Paano Ako magsasagawa ng Salaah?
-
Tumayo nang matuwid at bigkasin ang: Allaahu Akbar (Ang Allah ay Dakila), habang itinataas ang mga kamay hanggang sa maitapat ito sa pagitan ng mga balikat at mga tainga.
-
Ipatong ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwa sa tapat ng kanyang dibdib, bigkasin ang Surat Al-Fatihah at isunod ang anumang talata [o kabanata] sa Qur’an, kung nasa unang Rak`ah (yunit) o sa ikalawa.
-
Bigkasin ang Takbir (Allaahu Akbar) habang itinataas ang mga kamay, pagkatapos ay iyukod ang likod sa dakong Qiblah, at ilagay ang mga kamay sa kanyang mga tuhod at bigkasin ang: Subhaana rabbiyal `adhim (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Dakila) nang tatlong ulit.
-
Tumayo nang matuwid mula sa pagkakayukod habang itinataas ang mga kamay tulad ng kalagayan ng Takbir, at bigkasin, kung siya ay Imam (namumuno sa Salaah) o nag-iisa: Sami `allaahu liman hamidah (Dinidinig ng Allah ang sinumang pumupuri sa kanya), [at magsasabi ang lahat pagkatapos niyon ng: Rabbanaa wa lakal hamd (Aming Panginoon, ang papuri ay para sa Iyo lamang).
-
Magdahan-dahang paluhod para sa pagpapatirapa nang walang pagtataas ng kanyang mga kamay, at magpapatirapa na nakalapat [o nakasayad sa lapag] ang pitong bahagi ng katawan: ang noo at ilong, ang dalawang kamay, ang dalawang tuhod at ang dalawang paa, at bigkasin: Subhaana rabbiyal a`alaa (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan) nang tatlong ulit.
-
Maupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa na nakatukod ang kanang paa, habang inuupuan naman ang kaliwa na nakapatong ang kanyang mga kamay sa unahan ng kanyang mga hita, at bigkasin: Rabbig firlee war hamnee (Panginoon, nawa’y patawarin Mo po ako at kahabagan Mo po ako), pagkatapos ay muling magpapatirapa tulad ng ginawa niya sa una.
-
Tumayo mula sa pagkakapatirapa at tumindig nang matuwid para sa ikalawang Rak`ah, at gawin dito ang mga ginawa sa unang Rak`ah nang ganap, simula sa pagtindig, pagbigkas, pagyukod, pag-angat mula rito at pagpapatirapa.
-
Pagkatapos makapagsagawa ng ikalawang Sujud sa ikalawang Rak`ah, umupo para sa unang Tashahhud, tulad ng pagka-upo sa pagitan ng dalawang Sujud at bigkasin ang: Attahiyyaatu lillaahi was salawaatu wat tayyibaat, assalaamu `alayka ayyuhan nabiyyu wa rahmatullaahi wa barakaatuh, assalaamu `alaynaa wa `alaa `ibaadil laahis saalihin, ash hadu allaa ilaaha illallaah, wa ash hadu anna muhammadan `abduhu wa rasuluh (Ang mga pagbati ay sa Allah, gayundin ang mga dasal at mga mabubuting bagay sa buhay. Sumaiyo ang kapayapaan, O Propeta at gayun din ang habag at mga pagpapala ng Allah. Ang kapayapaan ay mapasaamin at mapasakanila na mga matutuwid na lingkod ng Allah. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos maliban pa sa Allah, natatanging Siya lamang, wala Siyang katambal. At ako ay sumasaksi rin na si Muhammad ay Kanyang lingkod at Sugo).
-
Kung ang Salaah ay binubuo ng tatlong Rak`ah o apat, tumayo sa ikatlong Rak`ah, at gawin rito ang mga ginawa sa una at ikalawang Rak`ah, nguni’t huwag magbabasa ng anumang Surah pagkatapos ng Al-Fatihah, samantalang ang natitirang mga gawa at salita ay isagawa ng tulad sa una.
-
Sa huling Rak`ah, maupo pagkatapos ng Sujud at bigkasin ang unang Tashahhud, pagkatapos ay bigkasin din ang Salat para sa Propeta , at ang pamamaraan nito ay: Allaahumma salli `alaa muhammadin wa `alaa aali muhammad, kamaa sallayta `alaa ibraaheema wa `alaa aali ibraaheem, innaka hameedum majeed, wa baarik `alaa muhammadin wa `alaa aali muhammad, kamaa baarakta `alaa ibraaheema wa `alaa aali ibraaheema, innaka hameedum majeed (O Allah, pagpalain Mo po si Muhammad at ang kanyang mag-anak tulad ng pagpala Mo kay Ibrahim at sa kanyang mag-anak, tunay po na Ikaw ay kapuri-puri at maluwalhati. Biyayaan Mo po si Muhammad at ang kanyang mag-anak tulad ng biyayang ipinagkaloob Mo kay Ibrahim at kanyang mag-anak, tunay po na Ikaw ay kapuri-puri at maluwalhati).
-
Pagtakapos ay magsasagawa ng Taslim sa pamamagitan ng pagbaling sa bahaging kanan na nagsasabi: Assalaamu alaykum wa rahmatullaah (Sumainyo nawa ang kapayapaan at habag ng Allah), at pagkatapos ay sa bahaging kaliwa naman na nagsasabi: Assalaamu alaykum wa rahmatullaah (Sumainyo nawa ang kapayapaan at habag ng Allah).