Ang Mga Pagkaing Hinango Mula sa Dagat
ng Itinutuirng Bilang Mga Pagkaing-dagat ay ang Hindi Nabubuhay Maliban sa Tubig, at Hindi Maaaring Mabuhay at Manatili sa Lupa.
At ang Tinutukoy na Dagat ay ang Malaking Katawan ng Tubig, kaya kabilang dito ang Mga Ilog, Dagat-dagatan at mga Sapa at ang iba pa may Malaking Tubig.
Samakatuwid, ang lahat ng mga naturang pagkaing-dagat, maging ito ay hayop o halaman na nakuha o natagpuang patay na, ay pinahihintulutan bilang pagkain hangga’t ito ay hindi nagdudulot ng kapinsalaan sa kalusugan.
Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: { Ipinahihintulot para sa inyo ang panghuhuli [ng lamang-tubig] sa dagat at ang pagkain nito bilang panustos para sa inyo}. Surah Al-Ma`idah (5): 96
Ang panghuhuli [o pamimingwit at pangingisda] ay tumutkoy sa mga nahuhuling buhay dito, at ang mga ‘pagkain’ dito ay tumutukoy sa mga patay na hayop-dagat.
Ang Mga Hayop sa Kalupaan
Para sa Mga Hayop sa Kalupaan Upang Maging Halal Bilang pagkain, dalawang patakaran ang kailangang ipatupad:
Na ito ay Mga hayop na Ipinahihintulot Kainin.
Na ang Pagkuha Nito o Pagkatay Nito ay sa Pamamagitan ng Pamamaraan Itinakda ng Islam.
Ano ang Mga Hayop na Ipinahihintulot?
Sa pangkalahatang pananaw ng Batas na Islam, ang lahat ng lamang-karne ng hayop ay Halaal (malilinis at pinahihintulutan) maliban sa anumang ipinagbawal ng Qur’an at Sunnah.
At ang Mga Ipinagbabawal ay tulad ng mga sumusunod:
Ang baboy: alinmang bahagi nito maging sa loob nito o inilalabas nito ay itinuturing na marumi sa relihiyong Islam. Batay sa sinabi ng (Allah) na Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan: {Sa inyo ay ipinagbabawal ang mga patay na hayop (na hindi kinatay), ang dugo, ang laman ng baboy}. Al-Ma`idah (5): 3
At sinabi pa ng Kataas-taasang (Allah): {O laman ng baboy, sapagka’t ito ay tunay na marumi}. Al-An`am (6): 145. Ang ibig sabihin ng marumi ay hindi malinis.
- Ang lahat ng may pangil mula sa mga mababangis [o ligaw] na hayop: Ang tinutukoy dito ay ang lahat ng mga hayop na kumakain ng karne, maging ito ay malaki, tulad ng leon at tigre, o maliit tulad ng pusa at mga nakakatulad nito, at kabilang dito ay ang aso.
- Lahat ng mga naninila [nandadagit] mula sa kawan ng mga ibon: Ito ay ang lahat ng ibon na kumakain ng karne, tulad ng palkon, agila, tagak-dagat at nakakatulad nito.
- Mga insekto: Ang lahat ng mga insekto sa kalupaan ay hindi ipinahihintulot na kainin, sapagkat ang mga ito ay hindi nakakatay, maliban sa balang, at ito ay ipinahihintulot kainin. Batay sa sinabi niya (Muhammad ﷺ): «Ipinahihintulot sa atin para kainin ang laman ng dalawang patay [na hayop]: Ang isda at ang balang». (Ibn Majah: 3218)
- Ang mga ahas, mga sawa at mga daga: Samakatuwid, ipinagbabawal ang pagkain nito, at ipinag-uutos sa atin ang pagpaslang dito. Siya (Muhammad ﷺ) ay nagsabi: «Limang hayop na mapanganib na dapat pinapatay sa labas at loob ng mga hangganan ng Makkah kahit siya ay nasa kalagayan ng Ihram [sa Hajj o Umrah]: Ang ahas, ang uwak na may kulay puti sa likuran at tiyan, ang mga daga, alakdan, ang mabagsik na aso, at lawing itim». (Al-Bukhari: 3136 – Muslim: 1198)
- Ang mga alagang asno: Ito ay ang asno na ginagamit sa mga labas ng bayan upang sakyan at magdala ng mga gamit.
