Ang iyong Zakaah
Ang Zakaah (takdang kawanggawa) ay ipinag-utos ng Allah [bilang isang tungkulin para sa mga Muslim], at ito ay Kanyang itinakda bilang ikatlong haligi mula sa mga haligi ng Islam, at Kanyang pinaghandaan ng matinding kaparusahan ang sinumang nagtawil [at nagkait] nito, at Kanyang pinag-ugnay ang [diwa ng] pagkakapatiran sa pagitan ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagsisisi, pagsasagawa ng Salaah (pagdarasal) at pagbibigay ng Zakaah, tulad ng sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Subali’t kung sila’y magsisi, magsagawa ng pagdarasal at magbigay ng Zakaah, magkagayon, sila ay inyong mga kapatid sa relihiyon.} At-Taubah (9): 11
At sinabi niya ﷺ : «Ang Islam ay itinayo batay sa lima ... ang pagsasagawa ng Salaah at ang pagbibigay ng Zakaah». (Al- Bukhari: 8 – Muslim: 16)