Ang Pangangaso Ayon sa Batas ng Islam
Ang mga Muslim ay binigyan ng karapatan sa pangangaso ng mga hayop at mga ibon na ipinahihintulot kainin at hindi madaling hulihin para katayin, tulad ng iba’t ibang uri ng mga ibon sa mga bukid at parang na hindi kumakain ng mga karne, gayundin ng mga usa at mga maiilap na kuneho sa disyerto at katulad nito.
At mga patakaran para sa pangangaso ng mga hayop at maiilap [o mababangis na hayop] ay nararapat na tuparin kabilang ng mga sumusunod:
- Ang isang nangangaso ay nararapat na nasa tamang pag-iisip at nararapat tuparin ang gawaing ito nang ayon sa kanyang layunin, maging Muslim man siya o Angkan ng Kasulatan (Hudyo o Kristiyano), samakatuwid hindi ipinahihintulot na kuhanin ang mga nakuha sa pangangaso ng isang Wathani (taong sumasamba sa mga diyus-diyusan) o baliw.
- Ang pangangaso ay nasasaklawan lamang ng mga uri ng mga hayop ay hindi madaling isagawa ang pagkatay sapagka’t sila ay maiilap na tumatakbong papalayo sa tao, datapuwa’t kung ang mga ito ay madaling katayin, tulad ng manok, kambing baka, samakatuwid hindi ipinahihintulot ang pangangaso para sa mga ito.
- Ang sandata sa pangangaso ay nararapat makapatay nang dahil sa tulis o talim nito, tulad ng palaso, o bala, samantalang ang anumang ginamit na bagay na nakapapatay dahil sa bigat nito, tulad ng bato at ng nakakakatulad nito, ay hindi ipinahihintulot ang pagkain ng laman nito maliban kung ito ay nagawang katayin bago nalagutan ng hininga ito.
- Ang nararapat sambitin dito ang Ngalan ng Allah, at kanyang sasabihin: (Bismillaah) bago niya ikasa ang sandatang gagamitin para sa pagtudla ng hayop.
- Kapag naabutan niyang buhay pa ang hayop o ang ibon matapos ang pangangaso nito, kinakailangan para sa kanya na ito ay kanyang patayin sa pamamagitan ng pagkatay nito.
- Ipinagbabawal ang pangangaso ng hayop nang walang hangaring kainin ito, tulad ng isang tao na nangangaso ng hayop upang mag-aliw at magsaya, pagkatapos ay hindi niya kakain ang anumang nahuli niya sa kanyang pangangaso.
Ang mga kagandahang asal sa pagkain at pag-inom
Itinakda ng Allah bilang batas ang ilang alituntuning nauukol sa kagandahang-asal hinggil sa pagkain at pag-inom, na umaakay sa atin upang matutunan ang mga kabanalang layunin, nito tulad ng pagpapaalaala sa mga biyaya ng ipinagkaloob ng Dakialng Allah sa tao, at ang pag-iingat laban sa mga karamdaman [sanhi ng pagmamalabis at luho rito], at ang pag-iwas sa pag-aaksaya, at pagmamalaki.
At ang ilan sa mga magagandang asal na ito:
- Ang pag-iwas sa pagkain at pag-inom na gamit ang mga kagamitang yari sa ginto at pilak o binalutan ng ginto at pilak sapagka’t ito ay isang uri ng pagmamalabis at luho na sumisira sa puso ng mga mahihirap. Ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagpayo: “Huwag kayong uminom sa mga kagamitan na yari sa ginto o pilak, at huwag kayong kumain mula sa mga gintong plato, sapagka’t ang mga ito ay para sa mga di-naniniwala sa mundong ito at [ang mga ito ay] para sa atin sa kabilang buhay”. (Al-Bukhari: 5110 – Muslim: 2067)
- Ang paghuhugas ng dalawang kamay bago kumain at pagkatapos nito, at ito’y higit na binibigyang-diin kung mayroong marumi sa mga kamay o mayroong nalalabing pagkain [sa alinmang bahagi ng kamay].
