Ilan sa Mga Larawan ng Talambuhay ng Propeta ﷺ at Kanyang Pag-uugali
Ang Sugo ng Allahﷻ ay isang halimbawa sa pinakamatayog na makataong pag-uugali, at dahil dito, inilarawan ng Qur’an ang kanyang pag-uugali bilang isang dakilang pag-uugali, at walang paglalarawan na natagpuan ang kanyang asawa na si Aishah – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], nang higit na naaangkop sa paglalarawan tungkol sa kanyang pag-uugali, kaya siya ay nagsabi: (Ang kanyang ugali ay ang Qur’an). Ibig sabihin ay isang praktikal na halimbawa ng pagpapatupad sa mga katuruan ng Qur’an at ugali nito.
Ang Kababaang-loob:
- Hindi kinalulugdan ng Sugo ng Allah ﷻ ang sinumang tumitindig sa kanya bilang pagdakila sa kanyang pagkatao, bagkus ito ay kanyang ipinagbabawal sa kanyang mga kasamahan na gawin ito; maging ang mga Sahabah (kasamahan niya) – [sumakanila nawa ang lugod ng Allah], sa tindi ng kanilang pagmamahal sa kanya, ay hindi tumitindig para sa kanya kapag siya ay kanilang nakikitang paparating, at ito ay walang dahilan kundi dahil sa kanilang nalalaman na ito ay tunay na kanyang kinasusuklaman. (Ahmad; 12345 – Al-Bazzar: 6637)
- Dumating sa kanya si Uday ibn Hatim – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], siya ay bagong yakap sa Islam, at siya ay isa sa mga taong kilala ng mga arabo, na nagnanais malaman ang katotohanan ng kanyang Da`wah (pag-aanyaya), si Uday ay nagsabi: “Dumating ako sa kanya [sa Sugo ng Allah] at naroroon sa kanya ang isang babae at dalawang batang lalaki [o isang batang lalaki] – at nabanggit ng mga ito sa akin ang pagiging malapit nila sa Sugo ng Allah ﷻ – kaya aking napatunayan na siya ay hindi [katulad ng] hari ng Chosroes, na si Cesar (Caesar)”. (Ahmad: 19381). Samakatuwid, ang kababaang-loob ay isang tanda ng pag-uugali ng lahat ng mga Propeta.
- Siya ay umuupong kasama ng kanyang mga kasamahan na wari bang siya ay isa lamang karaniwan sa kanila, at wala siyang inupuang isang pagtitipon na siya ay naiiba [o natatangi] sa sinumang nasa kanyang paligid, maging ang isang estranghero na hindi nakakakilala sa kanya, kapag pumasok sa isang pagtitipon na siya ay naroroon, ay hindi niya magagawang bigyan ng kaibahan ang Sugo ng Allah sa pagitan ng kanyang mga kasamahan, ito ay nagtatanong: Sino sa inyo si Muhammad? (Al-Bukhari: 63)
- Si Anas ibn Malik – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah], ay nag-ulat. Siya ay nagsabi: “Ang isang babaing alipin mula sa mga alipin ng mga mamamayan ng Madinah ay lagi nang kinukuha ang kamay ng Sugo ng Allah ﷻ , at siya ay dinadala nito saan man niya nais”. (Al-Bukhari: 5724). At ang ibig sabihin ng pagkuha sa kamay ay ang kanyang kagandahang-loob at kanyang pagiging mabait sa mga maliliit at mahihinang tao, at sa katunayan binigbigyang-diin nito ang mataas na antas ng kanyang kababaang-loob ; dahil sa kanyang pagbanggit ng babae sa halip na lalaki, at ng alipin sa halip na malayang tao, at siya [s.w.s] ay dinadala nito [ng alipin] saanman niya nais upang tulungan sa kanyang mga pangangailangan.
- Sinabi niya : “Hindi makakapasok sa Paraiso ang sinumang sa kanyang puso ay mayroong pagmamalaking kasing bigat ng [isang butil ng] mais ”. (Muslim: 91)
Ang Habag:
- At katotohanang sinabi niya : “Ang mga [taong] mahahabagin ay kinahahabagan ng Pinakamahabagin [ang Allah], kaya inyong kahabagan ang sinumang nasa lupa, upang kayo ay kahabagan ng sinumang nasa langit”. (At-Tirmidhi: 1924 – Abu Daud: 4941).