Ang Mga Uri ng Mga Hayop na Ipinahihintulot:
Ang mga ipinahintulot ng Allah sa mga hayop na ito ay dalawang uri:
- Ang mga maiilap na hayop na nabubuhay sa mga kasukalan [hindi inaalagan sa bahay o bukid] at tinatakbuhan ang tao at hindi madaling hulihin upang katayin: kaya ipinahihintulot ito sa atin sa pamamagitan ng pangangaso sa kanila sa Islamikong Pamamaraan.
- Ang mga inaalagaan at maamo maaaring hulihin: Ito ay hindi ipinahihintulot maliban sa pamamagitan ng Islamikong Pagkatay.
Ang Islamikong Pagkakatay:
Ito ay ang pagkatay o pag-aalay na ang mga patakaran nito ay nagampanan o naipatupad nang ayon sa itinakdang pangangailangan.
Ang mga Islamikong Pagkakatay:
- Ang magsasagawa ng pagkakatay ay nararapat na mula sa karapat-dapat magkatay, siya ay maaaring isang Muslim o mula sa lipon ng mga Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) na may tamang pag-iisip at may wastong nilalayon ng pagkatay.
- Ang mga paggagamitang kasangkapan ng pagkakatay ay nararapat na akma para sa takdang layon ng pagkatay at nararapat na matalim upang maging maayos ang pagkatay at magpadaloy ng dugo, at madaling makapuputol, tulad ng kutsilyo, at ipinagbabawal ang paggamit sa pagpatay nito ng anumang bagay sa pamamagitan ng mabibigat na bato upang gamitin sa pagpukpok sa ulo ng hayop o sa pamamagitan ng pagsunog dito, tulad ng gamit na de-kuryente.
- Ang Ngalan ng Allah [Bismillaah) ay nararapat na sambitin o bigkasin sa sandal ng pagkakatay.
- Ang pagputol ay nararapat na malalim sa pangunahing bahagi ng anumang itinatagubilin na putulin sa pagkatay, at ito ay: Ang lagukan (daanan ng pagkain at inumin), ang lalamunan (daanan ng hangin papuntang baga), at ang dalawang malaking ugat sa leeg, o tatlo sa apat na ito.
Kaya kapag naisaalang-alang ang mga patakaran na ito, ipinahihintulot na ang kinatay, datapuwa’t kapag nawala ang isa sa dalawang patakaran na ito, samakatuwid ang kinatay ay hindi ipinahihintulot.
Ang Mga uri ng Karne Sa mga Karinderya at mga Pamilihan:
- Ang mga lamang-karne na kinatay ng isang di-Muslim at isang tao mula Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano), tulad ng Budista, Hindu at Ateista, ito ay ipinagbabawal. At ito ay kinabibilangan ng mga karneng na inihahain sa mga karinderya at mga tindahan ng bansa na ang nakararami sa mga tao nito ay hindi mga Muslim at Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano), samakatuwid ang hatol dito ay ang pagbabawal hanggang sa mapatutunayan ang kasalungatan nito.
- Ang karne mula sa mga hayop na pinatay ng isang Muslim o Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) sa Islamikong Pamamaraan, samakatuwid ito ay ipinahihintulot ayon sa napagkaisahang pasiya ng mga mapananaligang iskolar.
- Ang karne mula sa mga hayop na pinatay ng isang Muslim o Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) sa pamamaraang hindi Islam, tulad ng pangunguryente o paglulunod o pagpukpok o pagbagok: Samakatuwid, ito ay walang pag-aalinlangan na ipinagbabawal.
- Ang karne mula sa mga hayop na kinatay ng isang Angkan ng Kasulatan (Hudyo o Kristiyano) na walang alam sa kalagayan ng pagkakatay, gayundin ang anumang matatagpuan sa kanilang mga karinderya at mga tindahan. Ang pangkalahatang pananaw rito ay: ito ay kanilang mga kinatay, kaya ang tamang opinyon dito, ipinahihintulot ang pagkain nito nguni’t nararapat na bigkasin o sambitin ang Bismillah (sa Ngalan ng Allah) sa sandaling kumain, nguni’t higit na mainam ay ang paghanap ng Halaal (malinis, ipinahihintulot) na karne dito.