Nakabubuti bang magpalit ng pangalan matapos ang pagyakap sa Islam?

Sa pananaw ng Islam, ipinahihintulot ang pananatili ng isang Muslim sa kanyang pangalan matapos ang pagyakap niya sa Islam nang walang pagpapalit, at ang pagbabago sa mga pangalan ay hindi kilala sa panahon ng mga Sahabah (kasamahan ng Propeta) – sumakanila nawa ang lugod ng Allah. Sa katunayan, maraming tao ang yumakap sa Islam, nguni’t nanatili sila sa kanilang mga pangalan na hindi Arabik, maliban kung ito ay nagpapahiwatig ng masamang kahulugan, sa gayon ay dapat magpalit dahil sa masamang kahulugan nito.

Samakatuwid, itinatagubilin ang pagpapalit ng pangalan sa mga kalagayan na sumusunod:

  1. Kapag ang pangalan ay nagpapahiwatig ng pagkaalipin sa iba bukod sa Allah o naglalaman ng kahulugan na sumasalungat sa Pananampalatayang Islam:

Tulad ng pangalan na Abdul Masih (alipin ng Mesiyas) o Abdun Nabi (alipin ng Propeta) o malapit sa kahulugan nito, o di kaya ang kahulugan ng pangalan ay sumasalungat sa Pananampalataya, tulad ng pangalang Shunudah na nangangahulugan ng (anak ng Allah), Luwalhati sa Allah at Siya ay Mataas sa anumang iniaakibat nila sa Kanya.
O ang pagpapangalan ng isang pangalan na ito ay partikular na natatangi lamang sa Allah na Kataas-taasan, at sa Kanyang mga Katangian:
Tulad ng pag-aanib sa isang alipin sa isang bagay na natatangi lamang ito sa Allah na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan, tulad ng pagpapangalan ng Malik Al-Muluk (ang hari ng mga hari) at mga nakakatulad nito.

  1. Kung ang pangalan ay nakakasakit at nagpapahiwatig ng masamang asal na hindi kinalulugdan ng mga tao.

Samantalang ang Allah na Kataas-taasan ay tunay na nagbawal sa atin ng mga marurumi sa mga pagkain at inumin at sa lahat ng bagay na nauukol sa buhay na ito, kaya hindi dapat nagpapangalan ng pangalan na marumi ang kahulugan at pahiwatig matapos ang pagyakap sa Islam. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang (Allah): {Tunay na napakasamang tawagin [sa pangalang nagpapahiwatig ng] pagkasuwail matapos na magkaroon ng Eeman [paniniwala]}. Surah Al-Hujurat (49): 11

Nakabubuti ang pagpapalit sa pangalan:

Kapag ang bagong pangalan ay kaaya-aya sa Allah, tulad ng pagpapalit ng pangalang Abdullah (alipin ng Allah), Abdul Rahman (alipin ng Mahabagin) at anumang pagpapaalipin sa Allah na Tigib ng Kapangyarihan at Kapita-pitagan, at ito ay kabilang sa mga kaaya-ayang pangalan, nguni’t iyon ay walang kaugnayan sa kanya sa pagpasok niya sa Islam.

  • Ipinahihintulot sa kanya ang pagpalit sa kanyang pangalan nang walang pasubali at kahit walang dahilan, tulad ng pagpalit sa kanyang pangalang banyaga sa pangalang arabik, nguni’t ito ay hindi kabilang sa mga kaaya-aya at hindi nakaugnay sa pagpasok niya sa Islam.
Ang kahulugan ba ng pangalan ay sumasalungat sa pananampalataya at pananalig?
Oo
Kinakailangan ang pagpapalit ng pangalan na nagdadala ng kahulugang ito.
Hindi
Ang pangalan ba ay may pahiwatig na pangrelihiyon mula sa mga di-Muslim, o tanyag sa pagitan ng mga relihiyoso sa lipon ng mga di-Muslim?
Oo
Dapat palitan ito bilang pag-iiwas sa Al-Fitnah (tukso) at paglayo sa panggagaya.
Hindi
Ito ba ay nagdadala ng masamang kahulugan na iwawaksi ng mga sarili?
Oo
Ikinabubuti ang pagpalit nito sa pangalan na nagdadala ng magandang kahulugan na umaangkop sa pagpasok ng isang tao sa Islam.
Hindi
Kapag hindi nagdadala ng isa sa naunang mga kahulugan, magkagayon hindi kinakailangan ang pagpapalit nito, sapagka’t sa katotohanan marami sa mga Muslim sa unang paglaganap ng Islam na nagpanatili sa kanilang mga pangalan na hindi arabik nang walang pagpapalit.
At ipinahihintulot sa kanya ang pagpalit ng kanyang pangalan nang walang pasubali at kahit walang dahilan, bagkus higit na nakabubuti kapag ang pagpapalit ay tumutukoy sa mga kaaya-ayang kahulugan na kinalulugdan ng Allah, tulad ng pangalang ng Abdullah o Abdur-Rahman.