At Nailalarawan ang Habag ng Propeta ﷺ sa Maraming Pagkakataon, ang ilan dito ay:
Ang Kanyang Habag sa Mga Bata:
- Dumating ang isang Bedouin [taong naninirahan sa disyerto] sa Propeta ﷺ at nagsabi: Hinahalikan ninyo ang inyong mga kabataan? Nguni’t kami [mga Bedouin] ay hindi humahalik sa kanila, kaya siya ay sinagot ng Propeta ﷺ na nagsasabi: “Ako ba ay may kakayahang maglagay ng habag sa iyong puso kung ito ay tinanggal ng Allah mula sa iyo?”. (Al-Bukhari: 5652 – Muslim: 2317).
At siya ay nakita ng iba na kanyang hinahalikan ang kanyang apong si Hasan ibn Ali, at ito ay nagsabi: Katotohanang mayroon akong sampung anak, ni isa sa kanila ay wala akong nahalikan, kaya siya [ang Sugo ng Allah] ay nagsabi: “Katotohanan, sinuman ang hindi nahahabag ay hindi kahahabagan”. (Muslim: 2318)
- Nang minsang siya – [sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan] – ay nagsagawa ng Salaah [pagdarasal] habang kanyang kilik-kilik ang kanyang apong babae na si Umamah na anak na babae ni Zainab, at kapag siya ay nagpapatirapa, ito ay kanyang inilalapag, at kapag siya ay tumitindig, ito ay kanyang binubuhat. (Al-Bukhari: 494 – Muslim: 543)
- Kapag siya ay nasa oras ng Salaah at siya ay nakarinig ng pag-iyak ng bata, kanyang pinabibilis ang pagsasagawa nito at ito ay kanyang pinagagaan. Si Abu Qatadah ay nag-ulat tungkol sa Propeta ﷺ nang siya ay nagsabi: “Katotohanang ako ay naghanda upang magsagawa ng Salaah, at nais ko sanang pahabain ito, nguni’t ako ay nakarinig ng pag-iyak ng bata, kaya pinaikli ko ang aking pagdarasal, dahil sa kinamumuhian kong bigyan ng pasakit ang kanyang ina”. (Al-Bukhari: 675 – Muslim: 470)
Ang Kanyang Habag sa Mga Kababaihan:
Katotohanang siya ay humihimok ng pag-aaruga sa mga batang babae at magandang pakikitungo sa kanila, at siya ay nagsabi: “Sinuman ang nakaranas ng pagsubok [ng Allah] mula sa kanyang mga anak na babae at kanyang inaruga [pinangalagaan at nilingap] ang mga ito, sila [mga anak na babae] ay magsisilbing panangga sa kanya laban sa Apoy”. (Al-Bukhari: 5649 – Muslim: 2629)
Karagdagan nito, siya ay mahigpit na nagtatagubilin tungkol sa karapatan ng asawang babae at sa pagpapahalaga ng mga bagay na nauukol sa kanya [sa babae], at sa pangangalaga ng kanyang mga kalagayan, at kanyang ipinag-utos sa mga Muslim na magpayuhan sila sa isa’t isa tungkol dito. Siya ay nagsabi: “Magpayuhan kayo ng kabutihan para sa mga [kapakanan ng] kababaihan”. (Al-Bukhari: 4890)
At siya ay nagbigay ng mga napakagandang halimbawa sa kanyang pagiging magiliw sa kanyang mga kasambahay, hanggang, minsan, ay nakaupo siya sa kanyang kamelyo, at kanyang inilapag ang kanyang tuhod at tinapakan ni Sufiyyah – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah] – ng kanyang paa ang tuhod nito upang siya ay makasakay sa kamelyo. (Al-Bukhari: 2120) At kapag dumarating sa kanya ang kanyang anak na babae na si Fatihah – [sumakanya nawa ang lugod ng Allah] – kinukuha niya ang kamay nito at hinahalikan, at kanyang pinauupo sa lugar na kanyang kinauupuan. (Abu Daud: 5217)
Ang Kanyang Habag sa mga Mahihina:
- At dahil sa kanyang habag, hinihimok ng Propeta ﷺ ang mga tao na kupkupin [lingapin at pagmalasakitan] ang ulila, at siya ay nagsasabi: “Ako at ang isang tagapagkupkop [tagapagkalinga] ng ulila ay ganito [ang magiging kalagayan]” sa Paraiso at sabay na itinaas ang kanyang hintuturo at hinggitnang daliri at kanyang pinaghiwalay ito nang kaunti. (Al-Bukhari: 4998)
