Ang Iyong Pagkain at Inumin
Ang Pagkalahatang Alituntunin Tungkol sa Pagkain at Inumin
Sa pangkalahatang pananaw ng Batas na Islam, ang lahat ng pagkain at inumin ay Halaal (malilinis at pinahihintulutan) maliban sa anumang ipinagbawal nito sanhi ng kapinsalaang idinudulot nito sa tao, sa kanyang kalusugan, sa asal [at ugali] at sa kanyang relihiyon [o pananampalataya]. Sa katotohanan, ang Dakialng Allah ay nagpaalala sa atin na Siya ang lumikha ng lahat ng bagay na nasa kalupaan at nasa ibabaw nito upang ito ay ating pakinabangan maliban sa mga bagay na Kanyang ipinagbawal sa atin. Siya (ang Allah) ay nagsabi: {Siya ang lumikha ng lahat ng anumang nasa kalupaan para sa inyo}. Surah Al-Baqarah (2): 29
Ang Mga Pag-aanihan at mga Bunga
Lahat ng uri ng halaman na itinatanim ng mga tao o kanilang pinipitas o hinahango mula sa mga punong-kahoy o sa mga kagubatan o sa mga damo o kabute ay ipinahihintulot at maaaring kainin, maliban sa anumang nagdudulot ng kapinsalaan sa katawan at kalusugan, o nagdudulot ng kapinsalaan sa katinuan ng isip tulad ng mga inuming nakalalasing o mga (bawal na) gamot na tahasang at tuwirang pumipinsala sa katinuan o isipan ng tao.
Ang Mga Inuming Nakalalasing at ang Alkohol
Ito ay isang [inuming] nakalalasing at nakalalango [at nakakasira sa] isip: ibig sabihin – ang dating karaniwang halaal ay nahaluan, nabalutan at napangibabawan ng anumang sangkap na ipinagbabawal, at ito ay nagdudulot ng masamang bunga sa sinuman. Batay sa sinabi ng Sugo ng Allah : «Lahat ng nakalalasing na inumin ay Khamr at ang lahat ng Khamr ay ipinagbabawal». (Muslim: 2003), maging ito ay hinango o ginawa mula sa mga prutas tulad ng ubas, basa, igos at pasas, o mga butil tulad ng trigo, barley o mais o bigas, o di kaya ay mga kendi [o minatamis] na hinango sa pulut-pukyutan. Kaya lahat ng nakalalango sa isip, ay [itinuturing bilang] Khamr na ipinagbabawal, maging anupaman ang katawagan o lumitaw na anyo nito, kahit ito ay inihalo at isinama sa pangkaraniwang katas o sa mga kendi at tsokolate.
Ang Pangangalaga sa Isip:
Katotohanang ipinahayag ang dakilang relihiyong ito [ang Islam] upang bigyang paalala tungkol sa mga kapakanan ng mga tao sa mundo at sa kabilang buhay, at ang pinamahalaga nito ay ang limang pangunahing pangangailangan: ang relihiyon [pananampalataya], ang buhay, ang isip, ang yaman [o ari-arian] at ang mga supling.
Samakatuwid, ang isip ang siyang batayan ng legal na pananagutan (manaat at-takleef), sapagka’t ang mabuting isip ay pangunahing dahilan ng karangalan at paggawad ng Dakilang Allah ng makadiyos na pagtangi sa lahi ng sangkatauhan, kaya pinangalagaan ito ng Batas ng Islam at pinapanatili laban sa anumang maaaring makapagpahina nito at makasira nito.
