Ang Iyong Taharah

Ipinag-uutos ng Allah sa mga Muslim ang [pananatili ng] kalinisan at kadalisayan sa kanilang mga sariling [kalooban] mula sa Shirk (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at mula sa mga sakit ng puso tulad ng inggit, pagmamalaki at [masidhing] galit [o poot], gayundin ang [pananatili ng] kalinisan at kadalisayan sa kanilang panlabas na bahagi ng katawan mula sa dumi at sa lahat ng uri ng karumihan [o kasalaulaan], kaya kapag naisakatuparan nila ang mga ito, sila ay magiging karapat-dapat sa pagmamahal ng Dakilang Allah. Batay sa sinabi ng Kataas-taasang Allah: {Katotohanan ang Allah ay nagmamahal sa mga nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa mga nagpapadalisay [ng kanilang sarili]}. Surah Al-Baqarah (2): 222