- At kanyang itinuring ang tagapagtaguyod [at pangangalaga] ng mga balo at mga mahihirap na katulad [o katumbas] ng isang nakikibaka [o nakikipaglaban] sa landas ng Allah, at katulad [din] ng isang nag-aayuno sa araw at nagtataguyod [ng pagdarasal] sa gabi. (Al-Bukhari: 5661 – Muslim: 2982)
- Ipinag-utos niya ang pakikiramay sa mga mahihina at ang pagbigay sa kanila ng kanilang mga karapatan na isang dahilan upang magtamo ng [masaganang] panustos at magkamit ng tagumpay laban sa mga kaaway. Siya ay nagsabi: “Tawagin ninyo sa akin ang mga mahihina; sapagka’t tunay na kayo ay nagtatagumpay at tinutustusan ng ikinabubuhay nang dahil sa mga mahihina mula sa inyo”. (Abu Daud: 2594)
Ang Kanyang Habag sa Mga Hayop:
- At siya ay lagi nang nagpapayo sa mga tao na pairalin ang kagandahang-loob ng mga ito, at huwag bigyan ng mabigat na pasanin ang sinumang walang kakayahang gawin ito, at [nagpapayo rin na] huwag mananakit sa mga ito. Sapagka’t ang Sugo ng Allah ﷻ ay nagsabi: “Katotohanang itinagubilin ng Allah ang paggawa nang buong kahusayan sa lahat ng bagay, kaya kapag kayo ay papatay, pagbutihin ninyo ang pagpatay [i.e. pumatay kayo nang makatarungan], at kapag kayo ay magkakatay, pagbutihin ninyo ang pagkakatay [sa hayop], at inyong hasain nang maigi ang patalim ng isa sa inyo, at hayaan na maging maginhawa [at hindi dumanas ng lubhang hirap] ang inyong [hayop na] kinakatay”. (Muslim: 1955)
- At siya ay lagi nang nagpapayo sa mga tao na pairalin ang kagandahang-loob ng mga ito, at huwag bigyan ng mabigat na pasanin ang sinumang walang kakayahang gawin ito, at [nagpapayo rin na] huwag mananakit sa mga ito. Sapagka’t ang Sugo ng Allah ﷻ ay nagsabi: “Katotohanang itinagubilin ng Allah ang paggawa nang buong kahusayan sa lahat ng bagay, kaya kapag kayo ay papatay, pagbutihin ninyo ang pagpatay [i.e. pumatay kayo nang makatarungan], at kapag kayo ay magkakatay, pagbutihin ninyo ang pagkakatay [sa hayop], at inyong hasain nang maigi ang patalim ng isa sa inyo, at hayaan na maging maginhawa [at hindi dumanas ng lubhang hirap] ang inyong [hayop na] kinakatay”. (Muslim: 1955)
Ang Katarungan:
- At katotohanang siya ay makatarungan, itinataguyod niya ang Batas ng Kataas-taasang Allah kahit sa pinakamalapit niyang mga kamag-anak bilang pagpapatupad sa Kautusan ng Kataas-taasang Allah: {O kayong mga naniniwala! Manindigan kayo nang matatag sa katarungan bilang mga saksi sa Allah, maging ito man ay laban sa inyong mga sarili, o sa inyong mga magulang, at sa malalapit na kamag-anak}. An-Nisa’ (4): 135
- Nang dumating ang ilan sa kanyang mga Sahabah (kanyang mga kasamahan) na mamamagitan sa Propeta ﷺ upang hindi niya ipatupad ang pagpataw ng kaparusahan sa isang babaing nagnakaw na may mataas na katayuan sa isang tribo: Sinabi niya – [sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan]: “Ako ay sumusumpa sa [Allah na] Siyang may tangan ng buhay ni Muhammad, kung si Fatimah na anak na babae ni Muhammad ay [napatunayang] nagnakaw, katiyakang puputulin ko ang kanyang kamay”. (Al-Bukhari: 4053 – Muslim: 1688)
- Nang ipinagbawal niya ang Riba (pagpapatubo sa utang) sa mga tao, nagsimula siyang magbawal mula sa mga taong pinakamalapit sa kanya, tulad ng kanyang tiyuhin na si Al-Abbas. Siya ay nagsabi: “Ang nangungunang Riba na aking itatakwil ay ang ating Riba, ang Riba ni Abbas ibn Abdul Muttalib, sapagka’t ang lahat nang ito ay walang kabuluhan.” (Muslim: 1218)