Ang Kapasiyahan tungkol sa Khamr (Lahat ng Uri ng Inuming Nakalalasing):
Ang mga inuming Khamr tulad ng alak ay kabilang sa mga pinakamalalaking kasalanan at ang pagbabawal nito ay mahigpit na ipinag-uutos sa Qur’an at sa Sunnah, at ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
- Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {O kayong mga naniwala, ang [lahat ng mga] inuming nakalalasing, sugal at ang [pag-aalay sa] mga altar sa iba pa bukod sa Allah at ang mga palaso ay mga dungis na nagmula sa [karumal-dumal na] gawang-kamay ng Satanas. Kaya, [mahigpit na] iwasan ito upang sakali kayo ay magsipagtagumpay}. Surah Al-Ma`idah (5): 90 Samakatuwid, ito ay inilarawan ng Makapangyarihang Allah bilang isang uri ng karumihan at kasuklam-suklam na bagay mula sa mga gawain ni Satanas, at ipinag-utos sa atin ang tahasang pag-iwas dito upang ating matamo ang kaligtasan at tagumpay.
- Ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: «Lahat ng nakalalasing ay Khamr (alak), kaya lahat ng nakalalasing ay ipinagbabawal. Sinuman ang uminon ng Khamr sa mundo at naging sugapa rito hanggang siya ay mamatay, ay hindi makaiinom nito sa kabilang buhay». (Muslim: 2003)
- Siya ﷺ ay nagpaliwanag na ang pag-inom ng Khamr (alak) ay nakababawas ng Eeman [paniniwala] at sumasalalungat dito ang kagandahang-asal kaya kanyang sinabi: «Sinuman ang umiinom nito ay itinuturing bilang hindi Muslim [di-naniniwala] sa oras ng kanyang pag-inom.» (Al-Bukhari: 5256 – Muslim: 57)
- Bilang babala, ang Dakilang Allah ay nagpataw ng matinding parusa sa mga nagsisiinom nito sapagka’t ito ay nagiging sanhi ng kawalan ng dangal at kawalang ng paggalang sa lipunan kinabibilangan.
- Siya ay nagbigay ng babala ng isang matinding parusa sa sinumang patuloy sa sugapang pag-inom ng Khamr (alak) at sa anumang maituturing bilang kaugnay nito, hanggang sa siya ay mamatay nang hindi napagsisihan ito. Ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsasabi: «Katotohanang Kataas-taaasang ay nagtakda ng isang pangako sa sinumang umiinom ng nakalalasing, na siya ay Kanyang paiinumin ng anumang nagmumula sa Thinatul Khabal”. (Muslim: 2002) at ito ay ang katas ng dumi, masangsang na pawis, nana [o mga nagnanaknak na sugat] na lumalabas mula sa katawan ng mga naninirahan sa Apoy.
- At sakop din sa babalang ito ang yaong mga sangkot sa anupamang pamamaraan ng paggawa at pag-inom ng alak maging siya man ay malapit na kamag-anak o malayo. Sa katotohanan «Isinumpa ng Sugo ng Allah ﷺ sa Khamr (alak) ang sampu: Ang gumagawa nito at ang nagpapagawa dito, gayundin ang umiinom nito at ang nagpapainom nito, ang nagdadala nito at ang nagpapadala nito, ang naghahain nito at ang nagpapahain nito, ang kumikita mula nito, at ang bumibili nito at ang nagpapabili nito». (At-Tirmidhi: 1295)
Ang Mga (Bawal na) Gamot
Ang paggamit o pagkuha ng mga gamot – maging ang pinagmulan nito ay nagmula sa sinangkapang halaman, at maging ang paggamit o pagkuha nito ay sa pamamagitan ng paglanghap o paglunok o pagturok – ay kabilang sa mga pinakamalakiing kasalanan at pagkakasala, sapagka’t bukod sa nakalalasing ito, pinipinsala o sinisira nito ang pisikal na katawan ng tao, at ang gumagamit nito ay dinadapuan ng iba’t ibang uri ng mga sakit sa katawan at pag-iisiip, at maaaring ito ay humantong sa kanyang kamatayan. Ang Kataas-taasang Allah ay nagsasabi, samantalang siya ang Pinakamahabagin sa Kanyang mga alipin: {At huwag ninyong patayin ang inyong mga sarili [Huwag kayong magpatayan sa isa’t isa]. Katotohanang ang Allah ay Lubos na Mahabagin sa inyo}. An-Nisa’ (4): 29