Sunan Al-Fitrah (Ang Mga Mabubuting Likas na Kaugalian)

Ano ang tinutukoy na Sunan Al-Fitrah?

Nais ng Islam sa isang Muslim na siya ay nasa pinakamagandang hubog [at kaayusan].

ng Sunan Al-Fitrah ay ang mga gawaing likas na nilikha ng Allah para sa mga tao. Ito ang siyang nagbibigay kaganapan sa isang Muslim sa pamamagitan ng paggawa nito, upang lagi niyang taglayin ang mga pinakamainam na katangian at pinakamagandang hubog, sapagka’t pinangalagaan ng Islam ang mga aspeto ng kagandahan at kaganapan para sa isang Muslim upang manatili sa kanya ang kabutihan na nakalantad at nakatago.
Sinabi niya ﷺ : “Ang Fitrah (likas na kaugalian) ay lima: Ang pagtutuli, ang pag-aahit, ang paggugupit ng bigote, ang pagpuputol ng mga kuko at ang pagbubunot ng buhok sa kilikili”. (Al-Bukhari: 5552 – Muslim: 257)
Ang pagtutuli: Ito ay ang pagtanggal ng balat sa unahang bahagi ng ari [ng lalaki], at kadalasan ay isinasagawa ito sa unang mga araw ng pagkasilang.
At ito ay kabilang sa mga mabubuting gawain at kaaya-ayang kaugaliang likas sa lalaki, at mayroon itong ilang mga kabutihang pangkalusugan, nguni’t ito ay hindi isang patakaran sa pagyakap sa Islam, at hindi pagkakasala para sa isang Muslim kung hindi man siya nakapagtuli sandhi ng kanyang pagkatakot rito, o sa anupamang ibang kadahilanan.
Ang pag-aahit: Ito ay ang pagtatanggal ng mga balahibong tumutubo sa maselang bahagi ng isang tao at gayundin sa mga bahaging singit sa pamamagitan ng pag-ahit nito, o sa anupamang ibang pamamaraan.
Ang paggupit ng bigote: Ang pagkakaroon ng bigote ay kabilang sa mga ipinahihintulot, nguni’t kung pananatilihin ito ng isang Muslim, kailangang huwag niyang hayaan na ito ay humaba nang labis, bagkus kailangan panatilihin ito sa takdang haba nito ng kaukulan o wastong pagputol at pagbawas.
Ang pagpapahaba ng balbas: Ang Islam ay humihimok [sa mga kalalakihan ng] pagpapahaba ng balbas, at ito ay ang buhok na tumutubo sa magkabilang panga at baba.
At ang kahulugan na hayaan ito at panatilihin, at huwag gupitin ay tanda ng pagsunod sa Sunnah ng Propeta ﷺ .
Ang pagpuputol ng mga kuko: At ang isang Muslim ay nararapat na pinangangalagaan ang mga kuko sa pamamagitan ng pananatili nito sa tamang putol upang hindi magmistulang lugar ng mga dumi at kasalaulaan.
Ang pagbubunot sa kilikili: At ang isang Muslim ay nararapat na tanggalin ang buhok sa kilikili sa pamamagitan ng pagbubunot nito o ng iba pang nakapagtatanggal upang maiwasan ang di-kaaya-ayang amoy nito.