- Itinatag niya ang pamantayan ng kabihasnan para sa mga pamayanan at ang pagpapaunlad nito upang matamo at makamit ng mga mahihina rito ang kanyang karapatan mula sa mga malalakas nang walang takot at pag-aalinlangan. Siya ay nagsabi: “Walang katarungan [o kabanalan] ang isang pamayanan [o lipunan] na ang mga mahihina rito ay walang kakayahang makuha ang kanilang karapatan nang walang nararanasang kapinsalaan [o kahirapan]”. (Ibn Majah: 2426)
Ang Pagmamagandang-loob at Pagiging Bukas-palad:
- Ang Propeta ﷺ ay pinakamapagbigay [at bukas-palad] sa mga tao sa paggawa ng kabutihan, at siya ay higit na nagiging mapagbigay [at bukas-palad] sa buwan ng pag-aayuno [ng Ramadhan] sa mga sandaling kinakaharap siya ni Anghel Gabriel. At sa bawa’t gabi ng Ramadhan, siya ay kinakaharap ni Jibril – sumakanya nawa ang kapayapaan – hanggang sa lumisan ito. Ipinahayag niya sa Propeta ﷺ ang Qur’an, kaya kapag siya ay nakipagharap sa Anghel Jibril – sumakanya nawa ang kapayapaan – siya ang pinakamapagbigay [at bukas-palad] sa [gawaing] kabutihan nang higit kaysa sa humahagibis na hangin. (Al-Bukhari: 1803 – Muslim: 2308)
- Kailanman ay walang humingi sa kanya nang anuman maliban na ito ay kanyang ipinagkakaloob. Isang lalaki ang lumapit sa kanya at kanyang binigyan ito ng tupa [na ang bilang o uri nito ay [halos nagkakahalaga o mapuno] ang pagitan ng dalawang bundok, kaya bumalik ito sa kanyang mga tao at nagsabi: O kayong mga tao! Magsipagyakap kayo sa Islam sapagka’t si Muhammad ay nagbibigay ng isang handog na hindi pinangambahan ang paghihikahos. (Muslim 2312).
- At may dinala sa kanya na walumpung libong dirham [lumang salaping panukat ng arabo] at kanyang inilagay ito sa isang banig, pagkaraan ay kanyang binalingan ito at kanyang hinati-hating ipinamahagi, at wala siyang tinanggihang namamalimos hanggang ito ay kanyang maubos [sa kakapamigay]. (Al-Hakim: 5423)
- Dumating sa kanya ang isang lalaki at ito ay humingi sa kanya ng tulong. Siya ay nagsabi: “Wala akong anuman, nguni’t bumili ka sa akin at kung may dumating sa amin ng anupaman, ito ay aming babayaran”. (Ibig sabihin ay bilhin mo kung ano ang nais mo at ako na ang bahalang magbabayad). Si Umar ay nagsabi: “O Sugo ng Allah! Ikaw ay hindi pinipilit ng Allah kung ano ang hindi abot ng iyong kakayahan” datapuwa’t iyon ay kinasuklaman ng Propeta ﷺ, kaya nagsabi ang lalaki: “Ikaw ay gumugol at huwag mong pangambahan ang paghihikahos mula sa Nagmamay-ari ng Trono”. Kaya napangiti ang Propeta ﷺ at kanyang nabanaag ang kasiyahan nito sa kanyang mukha. (Hinango mula sa mga piling Hadith: 88)
- Nang bumalik ang Sugo ng Allah ﷻ mula sa digmaan sa Hunain, dumating ang mga taong naninirahan mula sa mga lambak at ang mga bagong yakap sa Islam na humihingi mula sa kanya ng mga biyayang ipinamimigay mula sa mga labi ng digmaan na kanilang napanalunan at sila ay nagsiksikan sa kanya hanggang siya ay kanilang sapilitang naitaboy sa isang punongkahoy, at sumabit dito (sa mga tinik ng punongkahoy) ang kanyang balabal, kaya tumigil ang Sugo ng Allah ﷻ at nagsabi: “Ibigay ninyo sa akin ang aking balabal, kung mayroon lamang sana akong kawan ng mga hayupan na kasing dami ng bilang ng mga tinik ng punongkahoy na ito, katiyakang ito ay aking paghahatiin sa pagitan ninyo, at pagkatapos, ako ay hindi ninyo matatagpuang isang kuripot [maramot], o sinungaling o naduduwag”. (Al-Bukhari: 2979)
Sa katotohanan, siya ay nagbigay ng mga magagandang halimbawa tungkol sa pag-uugali sa lahat ng mga aspeto ng buhay.