- Ang pagsambit ng (Bismillaah [sa Ngalan ng Allah]) bago magsimulang kumain o uminom. At ang kahulugan nito: Ako ay humihiling ng biyaya at humihingi ng tulong sa Ngalan ng Allah, nguni’t kung ito ay kanyang nalimutan at kanyang naalaala habang siya ay kumakain, magkagayon siya ay magsasabi ng (Bismillaahi awwalihi wa aakhirih [sa Ngalan ng Allah, sa unahan at sa hulihan nito]).
At minsan, nakita ng Propeta ﷺ ang isang batang lalaki na hindi sumusunod sa mga kagandahang asal na nauukol sa pagkain, kaya siya ay nagsabi sa kanya bilang pagbibigay-aral: “O bata! [Kung ikaw ay kakain, magsimula ka sa pamamagitan ng] pagsambit mo sa Ngalan ng Allah, at ikaw ay kumain sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at ikaw ay kumain [abutin mo] kung ano ang malapit sa iyo”. (Al-Bukhari: 5061 – Muslim: 2022) - Ang pagkain at pag-inom sa pamamagitan ng kanang kamay. Siya ﷺ ay nagsabi: “Huwag kayong kumain sa pamamagitan ng inyong kaliwang kamay, sapagka’t si Satanas ay kumakain sa pamamagitan ng kanayng kaliwa”. (Muslim: 2019)
- Nakabubuti na huwag uminom o kumain nang nakatindig.
- Ang kumain [abutin ang pagkaing] malapit sa iyo, sapagka’t hindi kaaya-aya ang kumakain [at umaabot ng pagkaing] mula sa panig na kinakainan ng mga tao. Katotohanang ang Propeta ﷺ ay nagsabi sa isang batang lalaki: “At kumain [at abuting lamang ang pagkaing] malapit sa iyo”.
- Higit na makabubuting damputin ang isang kapirasong pagkain na nalaglag at linisin ito, punasan ang anumang dumikit na dumi dito at pagkaraan ay kainin, upang hindi masayang ang pagkaing ito.
- Ang pag-iwas na pintasan, sirain at maliitin ito, maaari niyang purihin ito o di kaya naman ay hayaan ito nang walang sinasabi. “Sapagka’t ang Sugo ng Allah ﷺ ay hindi kailanaman pinintasan ang anumang pagkaing inihain sa kanya, ito ay kanyang kinakain kapag kanayng nagugustuhan ito; o kaya naman ito ay kanyang hinahayaan nang walang sinasabi. (Al-Bukhari: 5093 – Muslim: 2064)
- Ang pag-iwas sa labis na pagkain at pagpapakasawa nito, sapagka’t ito ay nagiging sanhi ng karamdaman at katamaran, samantalang ang kumain ng katamtaman ang siyang pinakamainam na dapat gawin. Batay sa sinabi niya ﷺ : “Walang lalagyan na pinupuno ng isang tao na nagdudulot ng kasamaan nito kaysa sa tiyan, sapat na sa anak ni Adam ang ilang subo na magtutuwid ng kanyang likod, at kung ito ay hindi maiwasan: magkagayon, ang ikatlong bahagi [ng kanyang tiyan] ay para sa kanyang pagkain, at ang ikatlo naman ay para sa kanyang inumin, at ang huling ikatlo ay para sa kanyang madaling paghinga”. (At-Tirmidhi: 2380 – Ibnu Majah: 3349)
- Ang pagpapasalamat [at pagkilala sa [mga biyaya ng] Allah sa pamamagitan ng pagsasabing: (Al-Hamdu lillaah [Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allah]), na Siyang naggawad sa akin sa panustos na ito, samantalang marami sa tao ang napagkaitan nito, at maaari ring dagdagan, at kanyang sasabihin: “Alhamdu lillaahil ladhee at`amani hadha, wa razaqani-hi, min ghayri hawlin minni wa laa quwwatin (Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah, na siyang naggawad sa akin ng panustos na ito at wala akong sariling lakas upang gawin ito, gayundin ng sariling kapangyarihan.