Mga Inuming Nakalalasing.
- Ang Mga (Bawal na) Gamot at Iba Pang Nakakapinsala sa Kalusugan
- Ang Mga Gamit na Nagpapalaganap ng Kalaswaan sa Pagitan ng Mga Tao, tuald ng Mga Malalaswang Tapes, Babasahin, at Mga Malalaswang websites.
- Ang Mga Idolo (Estatwa na itinuturing bilang mga diyos) at Anumang Bagay na Pinag-uukulan ng Pagsamba Bukod sa Allah.
Ang Mga Bagay na Bawal Sanhi ng Maling Pamamaraan ng Pagkamit [o Paghango at Pagkatamo] Nito:
to ay mga bagay na likas na pinahihintulutan subali’t ito ay naging bawal sanhi ng maling pamamaraan ng pagkuha o pagtamo nito, na nagdudulot ng pinsala sa tao at sa lipunan. Ang mga kalakalang ipinagbabawal tulad ng:
Ang Riba (Pagpapatubo), ang pandaraya at pagsusugal [o paglalaro].
At tayo ay magbibigay ng pagpapaliwanag, sa mga sumusunod na pahina: